ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
From Taiwan to Dubai, napadpad sa Iraq
Hirap na naranasan nalampasan sa kadikalaan ng Panginoon To: GMA Kapuso Bago po ang lahat nais ko munang magpasalamat sa pagkakalathala ng aking mga tula. Ngayon ay kwento naman po ang aking ibabahagi sa ating mga kababayan. Katunayan po marami na ang tula na aking natapos at sa kasalukuyan ay may tinatapos akong short story about life in Taiwan. Sa totoo lang po, part na ng life ko dito ang paggawa ng mga kwento at tula kaya lang pinipilit kong gumawa ng kanta pero hindi ko talaga kaya, kaya wala akong natatapos. Sa totoo lang matagal ko nang gustong i-share sa ating mga kababayan ang karanasan kong ito kaya lang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon siguro dahil mas enjoy ako sa paggawa ng tula. Sana sa pagbasa ninyo ng aking kwento ay huwag kayong maiinip at sinisiguro ko sa inyo may aral kayong mapupulot kung gaano kadakila ang ating Panginoon. Sa kahirapan na nararanasan natin sa ating bansa, lahat na lang sinusubukan natin para makaahon sa kahirapan o makalasap man lang ng konting kaginhawaan sa buhay, at karamihan sa atin ang tanging solusyon ay makapagtrabaho sa ibang bansa. Katuwiran kasi ng karamihan sa atin ay hindi na umaasa sa ating pamahalaan. Ang nangyayari kasi personalan na ang labanan. Kumbaga grabe na. Ang pulitika sa atin masyado nang marumi kaya sa dami ng problemang nangyayari ay hindi naaaksyunan kasi puro dumi at baho ang inaatupag ng magkabilang panig. Kaya minsan iniisip natin kung kailangan pa tayong bumoto sa tuwing eleksyon kung pagkatapos ng halalan balik na naman sa dati. Sa kasalukuyan marami sa ating mga kababayan ang nagbabasakali o nakikipagsapalaran na makapagtrabaho sa Dubai or Abu Dhabi dahil sa totoo lang napakadaling pumunta rito meron ka lang kaibigan o kamag- anak na pwede mong maging sponsor. At isa na ako sa mga nais makahanap ng trabaho. At heto ang aking kuwento: Bago ako nagpunta ng Abu Dhabi, galing muna ako sa Taiwan for 6 yrs. Nasa Taiwan pa ako, inaayos ko na ang mga papeles ko papuntang Abu Dhabi at kinukulit ko ang tiyo ko na tulungan akong makaalis at padalhan ako ng visa. Tuwing tatawag ako, sabi ng tito ko mahirap daw maghanap ng trabaho, pero sabi ko âdi ako mapili sa trabaho kahit ano lang papasukin ko magktrabaho lang ako. Gusto ko kasi pag-uwi ko galing Taiwan makaalis kaagad ako dahil ayokong mag-stay sa Pilipinas, at bakit? Ipagpatawad nâyo mga kababayan hindi pa ako handa na isalaysay sa inyo. July 2006 nang makauwi ako at dahil sa kapipilit ko sa tiyo ko pumayag na rin na tulungan ako at nangako sa akin na pagkatapos daw ng Ramadan. Buwan ng Nobyembre nakaalis ako. Tuwang tuwa ako dahil alam ko marami akong trabahong mapapasukan, Nagtapos nga pala ako ng Accountancy . At nakapagtrabaho rin ako sa atin for almost four years kaya malakas na rin ang loob ko na makakakita ng trabaho. Unang araw ko sa Abu Dhabi, hindi muna ako naghanap ng trabaho. Nagpahinga muna ako at bumili ng mga gamit sa Mall. Sa unang araw ko mga kababayan, doon ko napatunayan na totoo pala ang kuwento. May lumapit na Pakistani sa akin, lalake at may edad