KKK: Karunungan, Katanyagan, Kapalaran
â KKK" Ni: Nomer Limin - Iraq Pilipinas, Pilipinas, Pilipinas Sa kahirapan ng buhay Kanyaâkanyang sigaw sa hinaing ang bawat isa Sa nadaramang kahirapan. Labandera sa umaga Plantsadora sa hapon At sa gabiây balut vendor Pasan ko ang daigdig, ang kanyang isinisigaw. Pasada sa madaling araw Hating-gabi kung umuwi Pasada rito, pasada roon Pukpok sa tag-init, lagare sa taglamig Umulan at umaraw Pukpok doon, lagare dito Sayaw sa gabi, tulog sa umaga. Sa aking pusoât isipan Sila ang tunay na bayani Sa kahirapan ng buhay Silaây nakikibaka para sa kinabukasan. Ako, ikaw, sila o tayo OFWs kung tawagin Sabi ng matatabil na dila Bayani ng henerasyon(salamat) At sa kapitbahay kay sarap ng buhay Ng dahil sa dolyares na ipinadadala. Hirap, sakripisyo, pagtitiis at pangungulila Iyan ang tunay na buhay ng isang OFW Ang buhay namin ay maihahalintulad mo Sa dala- dalang larawan Kung iyong titingnan o pagmamasdan Kay gaganda ng mga tanawin o maaliwalas ang mga mukha Pero kung bubuksan mo ang puso ng bawat isa Punong puno ng kalungkutan at hinagpis sa buhay. Mga katulad kong OFW Lahat tayo ay iisa ang dahilan Ang kahirapan sa buhay At lumayo tayo upang makipagpagsapalaran Iisa ang suliranin natin mga mahal sa buhay Mabigyan ng magandang kinabukasan Kabayan akoây nanawagan Saan ka man bansa naroroon Nais kong dalhin mo sa iyong pusoât isipan Ang tatlong âK K K" Kapwa ko, Kaibigan ko, Kababayan ko tutulungan ko Karunungan ng pagiging isang Pilipino Katanyagan ng pagiging isang Pilipino Kapalaran na ating hinahanap ay ating makakamit. Mga kababayan, panahon na para tayoây magkaisa Pagkakaisa na nasa ibaât ibang bansa para manilbihan Sa mga dayuhan, at ipakita sa lahat ang tunay na hangarin para sa bayan. Dahil sa ating bansa na sa halip sila ang dapat nating asahan Sila-sila pa ang nag-aaway para lamang sa mga pansarili nilang interes At iyon ay nakita at nadama natin sa katatapos na eleksyon. Huwag na tayong umasa kung magpapatuloy ang ganitong sistema. Mga kababayan huwag natin sayangin ang panahon at pagkakataon Kung ano man ang problemang haharapin, lungkot o ano pa man Isa lang ang mabisang paraan ang makasama mo ang Panginoon Hesu Kristo Sana kabayan sa pagbasa mo ng aking munting tula Na naabot ng aking isipan sa tulong ng Panginoon At sa pamamagitan ng GMA kapuso kayoây aking naabot Ay magbabago ng inyong pananaw sa buhay. Kabayan, ang lungkot ay napapawi sa pangalan ni Hesus Pero ang nagpapanggap na walang pamilya kailanman ay hindi makakalimutan Kabayan, lagi nating tandaan, lumayo tayo para makipagsapalaran At hindi lumayo para wasakin ang pangarap ng iyong kapwa. Magiging mabuti para sa ating lahat Kung pangarap moây natupad Kababayan moây kanyang nakamit Tagumpay mo, tagumpay nila Tagumpay ng bawat isang Pilipino.