Nagtapos ng pagka-pulis, napunta sa nursing
ANG AKING BUHAY. AL SALAM MALAIKUM RAMADAN MUBARAK Ito po ang karaniwang ginagamit kung salati kapag bumati ako sa isang Arabo o Muslim na tao dito sa Dubai, UAE. Ngayon pong buwan ng October 2007, nang dahil sa Ramadan kaya pati ako nakikisali na rin sa kanilang fasting kasi medyo tumataba ako!!!. Bago ko po lubusang sabihin kong ano po ginagawa ko dito ay hayaan nâyo po ikuwento ko ang aking buhay. In 1997, at the age of 17 yrs old, I decided to take up BS Criminology in the City College of Manila, now known as Universidad De Manila. A school with a free college education provided by the Manila government and only to Manila residents. Dito ko rin nakilala ang aking nobyo at ngayon ay asawa na kasama ko ngayon at nakapagtapos sâya ng public administration. Aktibo po ako sa lahat ng school program such as academic, group leadership at higit sa lahat âyung sport na judo na sikat pa rin haggang ngayon at kung saan ay marami rin po kaming natalong sikat na manlalaro sa mga kilalang university o eskuwelahan sa buong NCR at maraming gold medal na aking ipinagmalaki. Malaking tulong po ang eskuwelahan na ito dahil nang mga panahon na âyun ay ang tiyuhin ko na nag-uumpisa pa lang sa America ang sumagot sa gastusin sa bahay naming mag-kamag-anak at ang natitira ay ginagamit kong allowance kada buwan na kung minsan ay may sobra ay ibinibigay ko sa aking ina dahil sa bahay lang sâya. Sa pagtatapos ko po ng aking pag-aaral sa BS Criminology at pagpasa sa lisenya ng PRC as a registered criminologist, noon lang po sumagi sa aking isipan na baka mayroon pang ibang trabaho na malaki ang kita. Na-realize ko lang po na pagiging isang alagad ng batas na rank ay PO1 ay âdi biro at marami kang sakripisyo sa iyong mahal sa buhay. At lalo na sa mababang kinikita ng isang alagad ng batas na 12-15 thousand pesos a month, bawasan mo ng tax, SSS, GSIS, personal loans, at kung minsan sa mga kaso nilang kinahaharap ng isang pulis e walang matitira sa iyo! Naalala ko kasi ang on-the-job training naming mga kaklase sa mga kampo ng pulisya at may mga lumalapit sa aming mga matagal na sa serbisyo at palaging ipinapakita ang kanilang pay check. Grabe! kasi âyung isang pulis ang laman ng pay check nâya ay 300 pesos lang sa isang buwan! Sabi ko, âSir bakit ganyan ang sahod nâyo e SPO2 na kayo." Ngumiti lang sa akin âyung pulis at sinabing maghanap kayo ng trabaho na maganda hanggaât bata pa kayo. Unang Trabaho Year 2001, ilang buwan ang nakalilipas nang aking maipasa ang licensure exam ay desidido na akong maging pulis kaya lang ang edad ko ay 20 years old? âDi pa ako legal na 21 yrs old para matanggap. At dahil nga nakatapos na ako ng pag-aaral ay wala na ring nagbibigay sa akin ng allowance dahil sabi nga nila ânakapagtapos ka na." So, naghanap ako ng trabaho by looking at the classified ads every Sunday at lahat yata ng ads dun mga engineering, accounting, healthcare, etc. ni walang trabaho na angkop sa akin. Kahit nga âdi angkop sa aking natapos ay sige pa rin ako sa pagpasa! Ngunit malas walang tumatanggap sa akin dahil sa pinag-aralan ko. Sinasabi ng mga malalaking pribadong kumpanya na dapat mga commerce graduate lang ang puwede nilang matanggap. Kahit nga service crew pinatulan ko na kasi wala na ring nagbibigay sa akin dahil nakapagtapos na ako ngunit hindi rin ako tinaggap dahil mga college undergraduate lang daw ang kaya nilang tanggapin. Mga ilang buwan din ang lumipas ay may nakita akong angkop sa akin at sa awa ni Lord may isang kumpanyang nag-interview sa akin at na-admit ako bilang isang private investigator. Maganda sâya since 12,000 pesos+travel+food allowance at Americano ang nagpapatakbo. Ang una kong sahod na kung tutuusin malaki na âyung panahon na âyun. Eight months lang ako tumagal kasi wala akong lakas loob na humarap bilang eyewitness sa mga kliyente namin during trial in court since my family, I grew up as a Catholic o kaya âdi ganun kakapal ang mukha ko. Pangalawang trabaho ko ay natanggap ako bilang usher/porter ng sikat na sinehan sa Maynila pero ang sahod ko ay tipikal na minimum wage, plus isama mo ang