ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Tagumpay ng pamilyang isang kahig, isang tuka


Hi Kapuso, Tubong Calatrava, Negros Occidental po ako. Walo kaming magkakapatid at ako ang pang-apat. Katulad din ng ibang kababayan natin na nakapag-abroad dahil sa kahirapan ng buhay,pero ako hindi ko akalain na makararating sa iba’t-ibang bansa sa Asia to Europe. Dito ako nakatira sa Europe, two years na kami dito. Here's my story: Bata pa lang kami nahiwalay na ang panganay naming kapatid. Kinuha siya ng lola namin at dinala sa Manila at age 7. Hindi namin kinagisnan o hindi naming siya kasabay sa paglaki at hindi niya pinagdaanan ang hirap ng buhay naming kasi lumaki siya sa lola namin. At age 10, natuto na ako maghanap-buhay. Nagdamo sa tubohan. Kung saan may anihan nandoon ako lagi para magkaroon kami ng bigas. Ganun din po ang dalawang ate ko. Nagtitinda sa school ng candy, at kung anu-ano pa. Ang tatay namin walang trabaho po na matino. Kung minsan nag-aayos ng sirang radio,o payong, pero madalas wala. Ang nanay ko nagtitinda ng kape. Kapag swertehin malaki ang kita, nakakabili na ng bigas; kung malasin, naglalaga na lang kami ng saging, minsan lugaw kapares ng bagoong, Dalawa hanggang tatlong araw lang ako nakakapasok sa eskwelahan dahil tumutulong po ako sa mga kapatid ko. At isang beses nakapag-iisip ang isang ate ko na tumigil na lang siya sa pag-aaral niya. Pumunta sa Manila at namasukan bilang katulong at ang nagging amo niya ang Tita namin. Pinahirapan siya sa trabaho. Nang nakaipon siya, nagbakasyon siya sa amin. Ganun pa man, kulang pa rin ang ipinadadala niya kasi ang dami naming. Isang araw, bumisita siya sa bahay ng tiyahin namin, at doon niya narinig ang mga masakit na salita.n Kahit anong sikap, isang kahig at isang tuka daw kami. Umuwi siyang luhaan at isa lang ang narinig ko sagot niya. May araw din kayo. Kasi po akala ng mga kaanak namin at mga kaibigan nila na parang pakiramdam nila mayaman na sila. Kahit sa akin po nangyari ‘yong ganun…Isang beses nga, tatlong kapatid ko ang nangapit-bahay kasi may dumating galing Maynila --sa barangay kasi namin kapag galing ka sa Manila at may dalang biscuit proud na sila sa ‘yo. Kumbaga ‘yang klaseng pagkain lang ang habol nila. Nakita kong ipinagtabuyan ‘yung maliliit kong kapatid, sabay isinarado ang pinto. Kahit naman sa nga pinsan ko ganun ang ginagawa sa amin, parang pulubi ka sa tingin nila,nagpapakalimos kami. At nang bumili sila ng bagong television, nakita ko nakasilip sa bintana ang mga kapatid ko kasi sarado ang pinto. Kung tutuusin may tiyo din kami sa abroad kaya lang sino ba kami para bigyan nila ng kung ano man mayroon sila. Naalala ko pa, nagpadala ng chocolate, three bars, pito kami kakain, paano mo pagkakasyahin? Lahat ng sakit nilulon ko. Umiiyak na lang ako. Sabi ko, balang araw mabibili ko rin,at maibibigay ko sa mga mahal ko sa buhay ang masasarap na pagkain. Ganun pa rin ang takbo ng buhay. Naranasan ko mag-araro kahit nasa 2nd year high school pa lang ako. At nakapag-isip isip ang isang ate ko nang matapos siya sa high school, sumunod siya sa isang ate ko sa Manila at nag-aral siya doon ng junior secretarial. Isang araw may magandang balita. Nag-asawa ang panganay naming kapatid. Isang US NAVY, at dinala siya ng asawa niya sa Hawaii kasi doon naka-base. Finally, nabawasan na ang hirap ng buhay naming. Nakakain na ng maayos at tumigil na rin ako sa pag-aararo sa tubohan at palayan. Akala namin tuloy-tuloy na ‘yong buhay namin na masaya na kahit paano nagkawatak-watak kami. Ang hindi namin matanggap, isang malagim na trahedya ang dumating sa buhay naming. Ang mamatay ‘yung ate ko na kasunod sa panganay. Nabundol po siya at dead on the spot talaga. Alam n’yo, parang gumuho ‘yung mundo naming. Kahit ngayon po naiiyak pa ako kasi last naming pagkikita sabi niya hindi na daw kami tatawaging isang kahig, isang tuka, at wala na daw mang-aapi sa amin. Kasi kahit kaibigan wala kami, lalo na ako. Ayaw ng mga cousin ko kasi po mahirap kasi kami. Binayaran po kami ng US before kasi nasa naval base ang Tita ko, nakapag-asawa ng pinaka-head doon. Binigyan kami ng pang education sa aming magkakapatid at pang negosyo. Lahat ng pera na ‘yun nawala lang. Hindi ko alam nalugi sa negosyo ng parents ko. Kaya nag domestic helper na lang ang ate ko na isa na sinundan ko. Eight years siya sa Singapore at pinag-aral ako sa kolehiyo. Nag-apply siya sa Hong Kong, 6 six years doon, at nag-asawa siya ng isang US NAVY din. At pagkatapos kong mag-aral, nakapagtrabaho ako sa Manila. After two years ako sa Manila, ang father ko inatake sa puso at namatay ito. Nang matapos na ang masasakit na pinagdaanan ko, tuloy pa rin ang trabaho. Nag-umpisa muli sa bago. Lahat ng naipon naubos. Nagkasahod ako at inipon ko muli at ibinili ko ng gamit sa bahay --tv, etc. Kung ano ‘yung pangarap at pangako ko, tinupad ko ‘yon. At ang sumunod naman sa akin, nakatapos ng midwifery. Sa ngayon ay nasa Canada na siya. Ang bunsong babae naming, nakatapos ng teacher pero nag-aaral siya ng nursing, 3rd year na siya. Ang bunso namin na lalaki, 2nd year marine engineering ang kinukuhang kurso. Ang nanay ko nasa USA na sa ngayon, nakatira sa ate ko. Ang gusto lang ng ate ko, magsama-sama kami muling magkakapatid sa America. Kaya lang may kanya-kanyang kaming trabaho, at masarap naman dito tahimik. Ang maipapayo ko lang, kahit anong problema dumating sa buhay at kahirapan ang dinanas mo, huwag mo pa rin kalimutang magpasasalamat sa Panginoon, kasi alam nating binibigyan niya tayo ng pagsubok at alam niya kaya natin lutasin. At ang mga pangarap natin sa buhay, lagi nating ilapit sa kanya. Kaya mga Kapuso, HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA. proverbs16: COMETH TO THE LORD WHATEVER YOU DO, AND YOUR PLANS WILL SUCCEED. THANKS GMA! SA PINOY ABROAD, DA BEST KAYO! MGT NG EUROPE GOD BLESS US ALL.