ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Cancer 'di alintana para sa pamilya
Dear Kapuso, Magandang hapon po sa inyo. Ako po ay may kuwentong isiunulat para maiparating ko ang aking lubos na pasasalamat sa aking kapatid na nasa abroad. Sana po ay kayo na ang bahalang magparating sa kanya ng aking pasasalamat sa pamamagitan ng inyong Pinoy Abroad , Kwentong Kapuso. Marami pong salamat. Rowena Lim Pagmamahal sa kapatid at pamilya Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento kong ito. Siguro mas maganda maipaalam ko na kaagad kung bakit ko ginustong ikwento ito sa lahat ng mga kababayan ko na katulad ko na malayo sa pamilya o mga mahal sa buhay. Ang kwento ko ay hindi talaga tungkol sa akin, kundi tungkol sa kapatid ko na nasa malayong lugar din katulad ko. Sila ng kanyang pamilya ay nasa Toronto, Canada. Gusto ko kasing maipaabot sa kanya ang aking lubos na pasasalamat na alam kong hindi kayang tumbasan ng ano mang halaga, bagkus ay ipagmalaki ko sa lahat kung paano nâya kami tinutulungan at ipinadarama ang kanyang pagmamahal. Uumpisahan ko po ang kwento sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya. Siya po ay si Evangeline Lonoza, kilala sa tawag na Vangie. Siguro iisipin ng marami kung bakit kailangan ko pang sumulat, bakit hindi ko na lang siya tawagan at magpasalamat. Pero kaya ko ginustong ipaalam sa pamamagitang ng Pinoy Abroad ng GMA ay para gawing halimbawa or makakuha ng lakas ng loob ang mga kababaihang katulad ng aking Ate na dumaranas ng malubhang sakit. Siya po ay may sakit na âbreast cancer," but despite sa sakit niyang breast cancer, siya ay lumalaban hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay. Hindi niya iniisip ang kanyang kalagayan. Ang pinag-uukulan lang niya ng pansin ay kung paano matutulungan kaming mga mahal niya sa buhay, mga anak niya , asawa, kapatid at mga pamangkin, kabilang na ang aking Ina. Sa totoo lang po, isa âyan sa mga dahilan ngayon kung bakit ako nandito sa Singapore na kahit mahirap ang buhay dito ay aking kinakaya upang kahit papano ay maging daan ito para makapunta ako sa Canada at mapagsilbihan ko man lang ang aking ate. Alam ko na maraming makabagong teknolohiya sa paggagamot ng mga breast cancer victim pero iba pa rin kung kahit papaano ay makasama at mapaglingkuran ko siya, kahit dun man lang ay maipadama ko ang taos puso kong pasasalamat sa kanya na hindi kayang tumbasan ng ano mang halaga. Minsan iniisip ko na sumulat sa programa nâyong âWish Ko Lang" upang makapunta sa Canada para makasama at mapaglingkuran kahit sandali ang ate ko. Pero alam ko na mas marami pang mga tao ang higit na nangangailangan ng tulong ng nasabing programa. Sa ngayon, medyo kahit papaano ay nakakapagtrabaho na ulit ang ate ko. Hindi niya iniinda ang kanyang karamdaman. Ang hangad lang niya ang makapaghanapbuhay para sa pamilya niya, kapatid at mga pamangkin. Hindi niya inaalintanan ang hirap na kanyang ginagawa sa trabaho, ang mag-asikaso ng mga gamit sa hospital at maglinis. Isa siya sa maraming nursing aide or cleaner na nagtratrabaho sa Canada. Sana sa pamamagitan ng portion nâyong ito na mailahad ang aking kwento ay maipadama ko ang aking pagmamahal at pasasalamat sa kanya. Sa mga kababaihan na dumaranas ng sakit na âBreast Cancer" kagaya ng kapatid ko , huwag kayong mawawalan ng pag-asa na wala nang lunas ang inyong karamdaman. Balang araw ay magagamot at maiibsan ang sakit na dinaranas nâyo sa ngayon , basta ang lagi nâyong iisipin, kagaya ng ginagawa ng aking kapatid, na hindi siya nakalilimot magpasalamat at magmahal sa Poong Maykapal, upang kahit paano ay maibsan ang sakit na nadarama hindi man mawala ng tuluyan. Hindi natutulog ang ating Panginoon. Alam niya lahat ang ating mga pangangailangan, basta ang mahalaga hindi tayo bibitaw sa pananampalataya at pagmamahal sa kanya, sa ating pamilya at sa kapwa. Para sa âyo, ate Vangie, mahal na mahal kita. Hangad ko na kahit sandali ay mapagsilbihan kita upang kahit papano ay makabayad ako sa lahat ng mga tulong na ibinibigay mo sa amin. Alam ko na hindi ka naghihintay ng kapalit dahil ang mahalaga sa âyo ay makita mo ang mga mahal mo sa buhay na maayos at masaya kahit maraming problemang hinaharap. Pero hanggaât sama-sama tayong magkakapatid at mga pamangkin, pati ang ating Ina, ay kaya nating harapin ang lahat ng pagsubok na darating. Huwag mo sanang pababayaan ang iyong sarili. Nandito lang ako para sa âyo kahit magkalayo tayo. Sa inyo, mga kapuso, huwag nâyong kalimutan ang pagmamahal sa inyong mga mahal sa buhay. Hindi nâyo man masabi sa salita, ang mahalaga ito ay maipadama nâyo sa kanila at hawak-kamay ninyong harapin ang lahat ng pagsubok na darating sa inyong pamilya. Maraming salamat, GMA Kapuso sa pagbibigay nâyo ng oras at importansya sa aming mga nasa malayong lugar na nakikipagsapalaran sa hirap ng buhay na malayo sa pamilya. Nang dahil sa inyo ay ipinararamdam ninyong magkakalapit lang ang bawat isa sa mga pamilyang nagtratrabaho sa ibang bansa. Mabuhay po kayo Kapuso at sana ay marami pa kayong program para sa aming mga OFW. Rowena Lim Singapore
More Videos
Most Popular