Pangarap magsundalo, naging inhinyero
Magandang araw mga kapuso, Nakalulungkot mabasa na ang ating mga sundalo ay napatay at pinugutan pa ng ulo. Isang karumal-dumal na gawain ng sarili nating lahi. Bakit kailangang pugutan pa? Ang giyera ay katumbas ng kamatayan, kaya sa akin ang mamatay habang nakikipaglaban para sa kapakanan o para ibang tao ay isang kabayanihan. Pero ang pugutan pa ng ulo ay isang malaking paglapastangan sa iyong pagkatao. Sabi ng mga sundalo, mamamatay kami sa laban na isang bayani. Tama po sila. Kaysa nga naman gamitin ang uniporme sa walang kwentang Gawain, mas mabuti ng mamatay sa giyera. Bakit po ako sumulat dito sa kolum na ito gayong ito ay para sa Pinoy Abroad? Hayaan po ninyo na ilathala ko ang dahilan. Ang aking pong unang pangarap ay maging sundalo. Bago naging inhinyero, masasabi ko po na siguro kapalaran lang ang pagiging inhinyero ko dahil ang aking talagang gusto ay maging isang magiting na sundalo⦠maging PMA graduate, dahil mataas ang aking tingin sa ating mga sundalo. Dangat lang po ay talagang ayaw ng aking ina na magsundalo ako. Nakatutuwa nga siya eh, ngayon dalawang anak niya ang pulis samantalang takot na takot siya noon na maging sundalo ako. Pero siguro tama din ang inay ko. Bakit ka nga magsusundalo kung ang mga armas nâyo ay hindi pumuputok. Ang mga armas nâyo na dapat gamitin sa giyera o sa pagsugpo ng mga masamang gawain ay ibenta sa kalaban at gamitin sa inyong mga sundalo. Bakit ka magsusundalo kung ang mga HENERAL mo ay hawak sa leeg ng Gobyerno at pinuprotektahan ang mga taong âdi dapat protektahan. Napakasama ng imahen ng ating mga Pinuno. Ok lang âyan, tutal may Diyos naman huhusga sa kanila. Pero ang hindi maganda ay itong mga maliliit na sundalo na ginagamit sa giyera na walang tamang armas, dahil ang armas ay hindi pumuputok kasi ang mga pumuputok ay nasa kalaban. May nagsabi na palipat-lipat ng kampo kaya na-expire na (nakatatawa). Di sana eh testingin muna at palitan ng mga bago. Ang kaso nga ang mga BILYONG piso para sa mga armas ay ibinubulsa ng mga walang pusong pinuno. Kaya walang pamalit sa mga lumang bala o mortar. Kaya ang ibang sundalo nag-AWOL na at ayon, sumama na sa mga kidnapper, magnanakaw at iba pa, kasi ang iniisip nila ay wala nang pag-asa ang Pinoy. Kasi ang mga pinuno ang pasimuno ng katiwalian( not everyone mayroon pa siguro natitirang matino). Dito sa ibang bansa, problema ang mga ibang pinuno lalo na sa sarili mong bansa. Paano na nga tayong mga mamayan kung wala ka ng makitang taong pwede mong pagkatiwalaan. Napakasakit isipin na ang Pinoy ay pabagsak ng pabagsak. Darating ang araw, wala ng Pilipinong nakataas ang noo habang naglalakad, kundi ang mga pinunong manhid sa kapaligiran at walang inisip kundi ang sariling kapakanan. Sana may isang magiting na HENERAL na ayusin ang mga kagamitan ng ating mga sundalo. Hindi tulad ngayon, puro dada ng dada at modernization daw. Aba ang dami nang nagsabi nâyan -- senador, congressman, heneral. Ano ang nangyari? Isang malaking WALA. Sayang ang buwis ng taong bayan. Lord, kayo na po bahala... Yza Quizon Abu Dhabi, UAE