na, at ganito ang pagkakasabi niya ( do you wanna fuck I will give u money). Sabi ko, âNo, no, no," at dali-dali akong lumabas at habang naglalakad ako pauwi natatawa ako. Sabi ko 6 yrs ako sa Taiwan walang nagkagusto sa akin at sa Abu Dhabi one day pa lang nakakatawa na ang kuwento ko at two times kong naranasan sa park na may nanghaharass sa akin at maraming beses sa taxi. Kaya nang mabasa ko iyong dahilan kung bakit nakulong at iyon ang dahilan kaya napugot iyong ulo ng ating kababayan, kawawa iyong sinapit nâya, kaya lang isipin natin wala tayo sa sariling bansa. Dapat sa mga ganoong sitwasyon, hu wag magpadala sa init ng ulo at isipin natin palagi na may pamilyang umaasa at naghihintay sa atin. Sa mga ganoong sitwasyon mag-iingat na lang sa susunod. Kinabukasan, sinimulan ko nang mag-apply. Sabi nila âwalk-in daw," kung kinakailangan daw lahat ng building pasahan mo ng curriculum vitae or resume. Alam ninyo mga kababayan, parang nasa Maynila ka rin dahil napakarami ninyong mga Filipino na nagkakasalubong na naghahanap ng trabaho at napapangiti na lang kami. Kumbaga, iyong kasabihan natin, andun na dapat pangatawanan na. Two days lang ako nag-walk-in or nag-submit ng mga resume or cv. Ang ginagawa ko na lang puro e-mail na lang kasi katuwiran ko kung urgent sigurado they will post it in the newspapers. Araw-araw ganun lang ang ginagawa ko. After mag e-mail naglalakad ako at nagtatanong sa mga kababayan natin na kung may alam silang nangangailan at nagtatanong na rin ako na kung mayroon silang alam na pwedeng mag-part-time job. Sa paglalakad ko, âdi naman ako nabigo. May nakilala akong kababayan at mabait naman. Daisy ang name niya at matagal na sa Abu Dhabi. Sabi niya sa akin, pag may alam daw siya tatawagan daw ako. At isang araw, 12 midnight tumawag siya kung gusto ko raw mag part-time. Sabi ko, âoo." Sinabi niya sa akin ang lugar, dapat 4 am daw andun na ako. May bus daw na titigil dun. Siguro halos âdi na ako nakatulog kasi kailangan magluto ng baon ko. Pagdating ko doon sa lugar, ang daming mga Filipino. Matagal na raw sila doon at inabot kami 7 ng umaga. Kung gaano karami ang pang-umaga, ganoon din ang panggabi. Siguro meron lang limang regular employees, lahat puro visit visa na tapos darating pala ang boss nila 9 ng umaga. Fabrication ng mga bakal ang trabaho. Sa totoo lang, wala akong alam na trabaho dun. Sabi sa akin ng kababayan natin na wala raw pumunta roon na umuwi, lahat daw tinatanggap pero sa totoo lang nang makita ko, ayoko at kinausap ko na nga ang timekeeper. Sabi ko âdi ko kaya. Sabi niya sa akin, alam mo lahat ng trabaho dito madali dahil tulong-tulong naman dito. Ang sabi nâya, mabuti ka nga 8 days ka pa lang nandito ka na. Kaya tiyaga-tiyaga lang. Ang sabi niya sa akin, bumalik ako dun sa locker habang hinihintay ko âyung boss nila. Filipino rin siya at habang naghihintay ako, nagdasal ako, sabi ko, â Lord, hindi ko po kaya ang trabaho dito pero kung dito nâyo ako dinala, idadalangin ko na lang po na pag-ingatan po ninyo ako." Pagdating ng boss nila, may nagsabi sa aking isang kababayan na umakyat na raw at kausapin na raw ang boss. Sa pag-akyat ko, ang sumalubong