ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

OFW sa Singapore nangungulila sa GMA 7 shows


Hinihiling ni Rowena Lim na magkaroon na ng GMA Pinoy TV sa Singapore para naman daw patuloy niyang masubaybayan ang mga magagandang programa ng GMA 7 doon, at mapawi ang kanyang kalungkutan nang pagiging malayo sa kanyang pamilya. Narito ang kanyang kahilingan: Dear Kapuso, Hi, good afternoon sa inyong lahat diyan sa Pinas. Alam n’yo marami sa kababayan nating nakatira dito sa Singapore ang naghahangad na magkaroon ng Pinoy Tv dito. Sa totoo lang fanatic ako ng Kapuso nung andyan ako sa atin. Biruin mo ba naman magmula Unang Hirit hanggang sa huling palabas ng Kapuso bukas ang tv namin at nakatutok lang sa GMA. May tsismis ako sa inyo, may (kakumpitensyang istasyon) nga dito pero sa totoo lang walang gustong manood kasi naman minsan walang kapupulutan ng aral mga pinapalabas nila eh. Hindi kagaya ng mga palabas ng GMA, talaga naman lahat may kredibilidad at kakapulutan ng aral kahit na mga soap opera or kilitv pa siya, kahit na jokes, simple pero may dating, hindi trying hard. Sana naman makipag negotiate kayo sa gobyerno or network ng Media Corp Singapore na magkaroon na dito ng Pinoy TV. Malungkot kasi dito sa ibang bansa lalo na ako na mag-isa at walang kamag-anak ditto. Madalas pagkagaling sa trabaho, uwi ako ng bahay at nakakulong lang sa kwarto, Siguro kung may Kapuso na may mapapanuod na ako ditto pakiramdam ko kasama ko pamilya ko at sama-sama kaming nanunuod ng Eat Bulaga at iba pang palabas ng Kapuso. Sa susunod na ‘yung ibang dapat na kwento at hinaing ko ...hehehehe ‘Yung magkaron muna ng GMA dito sa Singapore, ‘yun muna sana. Hanggang dito na lang muna. "God Bless" Yours Truly, Rowena Lim