Pag-ibig, ano ba ang tunay na kahulugan?
***Pag-Ibig*** Ano ba ang tunay na kahulugan? ( ni Nomer Limin, Iraq ) Ang pag-ibig ay sadyang ganyan Mapagbiro ang tadhana Kayraming mga katanungan Patuloy pa ring hinahanap ang kasagutan Sa buhay pag-ibig kakaiba ang nararamdaman Masaya, malungkot, nagdurusa at nasasaktan. Kayraming mga nais, gimik at iba pa Sa ibaây baliw kung tawagin Sa iyong nararamdaman para ipakita at ipadama ang iyong katapatan. Pag-ibig, Pag-ibig, Pag-ibig Ano ba talaga ang tunay na kahulugan? Noon sa panahon ni Maria Clara Ang pagmamahalan ng bawat isaây Wagas, dalisay at sagrado Bawat paghawak sa kamay ng katipan Nagbibigay kilig sa kanilang mga puso. Sa panahon ngayon ay tunay na kakaiba Mahal kita wala ng iba Pangako nag-iisang ikaw lang sa aking puso Paano ako maniniwala sa iyong salita Kundi mo kayang patunayan sa iyong sarili Sa takot na mawala ang minamahal Pusoât kaluluwaây ipinagkaloob Kapalit ng pagpatak ng mga luha at pagsisi. Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Anong nagawa kong kasalanan? Pag-ibig, Pag-ibig, Pag-ibig Ano ba talaga ang tunay na kahulugan? Sa bawat oras at sandali Akoây masaya sa iyong piling Mahal kita, iyon ang isinisigaw ng aking puso Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Ang mahalaga tayoây nagmamahalan. Tunay na pagdating sa pag-ibig Hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Sa buhay pag-ibig Hanap ng bawat isaây Tunay na kaligayan sa piling ng minamahal At mag-iibigan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Sa buhay pag-ibig May mga taong masaya, malungkot at nagdurusa Meron din namang takot umibig na takot masaktan At paglipas ng panahon ay 'di nila namamalayan Napapag-iwanan na sila ng kalendaryo. Kung ako ang inyong tatanungin Ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig Sa kabila ng sobrang pagmamahal ng karamihan Ay nararanasan pang masaktan. Ako, kapag natagpuan ko na ang aking mamahalin Iisa lang ang maipapangako at aking tutuparin Ang mahalin siya at pakamamahalin Habang akoây nabubuhay. Ikaw kabayan, para sa 'yo Ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig? Lagi lang tandaan Huwag umasa, huwag magpaasa Upang maiwasan na may masasaktan.