Isang araw sa buhay ng OFW
RINGGGG RINGG KIRRRIIINGâ¦Isang malakas na ingay na umaalingawngaw sa aking silid, sabay hampas sa alarm clock...pilit na ginigising ang sarili mula sa isang mahimbing na pagkakatulog!!! Teka anong oras na ba, bulong ko sa aking sarili ,sabay tingin sa relo na katabi ng kamang hinihigaan ko! 6:30 na pala ng umaga. Dagli akong bumangon at pinatay ang aircon, at binuksan naman ang ilaw na nagbigay liwanag sa napakadilim at sa walang buhay kong silid. Pagkatapos bumangon, humiga muli at pinilit na kinukundisyon ang sarili. Muli kong tiningnan ang orasan sa gilid ng aking kama, 6:45 na ng umaga!! Dagli akong bumangon, inayos ang aking higaan at kaagad kong kinuha ang aking tuwalya!! Pagkatapos, lumabas ako sa aking kwarto. Dagli kong tiningnan ang rice cooker ko sa kusina! "Ahh, buti naman at maganda ang pagkakaluto," sabi ko sa aking sarili. Agad kong binuksan ang apoy sa kalan habang nakasalang ang isang kasirola ng adobo na kagabi pa nakasalang para muli itong mainitan, mula sa isang napakalamig na gabing nagdaan. Agad kong kinuha ang pinggan at sabay sandok sa mainit na kanin, pagkadakaây kinuha ang adobong sa aming kalan. Matapos makuha ang tamang pagkain ko sa umaga, binuksan ko ang telebisyon. Isang pang-umagang programa mula sa atin sa Pilipinas, kasabay na yata ng bawat subo ng pagkain ay ang ingay na nanggagaling sa aming telebisyon. Tila itoây kasama na sa aming pagkain araw araw. Habang isinusubo ko ang huling kanin, bigla akong natigilan, balita sa telebisyon " Isang OFW binitay sa Saudi." Itinigil ko ang pagkain sumandali at matiyagang pinakinggang ang balita sa telebisyon. Pinilit kong alamin kung ano ang naging dahilan kung bakit bibitayin ang isang Pinoy dito sa lupang aking pinagtatrabahuhan. Kalaunaây, napag-alaman ko na bibitayin sâya sapagkat nakapatay sâya ng isang Pakistani na nagtangkang halayin sâya sa taxi. (Dito sa Saudi, kabilang ang pagpatay ng tao sa pinakamabigat na krimen. ) At sa patuloy na pagbabalita napag-alaman ko na hindi tinanggap ng pamilya ng biktima ang "blood money" (pera katumbas ng paglaya ng bilanggo) na iniaalok para maisalba ang kanyang buhay. Wala nang nagawa ang pamilya ng OFW kundi tanggapin ang naging mapait na kapalaran nâya. Makalipas kong marinig ang balita, sabay kong nilunok ang huling kanin sa aking pinggan. Kasabay ng paglunok ng kanin ay paglunok na rin sa maaaring magiging kapalaran ko dito sa dayuhang bansang aking kinabibilangan ngayon. Kasabay ng aking paglunok ay paglunok sa mga batas na itinakda ng gobyerno ng Saudi na katumbas ang mabigat na kaparusahan na kaakibat nito. Kasabay ng paglunok ko ay ang aking pagtanggap sa buhay ko dito sa Saudi. Pagkatapos kong hugasan ang aking pinagkainan, agad kong iniayos ang aking babaunin, inalagay ang pagkain sa bawat lalagyan sa aking baunan. At muli, habang ginagawa ko ito, pumasok sa aking isapan, noong ako pa ay nasa PIilipinas, naalala ko ang nanay ko ang nag-aasikaso ng lahat. Siya ang nagluluto ng aming pagkain at naghahanda ng aming babaunin sa trabaho. Palagi sâyang nakaalalay sa amin kahit kamiây malalaki na at nagtatrabaho. Noon, hindi na ako nag-aalala kung may babaunin at kakainin ako kinabukasan sapagkat nandâyan ang aking ina. Ngayon, wala na akong aasahan kundi ang aking sarili. Lahat ng bagay ay kailangan kong kayanin. Masasabi ko na mag-isa akong nabubuhay sa lupang banyaga. Alam kong hindi na pwede âyung dati na may inaasahan pa akong magulang na naghahanda ng aking babaunin. Ngayon ako na lang dito mag-isa Subalit sa kabilang banda ay masaya rin ako sapagkat pinabaunan nila (ng aking mga magulang) ako ng mga pinakaimportanteng bagay na meron ako ngayon. Iyon ay tatag ng loob na suungin ang buhay na mag-isa, pagsisikap at. edukasyon Pagkatapos kong ihanda ang babaunin ko sa araw na âyun, pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na muli sa aking kwarto at nagbihis. Kasabay ng aking pagbibihis