ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Litanya ng paghahanap


Dear GMANews.TV, Ako po ay isang maybahay na naninirahan dito sa Stoneham, Massachusetts, USA. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang tula na isinulat ko para kay Ginang Edita Burgos (nanay ng nawawalang si Jonas Burgos) at sa mga magulang nina Karen Empeno at Sherilyn Cadapan. Maraming salamat po. Marahil ay alam na siguro ninyo na ang August 30 ay international day of the disappeared. Isinulat ko po ang tula para sa araw na iyon. Joi Barrios Leblanc LITANYA NG PAGHAHANAP (Para sa mga magulang nina Jonas, Karen at Sherilyn) Hinahanap ko Siyang nawawala. Pinagtatagpi ang mga ebidensiya, Pinagdudugtong ang mga salaysay, Idinudulog sa hukuman. Hinahanap ko Siyang nawawala. Iwinawaksi ang masamang panaginip: Ang maliit, madilim na silid, Ang pagpapahirap at panaghoy Ang karsel na walang pangalan at lunan. Hinahanap ko siyang nawawala. Kahit 'di malaman ang simula’t Hantungan ng paglalayag. Makipagtawaran kaya sa kapalaran? Ibalik niyo ang bugbog, laspag na katawan, Mapaghihilom ang bawat sugat. Isauli niyo ang baliw ang isipan Mapanunumbalik ang katinuan. Ibigay niyo sa akin ang pira-pirasong buto, Ang gula-gulanit na laman, At kahit pa, kahit pa, ang bangkay na di na makilala. At tatanggapin ng aking puso, Siyang nawawala Siyang hinahanap Siyang minamahal. Ngunit huwag, Huwag akalaing ako’y nakikiusap, Nagmamakaawa, o naninikluhod. Ang dapat isakdal Ay silang sa kanya’y dumukot, Silang nilalaro ang batas sa kanilang palad, Silang utak ng pandarahas. Hinahanap ko Siyang nawawala At siyang nawawala Ay naghahanap ng katarungan. Katarungan! Joi Barrios-Leblanc, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) LITANY OF MY SEARCH (For the parents of Jonas, Karen, and Sherilyn) I search For the missing. I piece together eyewitness stories, I gather evidence, And I bring forward my case To the courts of justice. I search For the missing. I cast aside the nightmares: The dark, damp room of torture And wailing, The unmapped prison with no name. I search For the missing. I do not know where my journey begins, Nor where it ends. The heart bargains with fate: Give me back the beaten body, And the scars will heal, Return the troubled mind, And perhaps sanity will return, Bring to me broken bones, Ripped-off flesh, Even the unrecognizable corpse. And the heart will welcome What it has searched for, The missing, The loved one. Yet do not think for a moment That I plead, or beg for mercy. Bring to trial his abductors, Those who mock the law, Masterminds of violence. I search for the missing As the missing seeks justice. Justice! Joi Barrios-Leblanc, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN