Father's day ba?
Magandang araw sa inyo at Happy Father's day sa lahat ng mga tatay, Ginising ako ng asawa ko kanginang umaga at isang malutong na Happy Father's day ang bati sa akin. Fathers' day ba? Iyon ang ang nasabi ko. Bigla nadining ko ang boses ng anak kong babae. Ssino yan? Sabi ng misis ko, daddy mo. So, kahit di pa niya madiretso ang salitang Happy Father's day, nag-try ang anak ko, sa tulong ng ina niya. Napaluha ako. Naalala ko ang Tatay ko. Ang Tatay ko na walang ginawa noon kundi gawin ang lahat ng makakaya para lahat kami ay makapagtapos (ng pag-aaral) Walang fathers day noon sa amin kasi di uso at di namin alam na may fathers day. Ganon naman ang mga Pinoy, lalu na 'yung mahihirap na tulad namin. Wala namang mga okasyon kundi Pasko at Bagong Taon, alang birthday. father at mothers day pa kaya. Pero ngayon kahit paano, nasasabi na natin ang Happy Mother's day at Father's day. Salamat sa nag-uso nito, kahit paano nasasabi natin na mahal natin ang ating mga magulang, kahit sa telepono o card. Kahit paano alam natin na may mga magulang tayo na dapat batiin sa mga ganitong okasyon nang sa ganoon malaman at maramdaman nila na sila ay naging mabuting mga magulang. Tinawagan ko ang Tatay ko kangina. Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin, heto na ang tanong niya. O kumusta ka d'yan? Mag-iingat ka, bawasan ang init ng ulo. Nauna pa siyang magsabi ng gusto niya. Iyan ang ating mga magulang pagdating sa anak, hin di pwedeng tawaran ang pagmamahal. HAPPY FATHERS DAY... TANG, I LOVE YOU, AND I'M PROUD TO BE YOUR SON. Bong Quizon, Abu Dhabi (UAE)