(Huling labas) Pagkaraan ng tatlong linggo ay paubos na ang pera ko at kailangan na naman magbayad sa hotel. Weekly kasi ang singilan dun at kailangan magbayad kung hindi ay paaalisin ka nila. Humingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan sa Dubai at nagpadala naman sila ng pera sa akin. Lahat ng pera na pinadala ng aking mga kaibigan ay babayaran ko sa kanila pagbalik ko sa Dubai. Sa paglipas ng mga araw ay papalit-palit ang mga nakakasama namin sa kuwarto ng hotel. Yung iba ay nakakabalik agad at mayroon naman na nag-aantay na lang na madeport sila dahil wala na silang pambayad ng visa sa Dubai.
Sa mga OFW, âwag kakalimutan na nandito tayo sa malayo para sa kinabukasan ng ating pamilya. Maaaring makaranas tayo ng hirap pero âwag susuko agad. Ang mga pagsubok na âyan ang magpapatibay sa atin. 
-- L.N.
Nakakainggit kapag mayroong mga bagong dating lang tapos ay inaabot lang sila ng 1-2 araw na mag-stay sa Kish, samantalang kami ay ilang linggo na. Mayroon ding mga babalik ng Dubai na nanlilibre o kaya ay iniiwan nila ang mga baon nilang mga pagkain na mga de-lata. Mayroon akong nakasama sa hotel na binigyan ako ng 50dhs nung mga time na wala na talaga akong pera. Yung iba ay nagsi-share ng kanilang pagkain sa amin. Physically hindi ka pagod o hirap kasi wala ka namang ibang gagawin sa Kish kundi matulog, kumain at magpahinga . Ang mahirap yung torture sa utak mo na madami kang iniisip lalo naât wala ka ng pera at walang kasiguraduhan na mabi-visahan ka. To be exact at 37 days ang pag-stay ko sa Kish. Nagtatalon ako sa tuwa nang lumabas na ang aking employment visa. Bumaba ako ng hotel at nagpa-book ng flight pabalik ng Dubai. Napasarap ng pakiramdam na meron ka nang hawak na employment visa. Nararamdaman ko nang mga oras na âyon na yung mga pangarap ko ay maaari nang matupad sa pagbabalik ko sa Dubai. Sa pagbabalik ko sa trabaho ay dala ko ang pag-asa na mabibigyan ko ng magandang bukas ang pamilya ko. Ang unang sahod ko sa pagbalik ko sa Dubai ay ipinambayad lamang sa lahat ng pinagkautangan ko na mga kaibigan at wala akong itinara para pampadala sa aking pamilya. Dumating ang year 2010, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Dubai. Ang kumpanya namin ay nakaranas ng kahirapan kasabay ng recession, at maraming kumpanya ang nagsara. Hindi naman nagsara ang kumpanya namin pero ang sahod ay kanilang binawasan sa lahat ng empleyado. Wala kaming nagawa dahil kapag kami ay nagresign ay hindi rin kami makakapasok sa ibang company dahil automatic na ban ng six months. Ibig sabihin hindi ka pwedeng magtrabaho sa iba hanggat hindi natatapos ang six months. Wala rin namang balak ang kumpanya na magbigay ng No Objection Certificate. Kaya pumayag kami sa kagustuhan ng management. Umabot sa 800dhs every month ang nabawas sa sahod ko. Hindi ko na ipinaalam sa pamilya ko sa Pilipinas na konti na lang sahod ko. Pero ang pinapadala ko sa kanila ay parehas pa rin nung amount na pinapadala ko. Nagtitipid na lang ako ng husto para mapagkasya ko ang budget. Umabot ng limang buwan bago ibinalik ang dati naming sahod. Pagkalipas ng isang taon, nag-file ako ng annual leave. Hiningi ko ang leave pay ko at passport ko sa amo ko.
Dumating ang year 2010, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Dubai. Ang kumpanya namin ay nakaranas ng kahirapan kasabay ng recession, at maraming kumpanya ang nagsara. Hindi naman nagsara ang kumpanya namin pero ang sahod ay kanilang binawasan sa lahat ng empleyado. 
Segurista ang mga amo dito sa Dubai, kailangan na hawak nila ang passport mo at makukuha mo lang pag-uuwi ka. Pumunta ako ng POLO /OWWA at nag-file ng OEC. Mas mura kasi ang pagbayad ng OEC (Overseas Exit Clearance) dito kumpara kapag sa Pilipinas ka kukuha nun. Sa gabi bago ang flight ko ay hindi ako makatulog. Excited lang siguro ako na makasama ulit ang pamilya ko. Sa airport ng Pinas ay sinundo ako ng aking papa, mama at mga kapatid. Niyakap ko sila isa-isa. Sobrang na-miss ko ang pamilya. Kumain kami sa isang restaurant sa Mall of Emirates. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na kami sa bahay ng ate ko at binigay ko sa kanila ang mga pasalubong na gusto nila. Nagpahatid ako sa terminal ng bus para umuwi sa pamilya ko sa probinsya. Malayo rin ang probinsya namin kung saan nakatira ang asawa at mga anak ko. Pagdating ko sa amin ay sinundo ako ng asawa ko sa terminal. Diretso agad kami sa bahay at naabutan ko ang panganay ko at niyakap niya ako at nagpakarga. Ang pangalawa naman ay yumakap na rin nang makita ang kanyang kuya na ginawa yun. Pero ang nakakalungkot ay ang bunso dahil biglang tumakbo nung lalapitan ko na at nag-iiyak papunta sa tatay niya. Eleven months pa lang siya nang iniwanan ko. Pero pagkalipas din ng ilang araw ay naging malapit na siya sa akin. Naging Masaya ang pag-stay ko sa Pilipinas. Mas mahirap pala kapag aalis ka na ulit at babalik na sa abroad. Isang taon na naman ang bubunuin para muling makapiling ang pamilya. Bumalik ako ng Dubai at hanggang sa ngayon ay nandito pa rin ako. Pagtitiwala sa Panginoon ang sandata ko para muling malampasan ang lahat ng mga pagsubok na darating sa aking buhay. Sa mga OFW, âwag kakalimutan na nandito tayo sa malayo para sa kinabukasan ng ating pamilya. Maaaring makaranas tayo ng hirap pero âwag susuko agad. Ang mga pagsubok na âyan ang magpapatibay sa atin. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon. â
GMA News L.N. Ang Pakikipagsapalaran Ko Sa Dubai (1) Ang Pakikipagsapalaran Ko Sa Dubai (2) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!