Pagtitiis sa lamig ng snow sa Canada
Hi, Iâm one of a million caregivers here in Canada. To some, it is a land of dreams. Yes, daydream for all that we expect to happen. Panaginip lang pala ang lahat. For some, itâs a nightmare, and sweet dreams naman sa mga swerte sa employer. Akala ng lahat okay ang buhay dito. Yes, libre ang medical, okay ang service ng government, pero lahat ng ito ay sa mga buwis na binabayaran din naming mula sa sweldo kinakaltas. Ano ba ang gusto kong iparating sa sulat ko? Dapat nga sigurong tawaging BAYANI ang lahat ng OFW kahit saan pa kami galing, o ano man ang trabaho namin sa ibang bansa. Dugoât pawis ang pinuhunan, pati na ang emotional experience, ang lungkot na mawalay sa pamilya, ang lunukin ang pride dahil sa mababang uri ng trabaho, kapalit sa education na naatim naming tulad ng mga teacher na nag-DH, mga nurse na nag-caregiver, mga doctor na nag-nurse at marami pang iba. Isa pa rito ang mga natratrabaho nang humigit-kulang 24 oras sa isang araw, tatlo ang trabraho at yung mga tinatawag na under the table para lang kumita at maiahon ang pamilya sa buhay. Pangalawa sa dahilan ng aking pagsulat ay ang mga taong pag nakaahon sa buhay o âyung mga (nakakuha na ng) citizen(ship) sa ibaâ ibang bansa, ay nilalait na ang bansang pinanggalingan, at sila mismo ang nagsasabi na wala nang pag- asa ang atinh bansa. Ang di nila alam, maging citizen man sila sa iba-ibang bansa, dugoât balat nila ay PILIPINO pa rin. At ang huli, ang hiling ko lang ang panalangin ninyong lahat sa Diyos dahil di man namin amining mahirap din ang buhay sa ibang bansa, trabaho, trabaho, at trabaho ang gawa namin dito, at ang lahat ng ito ay para sa ating bansa, at sa inyo. Dahil AKO, proud to be PILIPINO⦠dahil hindi biro ang manigas sa lamig ng SNOW dito sa Canada at maging imported pa ang lahat ng nasa paligid ko, maraming wala rito na only in the Philippines you can find. That is the warm love na kahit walang snow dâyan, feel mo⦠Des Guzman