Pasasalamat kay Tatay at Inay
Magandang araw po sa inyong lahat. Nabasa ko ang kolumn na ito at naisip ko na ito ay isang paraan para pasalamatan ang aking mga magulang, lalo na ang aking AMA. Kami po ay pitong magkakapatid, anim na lalaki at isang babae. Ordinaryong magasasaka ang aming ama at ang ina ay minsan nagsa-sideline sa pananahi o pagtatanim ng tubo. Sa madaling salita po, kami ay isa din sa pamilyang mahirap sa aming barangay. Walang kuryente ang bahay, wala kahit anong appliances maliban sa isang radyo na maliit. Lampara ang ilaw, kaya pagkagising, puno ng uling ang ilong (hahaha). Medyo nakakatawa po âyon, di ba? Well, balik po tayo sa aking mga magulang. Si Ama, gigising ng madaling araw at pupunta sa bukid, uuwi ng mga bandang alas otso, may dalang dalag kasi may mga patalon siya sa bukid at kasama na ang pagkain sa kabayo. Opo, may isa kaming kabayo at iyon po ang gamit niya pagkakaretela. Aalis po âyan ng alas nueve ng umaga at uuwi ng ala una ng hapon. Gutom na gutom sa pangangaretela kasi hindi naman yata nagmimiryenda. Kakain po âyan at pupunta sa aming barangay hall o center para naman magserbisyo sa barangay. Opo, konsehal din siya ng barangay at minsan naging Punong Barangay. Napaka-busy po ng tatay ko, ano? Well, balik po tayo doon sa pananghalian. Minsan po siya pa ang nagluluto ng kanyang kakainin, kasi ang aking ina naman nasa kabilang bukid at nagtatanim ng tubo. So, madalas sa gabi na magkikita ang dalawa, parehong pagod kaya tulog agad. Minsan po, nagigising ako ng maaga at nadidinig ko silang naguusap. Syempre, ang aking ina nagrereklamo, wala nang oras ang tatay ko sa aking ina kaya nagseselos na. Sinisilip ko sila sa aming sahig kasi sa taas kaming magkakapatid at sila ay sa silong. Tawa tawa lang po ang aking ama. Kasi nga ang reklamo ng aking ina ay sa dami namin, gusto kaming papag-aralin lahat ng tatay ko. Sa nadinig kong usapan nila minsan, sabi niya, âDi ako nakatapos (ng pag-aaral) kaya kahit malumpo ako sa kakatrabaho kailangan ko silang papagtapusin. Syempre po tao lang ang aking ina at dahil sa di nakakahawak ng pera ay nagrereklamo. Biruin mo nga naman, âdi pa niya naani (ang tanim) ay naipangutang na (ang pagbebentahan) kasi kailangan namin mag-enroll. Tapos, âyung kinikita sa pangangaretela (ni tatay), siya naman naming pamasahe at ang kinikita ng nanay ko naman (ay para sa) aming pagkain. Wow, masarap na po pag kami ay may isang pirasong bangus sa mesa. Minsan saging na berde at toyo ang ulam, tuyo, dalag na huli sa bukid. Minsan po huli ko âyan kasi napunta rin ako sa bukid para manghuli ng isda. At isa pa, minsan tinatawag ako ng tatay ko para tulungan siya sa palayan. So, bago ako umuwi ay sinusubukan ko ding manghuli ng dalag. Ang dami pong dalag. Pero, wala na ngayon. Hindi ko na po masyadong hahabaan. Ito ang buod po ng kwento ko sa aming mga mga magulang. Tinupad po ng aking ama ang pangako niya noong isang madaling araw na sabi niya kailangan daw makatapos kaming lahat. So, nagawa po niya iyon, sa aming anim. Anim lang kasi nang nasa high school kami ng sumunod sa akin, kinuha na po siya ng Panginoon. So, lahat po kaming anim ay nakatapos ng kolehiyo dahil sa walang sawang pagtatrabaho ng aking mga magulang, lalo na ang aking ama, Pagbubukid, pangangaretela, at sa aking ina, pananahi at pagtatanim ng tubo. Syempre po, di ko pwede kalimutan ang aking ama na konsehal ng barangay sa loob ng mahigit na 40 taon at hanggang ngayon po na 74 taon na siya ay nanglilingkod pa siya sa aming barangay. Ngayon po, pag nauwi kami sa aming probinsiya, lalo na pagnatityempo na sabay-sabay ang uwi naming tatlong (mas nakatatanda), ang saya po na ikinukwento ng tatay ko sa aming mga asawa ang buhay niya noon. Opo, tatlo kaming nasa abroad ng dalawa kong kapatid na mas matanda sa akin. Ang isa ay seaman at ang isa naman (ay graduate ng) commerce at nasa Saipan. Ako ay isang inhinyero. Napakasarap po pag nakukwento ang tatay ko sa aming mga kamag-anak o sa ibang tao at kung paano siya purihin. Talaga pong maiiyak ka kasi alam mo na talagang nahirapan sila ng aking ina. Kaya nga po saludo ako sa aking mga magulang at sana maging inspirasyon ito ng ating mga kababayan na hindi sabagal ang kahirapan kung gusto mo umunlad. Kailangan magsikap ka at siyempre po, disiplina sa mga anak. Siguro kasi lahat kami alam ko nadisiplina ng aming mga magulang. Sa aking AMA'T INA, MARAMING SALAMAT PO AT KAYO ANG AMING NAGING MGA MAGULANG. Sana po mai-publish nâyo ang aking kwento. Nga po pala, ang pangalan ng aking ama ay si Dominador at ang aking ina ay si Flora Quizon at ako po naman ay si Bong Quizon. Maraming Salamat po, Mabuhay kayo.