Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay
Simula pagkabata, alam ko na ang hirap na dinaranas ng aking mga magulang, lalo na ang nanay ko. Kung sinu-sinong mga tao ang nilapitan niya upang magpalaba sa kanya. Mahirap lang ang buhay namin sa Rizal, sa Navotas, sa Cardona, at sa isang isla. Sa kabila ng hirap ng buhay at walang pagkakakitaan, sinikap ng magulang ko na makapag-aral ako. Sabi nila kahit hanggang high school. Hindi kasi sila nakapag-aral ni tatay. Ang ate at kuya ko naman ay nagloko sa kanilang pag-aaral. Akala ko nga hindi ako makapag-aaral kahit high school kasi wala talaga kaming pera. Pumasok ako bilang tagahugas ng pinggan at tindera sa school namin, malibre man lang ako sa tuition. Tuwing walang pasok, tinutulungan ko si nanay maglabada. Naawa na ako sa nanay ko kaya ipinangako ko na sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral. Nang makatapos ako ng high school, pinag-aral ako ng tiyuhin ko dito sa Olongapo. Daig ko pa ang nasa ibang bansa noon kasi kung umuwi ako halos isa o dalawang taon dahil nga sa hirap ng buhay. Kaya kumuha ako ng scholarship. Bilang student grantee, na-assign ako sa computer department at doon, bilang libre sa tuition, nagtrabaho ako, naglilinis ng computer, nagma-mop, nagwawalis, nagdidilig, nagbabantay ng laboratories, at kung anu-ano pa. Lahat iyon tiniis ko para sa mga magulang ko, lalo na kay nanay. Ngayon, nakatapos na ako ng pag-aaral. Isa na akong guro bagama't hindi ko pa naibigay sa mga magulang ang aking ipinangakong magandang buhay. Unti-unti, pero sa kabila noon, iniaalay ko sa kanila ang tula/awiting ito. Para po ito sa mga nanay o tatay, lalo na iyong mga nasa ibang bansa na klahit malayo sa kanilang mga anak ay tinitiis nila na maibigay lang ang kanilang pangangailangan. Kaya para po sa inyong lahat ito: PARA SA 'YO INAY/ITAY Lagi siyang nariyan sa aking tabi Umaaruga at tuwina'y may pang-unawa Siyang higit na nalulungkot, Siyang higit na masa Sa tagumpay o maging sa pag-iisa. refrain: Kay palad ko ikaw ang naging ina Inang handang gumabay Maging sa habang buhay... Chorus: Para sa iyo inay, itay ako'y nagpupugay Salamat sa iyuo, inay, itay Alay ko itong buhay Walang pag-aalinlangang ika'y/kayo'y babantayan. Mata ko ang iyong ilaw, at sa pagtanda'y siyang karamay Hindi kita iiwan, ang lahat ng ito ay para sa 'yo inay, itay. Repeat refrain and chorus Ang lahat ng ito...ooooh ay para sa 'yo inay.... **para po iyan sa lahat ng magulang..inay o itay. Pahalagahan natin at mahalin ang ating mga magulang. Hindi biro ang hirap na dinaranas nila upang maitaguyod tayong mga anak nila. Salamat po. Sana po magustuhan ninyo ang kwento ko at tula/awit. Nawa'y kapulutan ng aral ang kwento ko. Lagi ninyong tatandaan ang kahirapan ay hindi hadlang, maging patas at matiyaga ka lam,ang, makakamit mo ang minimithing pangarap at tagumpay. Salamat po. Gumagalang, Ermina Ditablan Ragindin 4C Harris St., East Bajac-bajac Olongapo City