ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Awit para sa mga Pinoy abroad


KAPUSO, Ako si Michael Alcaraz. Isa akong OFW dito sa South Korea. Ilang buwan pa lang ako dito kaya damang-dama ko pa rin ang pangungulila sa pamilya ko sa Pinas. Ganun pala talaga pag napalayo ka sa mga mahal mo sa buhay, kahit gaano ka katapang iiyak at iiyak ka dahil sa lungkot na nadarama mo. Mabuti na lang may computer dito, kahit paano nalilibang ko ang sarili ko. Hanggang matagpuan ko nga sa Internet ang programa n'yong ito, at naging interesado ako nang mabasa ko ang mga nakapaloob dito. Maganda 'to para sa mga Pinoy na nasa abroad, kahit paano maibabahagi nila ang mga karanasan nila. Alam ko na napakahirap at napakalungkot ng nadarama ng mga kababayan natin na umaalis ng bansa natin para magtrabaho sa abroad dahil nararamdaman ko 'yun. Kaya nang makita ko 'tong programa n'yo ay naisip ko na sumulat ng kanta na maibabahagi ko sa mga Pinoy abroad. Sana kahit paano ay maaliw sila kung sakaling maririnig nila 'to at kahit paano ay mapatawa na lang sila sa mga problema nila habang nasa abroad. Sana Kapuso ay mapansin n'yo ang isinulat kong kanta na 'to. Kung pwede sana malapatan n'yo 'to ng musika at makanta ng Kapuso natin na si MICHAEL V. Alam ko maraming maaaliw dito 'pag kinanta 'to ni Bitoy gaya ng kanta n'yang "Sinaktan Mo Ang Puso Ko," at iba pa na talaga namang mapapasaya ka 'pag narinig mo. SALAMAT, KAPUSONG TOTOO!! Michael Kahit Pagod Na Ang Katawang Lupa Ko 1 Ibinuhos ko lahat ng aking magagawa Lumigaya ka lang tinungo ang ibang bansa Iniwan sa 'yo ang buong pagtitiwala Kapwa lumuluha nang nagpapaalam na Nawawala ang lungkot 'pag tumatawag ka Nababawasan ang pagod na aking nadarama Ngunit bakit unti-unti kang nagbago Tumatawag na lang pag araw ng sweldo ko. Koro 1: Init, uhaw at gutom ay kakayanin ko Hirap, lungkot at sakit ay titiisin ko Ang lahat ng ito'y para sa 'yo Kahit pagod na ang katawang lupa ko 2 'Di iniinda kapag naiipit ng makina Iniisip na lang na lagi mong naaalala Kahit mag-iisang buwan nang 'di nagpaparamdam Sa sweldo ko siguradong tatawag ka naman Napaluha sa tuwa nang tumawag ka na Kahit sabi mo lang ay dagdagan ko ang aking padala Kailangan kasi ng pera ng 'yong pamilya Kaya pati allowance ko wala nang natira. Koro 2: Utang ng kuya at utang ng ate mo Utang mo at ang utang ng ama mo Utang ng ina mo lahat binayaran ko Kahit pagod na ang katawang lupa ko. 3 'Di naniniwala sa dumarating na balita Na ikaw daw ay may milagrong ginagawa Na habang ako'y nangungulila at nag-iisa Sa ating kama ay may kasiping ka raw iba Nasasabik sa tuwa at ako ay uuwi na 'Di ko sinabi sa 'yo para ikaw ay masorpresa Nang dumating, dahan-dahang tinakpan ang 'yong mata At bigla mong sinabi pare mamaya na, maaga pa. Koro 3: Chukchak chenes at chuba binalewala ko Tsismis chikka ng lahat ay hinayaan ko 'Yun pala ay totoo, ako ay ginagago mo 'Di pa masunog ang katawang lupa n'yo..hooo.. Init, uhaw at gutom ay tiniis ko Hirap, lungkot at sakit ay kinaya ko Lahat ng ito'y para sa 'yo Kahit pinagod mo lang ang katawang lupa ko.