ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Si Inday at si Juan, sino sila?


Si Juan at si Inday, sino sila?
 
Mga pangunahing tauhan na ating kinagigiliwan sa mga Pinoy jokes. Siya si Inday a.k.a DH, caregiver, nanny, katulong, chamber maid, o ano pang tawag natin sa kanila.  
Nangibang bansa sila upang matulungan ang pamilya nila na unang prioridad nila bakit andito sila ngayon sa ibat ibang bansa: Hong Kong, Singapore, Taiwan, Malaysia, Qatar, KSA, UAE, Jordan Lebanon, at kung saan saan pa. Si Inday nag-abroad upang mabigyan ang pamilya ng magandang buhay, gumastos ng malaking halaga makaalis lang, umutang sa mga kamag-anak para may pambayad sa placement fee. Nang makaalis, marami sa kanila ang kalbaryo din ang inabot dito sa ibang bansa,18 o 24 oras na nagtratrabaho sa bahay saan man ang trabaho nila, minsan di sila pinapakain, di sinasahuran at minsan may mga minamaltrato pa ng kanilang mga dayuhang amo. Tinitiis nila lahat yan para lang daw sa pamilya. Minsan tinatakasan ang mahigpit na amo, manyakis na amo, at kung anu-ano pa. Sila'y mga Pinay na walang day off, nasa bahay lang, nakakulong pa at minsan pinagsasarhan pa sila ng pintuan. Pero lahat yan ay tinitiis nila upang maibsan ang kahirapan ng kani kanilang mga pamilya. Pero minsan di na nila kaya ang ginagawa ng mga amo nila kaya kailangan nilang takasan ang mahigpit at manyakis na amo nila. Minsan sinuswerte sila pero minsan no choice talaga. Siya si Inday minsan mataas ang pangarap minsan naman hanggang doon na lang, basta ang sinasabi niya "Para sa pamilya ko ito, anuman ang mangyari tiis lang."  
Buhay at pag-ibig ni Inday, marami pa naman sa kanila ang may asawa na, marami din ang single pa pero minsan mas marami na sa kanila ang niloloko ng ating mga kalahi at ibang lahi, minsan natuto silang magsinungaling para lang makalabas, minsan tumatakas pa sila makipagkita lang sa mga bf nila. Di rin kasi mawala sa kanila ang uri ng ganitong buhay...Si Inday laging bigo sa pag-ibig dahil minsan mas mahal nya ang trabaho nya at pamilya na una sa prioridad nya dito sa ibang bansa.
 
Si Juan Dela Cruz or Juan a.k.a. builder, welder, messenger, driver, gardener at kung anu ano pa. Gaya ni Inday dahil din sa pamilya kaya nangibang bansa sila, iniwan ang pamilya upang mabigyan din ng magandang buhay sila. Sa trabaho, meron 8 oras at 16 oras pa, minsan walang tulugan, walang kainan at pagod pa. Lahat yan tinitiis ni Juan dahil may ambisyon din siya na makaahon sa kahirapang ang iniwang pamilya. Si Juan minsan napapahamak, andiyan na minsan nakikipagaway siya sa mga kasamahan din nyang dayuhan, minsan napapahamak pa sila dahil na rin sa ugaling Pinoy mainitin ang ulo nila, minsan pati amo nila kaaway na nila. Pero si Juan hardworking yan kaya gusto sila ng ibang amo dahil ang trabaho ay isinasaisip nila. Ayaw nilang magkamali minsan. Pero si Juan minsan naman ay ikakapahamak din ang inisip dito sa bansang kinalalagyan nila, imbes na huwag gawin lalo na bawal yun pa ang ginagawa nila, sila'y nagsusugal at nag-iinom pa. Kawawang Juan sa kulungan ang nabagsakan, marami sa kanila ngaun ang nasa kulungan. Yan si din si Juan,gagawin ang lahat para sa pamilya kaya andito sa ibang bansa matupad lang ang ambisyon nila. Si Juan at Inday, pangunahing karakter sa mga Pinoy jokes pero kung tutuusin heto andito sila sa ibang bansa nagpapakahirap, tinitiis ang pagod at puyat para lang maiahon sa kahirapan ang naiwang pamilya sa Pilipinas...
 
Proud to be Inday at Juan...  - Meneses Ching