sa akin ay secretary siguro at sabi ko nga nag-a-apply ako at pagkakasabi nâya, wala na raw bakante. Dali-dali akong umuwi at nagpasalamat sa Panginoon at habang nag-aabang ako ng taxi, napakasaya ko kasi dininggin ni Lord âyung panalangin ko. After three days, may tumawag sa akin for interview. Excited ako nang pumunta ako at pagdating ko kung gusto ko na raw magsimula. Alam niyo ba kung ano ang trabaho? Dishwasher, pero tinanggap ko kasi alam ko mahirap maghanap ng trabaho at ang mga dinatnan ko roon puro nagsawa na sa kaka-exit. Alam nâyo ba kung magkano ang sweldo? 800dhs, or 10,000 pesos. Pero nagtiyaga ako dahil mahirap maghanap ng trabaho. Unang araw, medyo hirap kasi ang daming hugasin. Big restaurant ang napasukan ko tapos isang mabait na kababayan na inutusan ako na ikuha siya ng isang basong tubig na iinumin niya. Sa isip ko, okay lang, bago lang ako, nakalimang araw na ako at ramdam ko na talaga ang hirap at nagsusugat pa ang mga palad ko at mga daliri ko. Isang gabi, nag-pray ako, sabi ko, âLord, tunay po hirap ako sa aking trabaho. Kung talagang ito po ang trabahong ibinigay nâyo sa akin, magtitiis ako ngayon. Kung hindi naman po, bigyan ninyo ako ng sign sa pagpasok ko sa trabaho bukas ng umaga na hindi ko magugustuhan." Kinabukasan, pagpasok ko kinuha ko iyong apron ko at hindi ko pa naisusuot tinawag ako. Iyong sinasabi kong mabait na kababayan, at inutusan ako na kumuha ng tinapay na kakainin niya, pero sumunod ako na tuwang-tuwang at napakasaya ko. Lord, sabi ko, salamat po. Iyong araw ding âyun nag-resign ako at maghapon pa rin akong nagtrabaho kahit alam kong âdi ako babayaran. Katulad ng dati, e-mail at paglalakad at naikuwento ko sa tito ko na umalis na ako sa pinapasukan ko. Sabi sa akin, ikaw lang naman ang nagdesisyon doon. Sabi masyado raw akong nagmamadali. Pero isa pang dahilan talaga, nahihiya ako sa kanya. Syempre may trabaho rin pero hindi talaga ako pinababayaan at meron din akong tita roon. Doon lang kami nagkita at isinasama niya ako sa mga prayer meeting at minsan sa Bible study. Nung 14 days na ako doon, pinapunta ako sa kanila. May kakilala raw siya na pwedeng mag part-time at catering naman ang trabaho sa hotel, 10 dhs/hr. After two days, nakapag-part-time ako from 6am to 6pm at napakadali ng work. Tanggal dumi ka lang ng astray tapos pag-uwi ko ng 6pm nag-check ako ng e-mail. 5dhs/hr ang bayad pero hindi ko natapos âyung one hour kasi inaantok na ako. At kinabukasan, 8am naman ang pasok ko kaya umuwi na rin ako at pagdating ko sa bed ko nakatulog na ako at kinaumagahan tiningnan ko ang cellphone ko, may missed call. Sa lakas ng ulan, tawag ng tawag âyung organizer kasi paalis na raw ang bus. Nung paalis na ako, hinahanap ko iyong wallet ko. Hindi ko makita. Tapos sinabi ko sa organizer na nawawala iyong wallet ko, pero sabi ko mamaya ko na lang hahanapin kasi siyempre bago lang ako at may pera naman ako sa bulsa, eksaktong pamasahe. Kaya lang habang nag-aabang ako ng taxi âdi ako mapakali kasi andun iyong pera ko hanggang sa naiwanan ako ng bus at nag-sorry ako dun sa organizer, tapos nag-pray ako. Sabi ko, âLord, iyong problema ko sa Taiwan, alam ko