Marami ang nag-react ng sinabi ko na âMahirap ang buhay sa Dubai." Hindi ko hinihingi ang inyong simpatya o anumang pag-agree o pagsalungat sa aking mga sinulat. Ang sa akin lamang ay paglalahad ng aking mga naging karanasan at pakikipagsapalaran. Narito ang aking buhay sa Dubai bago na-hire dito sa kompanyang pinapasukan ko ngayon.
Marahil nangyari sa akin iyon upang magising ako sa aking kalokohan. Ganundin marahil ang sakit na naramdaman ng aking asawa sa Pinas nang matuklasan niya ang panloloko ko sa kanya. Marahil iyon ang paraan ng Maykapal upang âdi na ako magpatuloy sa aking kalokohan. Isang aral ang aking natutunan. 
-- L.N.
Sa pagpasa ko ng CV sa internet ay naging napakadali sa pag-aapply ko ngunit hindi pala ganun kadali ang magpunta sa location ng opisina. Tinawagan ako ng dating accountant na for interview daw ako ng 3: 00 pm noong May 2008. Yun ang unang tawag sa akin for interview. Tuwang-tuwa ako nang araw na yun at sa wakas baka sakaling makapag-work na rin ako. Hindi ko alam ang lugar sa Al Qusais kaya nanghingi ako ng location map sa accountant. Pinadalhan niya ako sa email at nagtaxi na lang ako papunta doon dahil sobra ang init at baka malate pa ko sa interview. Nagkaligaw-ligaw kami dahil âdi rin pala marunong yung taxi driver at napunta kami sa isang lugar na hindi naman pala dun ang office. Tumawag ako sa accountant at kanyang kinausap ang driver na ibaba na lang ako sa may Dubai Grand Hotel. Pagdating ko sa hotel ay sinundo ako ng draftsman. Sobrang init sa araw na yun at sobrang layo pa pala ng lalakarin mula sa hotel. Pagdating sa office ay agad-agad akong pinaupo ng accountant at sinabing mag-antay muna saglit dahil darating na rin ang finance manager na mag-iinterview sa akin. Naging madali naman ang interview at ang itinanong lang sa akin ay about accounting entry. Nag-usap din kami about sa monthly salary ko at ilang benefits na makukuha ko. After that ay sinabi niya sa akin na tanggap na ko kung papayag na ako sa kanyang alok na sahod.
Nang araw na mag-expired na ang aking visa ay binigyan ako ng plane ticket ng amo ko papuntang Kish Iran. Ang Kish Iran ang lugar na madalas puntahan ng mga nag-eexit ng Dubai. 
Medyo mababa lang ang starting na sahod pero kung iko-convert mo sa pera ng Pilipinas ay malaki na rin. Sinabihan niya ako na tawagan siya after 1 hour pagkaalis ko ng opisina kung papayag ako at pwede na akong mag-umpisa kinabukasan. Habang pababa ako ng hagdanan ng opisina ay nag-iisip ako kung tatanggapin ko ang offer. Umupo muna ako sa hagdanan at nag-isip sandali. Nadaanan pa ako ng finance manager habang nakaupo ako sa hagdan at sinabi ko na, âOk sir, I accept your offer and Iâll start working tomorrow". First day of work May 2011, medyo kinakabahan pa ako lalo naât puro English lang ang salita para magkaintindihan ng maayos. Madali namang naituro ng papalitan kong accountant ang lahat ng dapat malaman sa accounts pati na rin ang mga rules & regulations sa company. Sa paglipas ng araw ay naging smooth naman ang pananatili ko sa opisina. Walang masyadong pressure at mabait ang mga kasama ko. Lahat ng papeles na kailangan para maging mabilis ang pagpasa ko sa PRO namin. June 2008 ay may pumasok na mga naka-condura (âdi ko alam kung tama ba spelling sa tawag sa kasuotan ng mga lalaking local dito sa Dubai) at hinihingan ako ng pataka (labor card). Sila pala ay from the Ministry of Labor at nagtse-check ng mga illegal workers. Isa ako sa natiyempuhan nila ng araw na âyon. Sinabi ko sa kanila na on process na ang aking visa application. Hinihingi rin nila sa akin ang kopya at sinabi ko na nasa PRO namin lahat ng papeles ko. Hindi pa pala nai-submit ng PRO ang aking papers nang tumawag ako. Sa oras na iyon ay naramdaman ko ang sobrang kaba dahil maaaring akong makulong at madeport. Buti na lang at dumating ang amo ko at kinausap niya ang mga tao at sinabing on process na ang application ko. Binigyan ang amo ko ng warning at may pinapirmahan sa amin na hindi ko alam kung para saan. Pumirma naman ako at sabi ng amo ko ay âwag akong mag-alala. Sa araw-araw na pagpasok ko sa company ay parating nakalock ang aming pinto at baka raw may mag-check ulit ang mga taga-Labor. Patapos na ang aking visit visa pero wala pa rin akong working visa.
Nakakaawa ang ibang Filipina na nakasabay ko dahil inaabot na sila ng isang buwan at hindi pa sila makabalik ng Dubai dahil hindi sila inabisuhan ng company na pinasukan nila at pinabayaan na lang ng kanilang mga amo. Natakot ako na baka ganun din ang maging kapalaran ko. 
Nang araw na mag-expired na ang aking visa ay binigyan ako ng plane ticket ng amo ko papuntang Kish Iran. Ang Kish Iran ang lugar na madalas puntahan ng mga nag-eexit ng Dubai. Sa pagpunta ko ng airport sa Terminal 2 ay nakasabayan ko ang ibang Pinoy na mag-eexit din. Nagkwentuhan kami habang nag-aantay ng boarding time. Habang nasa biyahe ay binigyan kami ng stewardess ng inumin at mani para sa meryenda. Inabot din ng mahigit sa 30 minutos ang biyahe pa-Kish. Paglapag ng eroplano sa Kish airport ay diretso kami agad sa isang area na may mga damit na abaya. Bawal kasi sa Kish Iran ang maigsi ang mga damit ng mga babae at dapat nakabalot ang buhok. For the first time ay nakapagsuot ako ng costume nila. Dumiretso kami sa immigration at lumabas na ng airport. Sa labas ng airport ay nakaabang ang mga van na papunta sa hotel at sumakay kami diretso ng hotel. Pagdating sa hotel ay nag-check in ako at kinuha nila ang aking passport at nagbigay kami ng 100dhs para sa bayad. Ang per day ay 35dhs sa hotel at libre ang breakfast. Puro mga Pinoy din ang kasama ko sa room. Nakakaawa ang ibang Filipina na nakasabay ko dahil inaabot na sila ng isang buwan at hindi pa sila makabalik ng Dubai dahil hindi sila inabisuhan ng company na pinasukan nila at pinabayaan na lang ng kanilang mga amo. Natakot ako na baka ganun din ang maging kapalaran ko. (itutuloy) â
GMA News L.N. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!