Nasa 'Pinas si misis, nasa Qatar si mister
Nais ko lang pong ibahagi ang aking maikling istorya tungkol sa pakikipagsapalaran ko dito sa Doha, Qatar. Nawa'y magbigay ito ng kahit kaunting inspirasyon sa makababasa. Maraming salamat po at mabuhay po ang lahat ng bagong bayaning nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanyang pamilya. Dennis I. Marin IT Hardware Engineer Drake and Scull International (LLC) Doha, Qatar KUMUSTA? Kumusta na kaya ang asawa ko? Lagi ko na lang tinatanong sa aking sarili. Gusto ko man laging malaman kung ano na ang nangyayari sa kanya, hindi ko magawa dahil mahal mag-text or tumawag sa Pilipinas. Dahil sa ngayon mahirap maglabas ng pera, kelangan munang magtipid dahil bago pa lang ako dito sa Doha. Halos isang buwan na rin ang nakalilipas mula nang umalis ako sa Pilipinas at iniwan ko sâyang nag-iisa. Akala ko nang pumasok ako sa loob ng airport ay kaya ko nang mawalay sa kanya. Ni konting lungkot ay hindi ko naramdaman nang akoây papalapit na sa pintuan ng airport dahil dala ko ang pangarap na binuo ko kapag natuloy akong mangibang bansa. Nang marinig ko ang flight coordinator na huling tawag na sa aking eroplanong sasakyan, bigla akong napahinto at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Biglang nagbalik sa aking alaala ang maiiwang maliligayang sandali, kasama ng pagsisising bakit hindi ko man lang niyakap ang aking asawa sa huling pagkakataon. Bakit hindi ko pa idiniin ang halik na ngayon ko lang napagtantong akin na lang huling pagkakataon. Pagtapak ko ng eroplano, biglang bumagsak ang luhang kay tagal ko nang pinipigil, sabay akalang itoây isang napakasimpleng planong madaling lampasan, ngunit ngayoây maliwanag na idinidikta ng aking utak ang sagot, ânagkamali pala ako." Sa pagtapak ko sa lupa ng Doha, ipinangako ko sa aking sarili na magiging matatag ako para sa aking pamilya. Hindi na ako ang dating taong mahina at walang paninindigan sa kanyang mga desisyon. Iba na ako, isang taong matatag at responsable. Ngayong nandito na ako sa Doha at nagsisimulang magtrabaho, alam kong nagsisimula pa lang ang mga hirap na mararanasan ko. Mga karanasang bago at ngayon ko lang mararanasan sa tanang buhay ko. Nagtataka ako dati kung bakit nila masyadong pinahahalagahan ang mga OFW gayong nagtatrabaho lamang sila tulad ng pagtatrabaho nila sa Pilipinas. Ang kaibahan nga lamang ay mas malaki ang sahod. Ngayon, malinaw na sa akin ang sagot, dahil naranasan ko na kung paanong maging isang OFW. Unang araw ng aking trabaho, tulad ng aking inaasahan, hindi talaga madali ang komunikasyon lalo naât iba ang linggwahe at paniniwala ng taong kausap mo. Mahirap magkaintidihan, akala moây naiintindihan na nâya dahil syaây tumango, âyun palaây iba ang kanyang ibig sabihin. Buti na lang iniwan ko na sa Pilipinas ang salitang âpride" bago ako magtungo dito kaya hindi na mahirap sa akin ang makitungo sa ibaât ibang lahi. Nagsimula na akong magkaroon ng kaibigan -- isa, dalawa, tatlo, at dumarami pa sa aking pagtatagal sa bansang ito. Ang nagpapahirap lang sa akin ay ang pagdating ng tahimik na gabi. Nandâyan na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Ngunit sa kabila ng lahat, gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay. Ayokong mag-isip ng hindi maganda lalo paât walang aalalay sa akin. Hindi katulad noong nasa Pilipinas pa ako, pwede akong humingi ng payo sa aking asawa kung sakaling meron akong hindi naiintindihan at kailangan ng masusing pagdedesisyon, kasama ko sya.. kaming dalawa. Hay.. naaalala ko na naman. Pagdating nâya mula sa trabaho, minamasahe ko sâya para kahit papaanoây mawala ang kanyang pagod. Paaano na ngayong akoây malayo? Paano sâya kumakain, gayong kasabay ko sâyang kumain noong akoý nandoon pa? Naaalala ko pang pinagagalitan ko sâya dahil kung anu-anong ginagawa habang kumakain, andâyan ang hawakan ang buhok at tanggalin ang split ends nâya.. Hahaha.. Lalo na âyung paglilinis ng pinggan ko kapag kumakain, dahil ang sabi nâya hindi raw ako yayaman kapag merong kaning natitira sa pinggan ko. Sa ngayon, kung makikita nâya ang aking pinggan pagkatapos kumain, wala na sâyang makikitang isang butil ng kanin. Ngayon ko lang na-appreciate ang lahat ng oras na iyon. Kapag gabi na, ang pag-uusap namin tungkol sa aming mga pangarap, kung ilan ang gusto kong anak, kung ano ang plano ko kung minsan ay pinagmumulan ng aming tampuhan dahil kung minsan ay hindi ako nakasasagot agad dahil nung oras na iyon ay napakarami pang pag-aalinlangan. Pag-aalinlangan dala ng takot at pangamba sa responsibilidad na aming tutunguhin. Ngunit ngayon, sigurado na ako sa aking mga plano sa kanya at aming magiging pamilya. Habang akoây nandirito, nais ko sanang hindi na sâya mag-alala sa akin. Gusto kong ang lahat ng aking ibabalita sa kanya ay masaya at kanais-nais upang hindi na sâya masyadong nag-aalala sa akin. Kapag nalalaman kong palagi sâyang umiiyak bago sâya matulog, nararamdaman ko ang matinding lungkot at pag-aalala kung kayaât lagi kong sinasabi sa kanya na âwag na nâyang gagawin iyon at kunwariây pagagalitan ko siya. Alam kong kapag nabasa nâya ito, malamang iiyak na naman sâya ngunit maiintindihan ko iyon dahil ako rin, habang ginagawa ang sulat na ito, makailang beses akong napapaluha dahil sa mga alaalang nagbabalik habang inilalathala ang lahat ng iyon. Lalo na ngayong mga huling araw, hindi ko maintindihan kung bakit lagi ko sâyang napapanaginipan. Siguroây sobra lang akong nag-iisip at nag-aalala sa kanyang kalagayan. Ngayong kamiây magkalayo, alam kong hindi magbabago ang pagtingin namin sa isaât isa. Lagi kong idinidikta sa aking isip na hindi ako hahanap ng ibang babaeng pagbabalingan ng aking atensyon, dala ang pag-asang magiging ganoon din sâya. Sa panahong malayo kami sa isaât isa, mahirap magsapantaha kung ano ang mangyayari sa aming kinabukasan. Lagi ko na lang idinadalangin na sana.. sana ang lahat ay naaayon sa Kanyang plano. Dennis