kaya ko iyon pero ngayon po Lord hindi ko kaya. Lord, isoli mo ang wallet ko dahil tunay po Lord hindi ko makakayanan." Pagkatapos kong mag-pray, tinawagan ko iyong missed call at iyong nakausap ko iyong nagbabantay sa Internet. Sabi niya, iyong wallet ko nasa kanya raw. Meron daw puti na nakakita kaya ang laki ng pasasalamat ko nung araw na iyon. Halos araw-araw ganoon lang ang ginagawa ko â e-mail, fax at paglalakad. Mabuti na lang iyong Pinay na nagtatrabaho doon sa fax at photocopying machine ay mabait. Minsan hindi ako sinisingil, minsan kalahati lang pag andun iyong boss nâya. Isang araw sa pagpunta ko sa Internet shop, mayroon akong nakatabing Filipino rin, taga- Mindanao. Sabi nâya, kung gusto ko raw magpart-time. Sabi ko, âOo." Ibinigay nâya ang number ng organizer at iyong lalake na iyon at iyong babae sa fax ay magkapatid pala. Sana lahat ng Filipino ganito pagdating sa ibang bansa. Tulong ang ialay natin sa ating mga kababayan para maiwasan ang mga bagay na nakasisira sa ating kapwa. Iyong araw ding iyon, tinawagan ko iyong organizer at pinapunta nâya ako at pagdating ko roon Kapampangan din pala kaya tuwang-tuwa ako dahil madali kaming nagkapalagayan ng loob. Ang trabaho naman doon catering sa ibaât-ibang lugar. Minsan malayo kaya lang two to three times a week lang. One day nakakuha siya ng contract, araw-araw ang trabaho at 90dhs/day. Bigas namin sa pier dahil minsan nung umulan nang malakas, ang daming nabasang bigas, kaya work namin ay piliin iyong malilinis at itapon iyong marumi. Alam nâyo mga kababayan, ang dami naming visit visa. Meron pa doon, supervisor sa Pinas at nag-resign sa trabaho, pumunta sa Abu Dhabi at ngayon kasama ko rito sa Iraq. Grabe mga kababayan, ang hirap dun sa trabahong iyon. Sa sobrang init, nakabilad ka maghapon tapos sobrang bigat pa ang trabaho pero nagtitiyaga dahil kailangan namin pang-exit. Isang araw, ang higpit ng nagbabantay kahit magpahinga ka lang sandali nagagalit. Pag nakita kang nakatayo, pinauuwi ka. Kaya iyong araw na iyon, umuwi kami lahat at nagulat sa amin. Siguro sa loob-loob niya, ganito pala ang Filipino, ayaw na tinatanapak-tapakan, kaya bumalik kami sa dati two or three times a week. Tapos nung 10 days na lang ma- eexit na ako, may tumawag sa akin, ang sweldo 1500dhs sa iyo lahat. Paano mo mapagkakasya, 450 bed spacer ang binabayaran ko wala pang aircon âyon at walang washing machine. Tapos ang trabaho sa papasukan ko accounts assistant. Two hours lang akong pumasok kasi sobrang dami ng trabaho. Alam niyo grabe ang hirap na naranasan ko, sa totoo lang. Pero ang Panginoon lang ang naging sandalan ko dahil kahit galing ako sa Taiwan, utang lang iyong pera ko na may interes pa. Kaya nung malapit na akong mag-exit, nagpautang ako ulit sa nanay ko at iyong kulang, sa tiyo ko sa Abu Dhabi. Alam niyo mga kababayan, minsan nabasa ko sa newspaper, wanted factory workers sa Sharjah. Tumawag ako at ibinigay iyong direksyon at nung paalis ako may nagsabi sa akin na may bayad raw 100dhs. Tumawag ulit ako at tinanong ko nga kung totoo na may bayad. Meron nga raw. Sabi ko doon kay kabayan, Pinay siya, kung may assurance na makapagtatrabaho, sabi