overtime na 10-11 hours a day ay 10,000 pesos a month. Minsan kapag gipit ang ginagawa naming usher ay nagre-refund kami ng tiket na dapat âyung tiket na âyun ay dikit-dikit para lang kumita. Minsan kaibigan, kamag-anak ang kahati ko kasi sila âyung customer na nagre-refund. âYun, nakakalibre din sila ng panood ng sine. Kahit masama ay wala kang magagawa lalo na dun sa mga âdi nakapagtapos ng pag-aaral sa mga kasamahan kasi six months contractual lang sila at ako, para ka lang kumita ng kakarampot at malaki pa ang inutang mo sa pag-a-apply. O kaya matatanggap ka ng regular sa kumpanya kung relihiyon mo ay relihiyon nila! Pangalawang Pag-aaral Year 2003, nung natapos na ang aking kontrata ay nakapag-ipon na ako para pang-apply sa pagiging pulis dahil kalahati ng aking batch mate ay pulis na. Nainggit ako dahil sila stable na âyung work at pwede ka umutang ng 100.000 pesos payable in two years. âYung mga iba kong kasamahan bumili ng sariling baril dahil âdi lahat ng pulis nabibigyan pala ng baril at sasakyan na motorcycle since wala silang transportation. Marangal maging isang pulis kasi nagbibigay ka ng sense of protection sa iyong lugar, kahit minority of them sabi nga nila ay âbad eggs" e san ka tatakbo kong may gulo, riot, patayan? E di sa pulis din. That was summer of 2003, at dalawang buwan na lang ay may opening na sa kampo bilang PO1. âYung panahon ding âyun nag-usap kaming magnobyo at nagpakasal sa civil wedding lang dahil wala pa kaming pera at masama pa âdi alam ng pamilya ko kaya âyung mga ninong at ninang namin ay kung saang part ng city hall namin kinuha. Ni âdi ko nga kilala kung sinu na âyung mga taong âyun ngayon. Masaya dahil siguro nagmamahalan kami pero malungkot dahil âdi porke nag-asawa na kayo ay magkakaanak na kayo. So, nag-plano kami. Nang mga panahon ding âyun, âyung isa kong tiyahin na maayos na ang pamumuhay sa America ang nagsabi na kung gusto ko uli mag-aral ng nursing dahil open na ang USA sa skilled nurse until 2020 at kakailanganin ng mahigit 10 million nurses. Sabi ko pag-iisipan ko dahil malaki na rin ang aking nagastos sa aking pag-aapply bilang pulis. Sabi nâya, âMagkano nagastos mo sa pag-aapply?" Sabi ko mahigit 5.000 pesos at sabi nâya ire-refund nâya raw âyun basta mag-aral ako uli. Sabi ko âbahala na" at sabi nâya âanong bahala na, ayaw mo bang kumita ng mahigit 200.000 pesos a month." Natawa ako dahil baka binibiro lang nâya ako. So nag-usap kami uli ng aking asawa, sabi ko âsince bata pa tayo magwork ka muna at mag-ipon sa iyong pamilya kasi mag-aaral ako at sayang ang isang opportunity na ito." Naka-unawa sâya so since 2004 umalis sâya patungong Dubai bilang receptionist na sikat sa Dubai, pero nung 2006 ay nagresign sâya at ngayon natanggap sâya bilang cabin crew ng sikat na airline sa Dubai. Sa two months na pag-iisip ay malapit na ang pasukan nang 2003. Nag-aral ako ng nursing sa isang eskuwelahan sa Maynila. (Medyo masama pa rin ang loob ko sa aking eskuwelahan na âyun dahil âdi kaming mga halos ¾ na batch ng 2006 napayagan mag-take ng June 2006 board exam, pero buti nga sa kanila at na karma sila dahil sa scandal. Kaya December 2006, passer ako). Anyway culture shock pala nung nag-aaral ako ng nursing kasi ang daming babae at kakaunti lang ang lalaki na minsan e apat lang kayong lalaki sa klase at dalawang bakla!. Nahirapan talaga ako kasi kung minsan kapag may quiz o exam e alam na nung mga iba kong kaklase ang sagot at âdi nila sine-share sa aming mga lalaki, kahit pinag-hirapan ko âyung exam e mataas pa rin ang score nila na minsan âdi fair. Marami rin palang kasing edad ko o mas matanda pa sa akin ang nag-aaral ng nursing. Iba-Iba ang dahilan, kesyo kailangang yumaman, immigration, wala ng trabaho ang nagbibigay ng maayos na sahod sa Pinas!. Sa akin kasi kaya ko kinuha kasi I was hoping to earn and work somewhere else. Pero nagbago rin itong paniniwala ko nang may naging pasyente akong bata, he had a muscle atrophy that he can still live for two more years. Kahit two weeks ko sâya nakasama ay masaya kami at comfortable sa isat-isa. Actually in nursing you are not working but you are giving the best