ay ang bagong simula ng araw, simula ng panibagong buhay, simula ng bagong pag-asa at simula ng isang araw na pagtatrabaho sa dayuhang lupang aking kinaroroonan. KRING KRING KRINGâ¦. isang malakas na tunog ang muling umalingawngaw sa aking kwarto. Akala ko tumunog muli ang aking relo, subalit aking napagtanto na ang ingay ay nagmumula sa aking telepono (magkapareho ang ring ng telepono at ng alarm clock ko). Agad kong nakita ang pangalan na nakarehistro sa aking telepono -- ang aking kasamahan sa trabaho na sumusundo at naghahatid sa amin mula sa aming kumpanya hanggang sa aming bahay. Dagling kinuha ko ang gamit ko, kinuha ang baunan ko, bag , wallet, cellphone at ang higit sa lahat ang aking IQAMA ( residence certificate). Pwede kong iwanan ang lahat pero ang Iqama ko hindi. Maari akong makulong ng isang lingo kapag nahuli ako na walang dalang IQAMA. Kaya kailangan dala ko ito palagi. Matapos kong masiguro na ang lahat ng gamit ko ay nadala ko na, sabay pasok ako sa sasakyan at diretso sa kumpanya na aking pinapasukan. Habang ako ay nasa sasakyan, nakikinig ako ng mga kantang pangsimabahan, at kahit papaanoây napapa-indak sa bawat musika na lumalabas sa radyo ng aming sasakyan. Subalit habang pinapakinggan ang bawat nota, naiisip ko, kailan kaya magiging bukas ang kaisipan ang gobyerno ng Saudi tungkol sa paniniwalang Kristiyano? Kailan kaya nila tatanggapin na may ibang relihiyon at may ibang paniniwala maliban sa katuruang Islam. Dito sa Saudi, patago kung isagawa ang gawaing spiritwal, at kung sakaling ikaw ay mahuli, makukulong o âdi kaya pauuwiin sa bansang pinanggalingan. Agad kong naalala noong nakaraang taon. May isang grupo ng mga kababaihan na nahuling nagsasagawa ng pag-aaral sa Bibliya. Sila ay dagling hinuli at ikinulong ng mahigit na 6 na buwan subalit sa tulong na rin ng Hari ng Saudi ay napalaya at napauwi sa ating bansa.. Sa totoo lang, hinahanap ko rin ang pagsisimba at pakikinig ng sermon ng pari. Madalas may mga pasaring sa ating gobyerno pero talagang kasama na âata âyun sa lipunan natin. Dito ang relihiyon ay talagang bahagi na ng lipunan. Nagdarasal sila ng limang beses isang araw. Ititigil mo ang lahat ng iyong ginagawa para magdasal. Isinasarado ang lahat ng establisimyento dito kung oras na ng pagdarasal. Masasabi ko na ang relihiyon nila ay kasama na sa kanilang buhay. Makalipas ang 15 minuto na biyahe, agad kaming nakarating sa aming kumpanya. Agad kong binuksan ang ilaw at pati na rin ang aircon panlaban sa sobrang init na nasa labas, panandaliang paglimot na ako pala ay nasa bansang sobrang init. Paglimot muna sa mga pangungulila at problema sa buhay. Kailangan kong maging propesyonal at gumawa ayon sa mga responsibilidad ko bilang empleyado ng kanilang kumpanya. Ito'y simula na ng isang araw na pagtatrabaho, pagbabanat ng buto sa lupa na nagbibigay sa akin ng isang napakalaking oportunidad at pag-asa. Makalipas ang isang buong araw ng trabaho, pagod ngunit kahit papaanoây naging makabuluhan ang buong araw. Sa wakes, makapagpapahinga na muli ako sa aking kwarto. Ako'y babalik muli sa aking madilim, tahimik at walang buhay na silid. Isang pagbabalik sa isang malungkot na buhay dala ng pagkakalayo at pangungulila sa aking mga mahal sa buhay. Sa pagbubukas ko ng aking ilaw, alam kong magbibigay liwanag ito sa madilim kong silid katulad ng liwanag na naibibigay sa aking pamilya, at liwanag na binibigay sa akin ng aking pamilya upang muling patuloy na lumaban sa buhay at magpunyagi. Bukas, ganun uli ang aking buhay, tutunog na muli ang aking alarm clock. Kasabay ng pagmulat ng aking mata, ay pag-asa na sana sa muling pagbabalik ko mula sa buong araw na pagtatatrabaho, madadatnan ko na ang silid na maliwanag, puno ng buhay at masaya. At kung dumating ang araw na âyun, marahil masasabi ko sa aking sarili kailan man di na ako muling babalik sa tahimik, madilim at walang buhay kong silid. Thank you & Best Regards, Edwin Austria