niya, oo. Sabi ko, ganoon naman pala, abonohan mo muna pag nakasweldo ako, âyung kalahati sa âyo na. Hindi raw pwede at nagsabi ako na kabayan pati pa ba naman sa ibang bansa nakukuhang lokohin ang inyong mga kababayan. Hanggang dumating iyong araw nakapag-exit ako sa Kish Island (sa Iran). Kung titingnan mo ang lugar napakaganda, tabing dagat at maraming pasyalan pero iyong lugar na iyon punong- puno ng kwento. Kung gagawa ka ng pelikula siguro mula umpisa hanggang katapusan maiiyak ka sa mga sinapit ng karamihan sa ating mga kababayan. At hindi ko alam kung alam ng ating pamahalaan ang ganitong sitwasyon. Kung gaano karami ang nakikipagsapalaran paalis sa ating bansa papuntang Dubai or Abu Dhabi, ganoon din karami ang nag-e-exit. âYung lugar na iyon, kumikita ng malaki sa mga Filipino. Alam nâyo mga kababayan, sa ngayon ginagawang negosyo ng ating mga kababayan ang pagpunta sa Dubai or Abu Dhabi dahil pangangakuan ng trabaho at padadalhan ka ng visa at ang sinisingil 90 thousang pesos pataas pero ang totoo ikaw rin ang maghahanap ng trabaho o kaya naman bibigyan ka ng part time, 50dhs ang bayad for 12 hrs, two to three days per week. Sa totoo lang napakahirap maghanap ng work sa Dubai or Abu Dhabi dahil napakaraming ibang lahi at ang problema iyong ibang lahi tumatanggap sila ng mababang sweldo. Pero may kasabihan tayo, kung âdi mo hahanapin ang swerte hindi mo makikita. Pero ako, sinubukan kong hanapin sa Abu Dhabi at nakita ko kung gaano kahirap at ayaw ko nang balikan pa. Ngayon nasa Iraq na ako, kasama ko iyong sinasabi kong supervisor sa Pilipinas at siya ang dahilan kaya ako nandito dahil nagkita lang kami sa prayer meeting at nasabi niya na paalis na raw siya. Ibinigay sa nâya sa akin ang number nâya at after five days, ayun nagkasabay pa kami. Pero bago iyon dumating, âyung point na pumili ako kasi nagkasabay iyong pag-a-apply ko sa Iraq at iyong araw ng interview ko sa Dubai sa isang magandang company na nag-refer sa akin na sister in Christ, ang salary okay na rin sana, 1500dhs plus free lahat, accounts assistant din ang work. Pero natakot ako kasi seven years na iyong experience ko sa office. Baka hindi ko na magampanan iyong work ko kaya mas pinili ko dito sa Iraq at hindi ko alam kung tama ang desisyon ko dahil sa totoo lang mga kababayan gusto ko nang umuwi. Kaya lang ako lang ang inaasahan sa amin at isa pa, iyong utang ko 100 thousang pesos plus interest pa. Dito napakalungkot ng buhay pero nagtitiyaga ang bawat Filipino dahil sa hirap ng buhay sa atin. Dito walang mabilihan at walang mapuntahan at ang sweldo hindi naman totoo ang kuwento na malaki ang sweldo. Siguro noon oo pero ngayon isa lang masasabi mo, konting tiis at tiyaga lang. At isa pang nakalulungkot, walang day off, 12 hours a day . Ang maipapayo ko lang mga kababayan, kung anong problemang dumating sa atin dapat magiging matatag tayo at huwag bibitaw sa Panginoon dahil hindi niya tayo pababayaan. Salamat mga kababayan, sana hindi kayo nakatulog sa aking kuwento. Nakaiinip basahin pero makahulugan at ramdam mo ang kadakilaan ng Panginoon. Maraming salamat, mga kababayan. Nomer Limin
More Videos
Most Popular