Pagtutulungan laban sa kahirapan
Hi, I would like to make a comment tungkol dito sa mga politician na sobra kung mangurakot. Ang mga senador,, wala ng ginawa kung hindi magbangayan, mukhang walang alam gawin kundi ang bantayan kung ano ang magiging mali ng kasalukuyang gobyerno, habang ang mga kababayan natin eh patuloy na naghihirap. Maraming problema ang Pilipinas, bakit hindi iyon ang pagtuunan nila ng pansin. Sa dami ng kurakot at kumisyon na nakukuha nila sa bawat transaksyon na ginagawa nila na ang halaga eh hindi libo kundi milyon. Sa dami ng senador natin na may mga milyones kahit sana tig-iisang milyon lang bawat isa pwede silang magpagawa ng bahay na pwedeng ibigay sa mga naghihirap nating kababayan lalo na ang mga nakatira sa estero, pwede naman gumawa ng building na doon sila ilagay eh diba? Dito sa Australia ganon ang patakaran ng pamahalaan dito kapag may naghihirap may sahod na mangagaling sa gobyerno. Tulong iyon hanggang makakuha ka ng trabaho medyo tamang-tama lang sa pangangailangan pero ayos na rin. Meron lang sigurong downside. Iyong ibang tao dito natutong maging tamad at ni ayaw na magtrabaho. Nakuntento na lang sila sa ganong kalagayan. Diyan sa atin sa Pilipinas may mga taong laging nagugutom. Kung minsan isipin mo siguro kung bakit? Diyan sa atin walang plano sa pamilya, anak lang ng anak, 'di iniisip kung ano ang magiging kinabukasan ng magiging anak nila. Iyon namang iba anak lang ng anak para daw sa ganon pagdating ng araw tatanggap na lang sila ng sahod na galing sa anak nila para pagdating ng araw daw eh para silang pensiyonada na tatanggap lang ng pera. May mga magulang akong naririnig na ganon ang katwiran lalo na sa probinsiya. Dapat sa atin isulong natin ng husto ang birth control ang family planning regardless kung ano ang sasabihin ng simbahan, dahil hindi naman ang simbahan ang bubuhay sa mga batang isisilang ng mahihirap ni Pilipino eh. Kung magtutulungan siguro tayo pwede nating tapusin ang kahirapan sa Pilipinas. Sa dami ng mga Pilipino na nasa labas ng Pilipinas na ang karamihan eh hindi naman naghihirap, bagkus marami sa atin eh mayaman pa nga sa labas ng Pilipinas. Dito nga sa Australia bumabandera ang pamilya Cojuangco na pati sa karera ng kabayo eh nagiging sponsor sila. Si Rose Hancock na isa sa milyonarya ng Australia, pwede naman siguro siya tumulong diyan sa Pilipinas na barya lang ang katumbas sa kanya pero sa karaniwang Pilipino lalo na sa halos 'di kumakain sa atin eh buhay na ang katumbas. Napapanood ko sa GMA ang mga dokumentaryo ninyo tulad ng Gutom, Buto't Balat, at iba pa. Kung tutuusin ang kailangan lang nila 500 pesos sa isang araw ay makakaraos na ang mga pamilyang ito. Sa isang pulitiko barya lang iyon ang 500 pesos eh 26 thousand lang sa buong taon, isang taon ng may kakainin ang naghihirap na pamilya sa atin pero sa isang mayamang pulitiko barya lang iyan, luho lang nila na gagastusin ng minsan. Marami pa akong gustong isulat pero sa susunod naman medyo mahaba na ang komentaryo ko eh, saka na lang ulit salamat sa GMA Pinoy Abroad network na ito at kahit paano kaming mga nasa ibang bansa nakakasubaybay ng nangyayari sa ating mahal na bansang Pilipinas. Cheers, ELIZABETH QUIMORA DIMAUNAHAN Data Entry Team Leader