ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Dayuhan sa sariling bayan


Guro ako. Guro nga ba ako? Nandito ako sa harap ng aking computer. Matapos magbasa ng mga articles, news mula rito sa GMA news website na ito, na natagpuang lumuluha. Bakit? Ano? Una, nahabag ako sa nabasa kong article... tungkol sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa numero unong school sa Leyte. Pangalawa, sa kawawang kalagayan ng mga teachers sa bansa(considering ang kanilang -aming?- sahod. Pangatlo, sa mga stories ng mga teachers sa abroad... heto nga, naiiyak na naman ako, puno na ilong ko ng sipon. Bakit Pinas? Bakit Pinoy? Isa ako ngayong manunulat ng romance novels. Ang propesyong ito ang isa sa mga propesyong walang kasupo-suporta ng gobyerno. Kung ang manunulat ay walang lakas ng loob, hindi dito magtatagumpay sa larangang ito. Patibayan ng sikmura, dahil ang nakaalalay dito, Philippine literature. Para na ring nagpapakabayani ka sa wala. Tulad ng kuwento ng isang teacher noon na ngayon ay therapist na sa Aruba... Madalas sila noong nagpoprotesta pero ang lahat ng pagod nila, nauwi sa wala. Dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno sa propesyong ito, ewan kung saan pa pupulitin ang mga nobelistang Pinoy. Actually, guro ako, ha? Ang gulo. Nag-aral... actually, working student. at dahil wala pang pambayad sa school, naka-tengga ang transcript. Makukuha ko din 'yon...(ano pa't naging Pinoy ako). Nakakaawa ang kalagayan ng mga Pilipino. Sino ba ang nagkulang? O maraming naluklok sa puwesto ang hindi ginawa ang dapat nilang gawin? Ang mga estudyante ko ngang Koreano, unang tapak daw nila sa ating bansa, na-shock daw sila. Bakit daw marumi ang Pilipinas. Bakit nga ba marumi ang Pilipinas? Pero may mga naatasan namang ayusin ito. May mga ahensiya para rito. May mga taong naatasan rito. Balik sa pagiging guro... na hindi ko maitutuloy sa kasalukuyan dahil wala pa akong transcript... ang gulo! tutor na lang muna ako. Pinoy nasa abroad sa sariling bayan Oo, tutor ako ng mga banyaga. May ilang Pilipino din, pero manaka-naka lang. Nandito ako sa ating bayan pero hindi rin naiiba ang kuwento ko sa iba. Para na rin akong nasa ibang bayan. 'Yun ang nararamdaman ko. Una, isa akong guro. Pero mas marunong pa sa akin ang mga tinuturuan ko. Hindi sa mas matalino sila sa 'kin. Mas nagmamarunong sila sa akin. Dahil ang mga Pilipino daw ay "dumb." Minsan naiisip ko, siguro tama nga sila. "Dumb". "Dumb" dahil walang pagmamahal sa sariling bayan. Kalat doon, kalat dito. Sa simpleng bagay na 'yan, nakikitang wala tayong pagmamahal sa ating bayan. Naalala ko tuloy ang ipinasarang itatayo sanang spa sa Taal lake, hehe. Banyaga pa ang magtatayo. Naisip ko lang na baka dumating ang panahong nakakalat sa iba't ibang panig ng mundo ang Pilipino at wala nang Pilipino sa sarili niyang bansa. Mahirap ang bansa. Mababa ang kalidad ng edukasyon. Unti-unting nanghihina ang alab ng pagkamamamayan. Nasaan ba talaga ang Pilipinas? Nasaan ang puso ng Pinoy? Sa mga palabas, hindi mawawalan ng mga panooring banyaga. Hindi masama kung tutuusin dahil lumalawak na ang sakop ng bawat bansa. Baka nga raw dumating na maging isang bansa na lang ang mundo. Pero ang nangyayari... parang hindi namamalayan ng mga Pinoy, unti-unti na tayong nilalamon ng mundo. Nasaan na ba tayo? Sabi nga ng ating Pangulo... gumaganda ang ating ekonomiya. Oo, posibleng gumanda... pero ma-sustain kaya? Para sa 'kin, matuto dapat na magtulungan ang mga Pilipino. Kung ano ang nasimulan ng ating Pangulo, dapat, ipagpatuloy ng susunod. Sana may direksiyon na may patutunguhan. Kinakain na tayo ng mundo. Bukas makalawa, ‘di ko na alam kung nasa harap pa ako ng computer kong ito. Baka hindi ko na kayang pagtiyagaang basahin ang mga istorya sa Internet... mga tungkol sa Pilipinas. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Nagpapaalala lang. Kumakatok sa bawat puso ng mga Pilipino. May pangarap ka, may pangarap ako. may pangarap ngayon, at para sa hinaharap. Hindi ko sasabihing ewan ko kung ano ang dapat kong isipin. Siguro, iko-congratulate ko na lang ang mga Pilipino. Ibukas natin ang ating puso't isip. Baka sa dami ng plastic sa Pilipinas, kainin tayo ng mga 'yan. Walang ganyan sa states! JONIVER JUANE Sabutan, Silang, Cavite, 4118 Philippines