damn care you can offer. Pero sadyang iba ang tadhana dahil sa tatlong taon kong pag-aaral ay nakapag-take ako ng local board exam nung December 2006 at nakapasa naman. Dubai 2007 Noong naipasa ko ang aking exam ay nagkakaroon kami ng problemang mag-asawa dahil hiwalay kami sa isat-isa. Actually ang plano pa nga ng tiyahin ko e mag-asawa ako ng Amerikano at babayaran na lang nâya since may mga kakilala sâya dun na willing naman at within two years ay mag-divorce na lang. Wala ring problema sa pera kung mag-aaral ako sa mga exam katulad ng NCLEX, IELTS, na kailangan sa America. Pinapipili ako kung âyung mabilisan o matagal? Naglakas loob ako sabihin sa kanya, âTita kasal na kami ng aking asawa since 2003 pa bago ako nag-aral ng nursing, kaya ko lang hindi nabanggit dahil nga sayang ang opportunity na mag-aral ng tuloy-tuloy at sa kanya rin para kumita sâya ng malaki at makatulong muna sa pamilya nâya." Sabi ko pa, âNagpapasalamat ako sa iyo at pinag-aral mo ako pero gusto ko muna magkaroon ng work experience pero since sa Pinas ang hirap maghanap ng work lalo na marami na kaming nurse nakapagtapos at sa ibang hospital e mag-volunteer ka muna or almost 4-6 thousand pesos a month lang ang salary e i-try ko âyung suwerte ko sa Dubai." Kinuha ako ng aking asawa thru visit visa sa Dubai. First time ko na umalis ng bansa at pagdating pa lang sa Philippine immigration sa NAIA, sangkatutak na tanong ang bumulaga sa akin. Sabi ko âvacation lang punta ko" (kahit na hanap ng work ang pakay ko) habang âyung ibang Pinoy na nakapila ay pinatabi sa isang sulok at mukhang may âhanky-panky" na nagaganap kasi nung maka-usap ko âyung Pinoy na âyun sa flight ay pinerahan daw sâya at sinabihan na magbigay lang ng padulas na âdi bababa sa isang libo e tutuloy sya! Grabe pala at nagpasalamat ako kasi pinipili nila âyung mga vulnerable na itsura. April 15, 2007 ako dumating dito at nag-stay ako sa accommodation ng aking asawa sa Sheik Zayed road. Grabe ang ganda pala dito, kahit maraming sasakyan malinis ang hangin dahil hindi ako palaging sinisipon. Aircon na room. Sa bahay namin ay electric fan lang. Kapag nasa labas ako ng Dubai, multi-cultural people ang makakasama. Minsan nga mamasyal ka sa Karama na parang Divisoria sa Pinas ay ang daming Pinoy. Within a month ng pag-aapply thru the Internet maraming tumatawag sa aking phone. Minsan as nurse, sales meds, waiter, assistant, driver. Etc. pero lahat, isang beses ka lang tatawagan at interview na kaagad. Ang huling tanung nila palagi sa akin ay âkailan mag-expire ang visit visa mo." âYun pala kapag malapit na ang exit mo ay gigipitin ka pala nila na keso tanggapin mo na ang offer nila na mababa ang sahod e agad-agad e may working visa ka. Sa awa uli ni Lord, nakapag-apply din ako sa isang government hospital at swerte dahil bihira lang pala ang lalaking nurse na nag-aapply dun at maraming mga babaeng nurse na ibat-ibang lahi pati na ang mga Pinay at nahihirapan sa interview. Swerte din ako dahil hindi na ako nag-exit pa sa Kish, Oman or Bahrain dahil dagdag lang gastos at problema. Mga Pinoy na travel agency ang lumalapit sa amin at sinasabi na âkabayan gusto mo mag-exit." Sa ngayon almost seven months na akong rehabilitation nurse, almost P42,000 a month ang salary ko, kasama na accommodation at transportation. Mababa sâya kung ikukumpara mo sa Amerika na nurse pero malaki na eto sa Middle East at masarap ang feeling na nakakapagpapadala ka ng pera sa Pinas. Since wala akong experience e mag-wait muna ako ng two years bago ako malipat sa ibang wards. Minsan nga iniisip ko kung tama bang nurse na lang ako? O balikan ko ang nakaraan at maging pulis na lang ako at uutang ng P100, 000 payable for two years. Pero sa lahat ng ito e âdi mangyayari sa akin kung wala akong faith kay Lord at sa aking sariling kakayanan at ang pamilya kong nagdarasal sa akin, lalo na ang aking mabuting Ina. Siguro nasa tao na lang âyun kung kaya nâya bang mangibang bansa, at kung may supporta rin sâya sa mga mahal nâya sa buhay, kung kaya nâya nagagagawa âyun. Sana itong lihim na ito ay magbukas sa ating isipan. Shukran( thank you), RBV. RN,CRM