ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Mahal mo ba ang iyong pamilya?
Sa pamunuan ng PINOY Abroad, marami-maraming salamat sa inyong lahat at muli narito ang aking kwentong pampamilya at sana nakapagbibigay ako ng kaunting paalala sa mga taong nakakalimot. MAHAL MO BA ANG IYONG PAMILYA? Paunang pananalita: Bato-bato sa langit ang tatamaan ay umaray. Itoây kwuentong totoo, maaring nangyayari sa buhay mo o sa kaibigan mo at nawaây nakapagbibigay ako ng isang babala upang hindi tuluyang mawasak ang magandang samahan ng iyong pamilya. Huwag nang pasukin ang isang bagay kung nalalantad sa kahihiyan ang iyong buong pamilya at kaawa-awa, ang mga anak mo ang siyang magdurusa. Sa paglalakbay sa ibayong dagat tangan po natin ang mga pangarap, maging tatay ka man o nanay. Iisa po ang minimithi nating lahat, maiangat ang pamumuhay ng bawat pamilya at matustusan ang pangangailangan ng ating mga anak. Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas loob upang lisanin ang pamilya at hanapin ang magandang oportunidad na hindi natin nakamit sa sarili nating bayan. Napakauliran nating mga magulang na kung saan ang laging nasa isip natin ang kapakanan ng ating pamilya tulad ng: pagpaparaal sa ating mga anak, magkakaroon ng sariling bahay at lupa, makatutulong sa ating mga magulang at mga kapatid at sa iba pa at makababayad sa mga pagkakautang. Wala po tayong ibang hinahangad sa Panginoon kundi matutupad ang ating mga pangarap, mabigyan lagi tayo ng kalakasan ng katawan at mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok. At sa tuwi-tuwina, walang humpay ang pagtatawagan at paalalalahan sa bawat isa, kumustahan sa mga anak at may himig pagala-ala at pagmamahal sa bawat salitang namumutawi at ang huling katagang maririning ay I LOVE YOU MA or PA, ingat kayong lahat d'yan, bye, at may kasabay pang malutong na halik ang maririnig mo mula sa kabilang linya. Ang sarap damhin ng bawat sandali. Unang salta sa abroad, tuloy-tuloy po ang takbo ng buhay. Sa simula laging laman ng isipan ang magagandang pangarap ng pamilya at regular na nagpapadala ng pera para matustusan ang pangangailangan nila, mula sa bayarin sa upa ng bahay, sa eskwelahan, at bayarin sa pagkakautang at iba pa hanggang unti-unting nakaahon sa mga obligasyon na tila kaakibat ng ating pamumuhay. Subalit hindi nagtatapos ang pag-inog ng buhay at pagkalipas ng ilang buwan o taon, dumating ang pagsubok na hindi mo akalain na ito ang pinagmumulan upang magbago ang ang pananaw sa buhay, na tila natangay ng masamang ihip ng hangin. Ang dating masayang pamilya na punong- puno ng pagmamahalan at pag-asa, mga pangakong walang katapusan sa isat-isa ay unti-unti nang naglalaho dahil sa sigalot na hindi kayang maipaliwanag, dahil sa utos ng damdaming immoral ang siyang pinagmulan upang manlamig ang pakikitungo sa bawat isa. Dati-rati walang bukang-bibig kundi ang magagandang pangarap para sa pamilya at sa mga anak hanggang sa tuluyan nang maglaho at ang pinagbuklod ng Diyos, ay tuluyan nang nawasak dahil sa maling paninindigan. Ang kadalasang nagiging biktima ay ang kaawa-awang mga anak hanggang sa mapariwara ang kanilang buhay dahil sa mga iresponsableng mga magulang at walang ibang iniisip kundi ang sarili n'yang kaligayahan upang mapunan ang sexual na panganga-ilangan sa maling pamamaraan. Masakit tanggapin ang katototohan subalit totoong nangyayari. Ilan sa ating mga OFW at ilan din sa atin ang siyang gumagawa ng paraan upang mawasak ang magandang samahan ng mag-asawa. Maririnig mo rin sa kanilang mga labi ang nagsasabing hiwalay na sa asawa, byuda o byudo subalit siyaây nagsisinungaling at sa bandang huli nagsasabi ng totoo kapag dumating sa puntong nagkakaproblema na. Nand'yan ding sasabihin nila hindi maganda ang samahan nilang mag-asawa dahil nambabae, o nanlalaki, lasinggero, walang trabaho, walang kwentang asawa o kung anu-anong mga paninirang-puri ang siyang bukang-bibig sa kanyang asawa ang idadahilan, upang masunod lamang ang sexual na pangangailangan. Samantalang bago lumisan ay nagpapangakuan sa isat-isa, Yes, ma or pa, darling, honey magpakabait ako alang-alang sa ating pagmamahalan at sa kinabukasan ng ating mga anak. Taksil! Walang isang salita kapag umiiral na ang makamundong pagnanasa ay nakakalimutan na ang mga sinumpaan sa harap ng huwes o simbahan. Nakakaligtas ka man sa paningin ng iyong asawa, subalit nakikita ka ng Diyos ang iyong baluktot na gawa. Wala kang maililihim at darating ang panahon kokosensyahin ka ng iyong budhi. Nakalulungkot isipin, ilan sa ating mga kababayan ay ayaw nang umuwi sa kani-kanilang pamilya dahil sa kahihiyan. Dahil sa marupok na damdamin ilan na sa atin ang nawasak na tahanan at ang mga batang walang kamalay-malay ay siyang parating na dadamay. Ilan sa ating mga iresponsableng magulang ang napapabayaan ang mga anak at pati ang kinabukasan nila ay tayo na rin mismo ang sumira. Nasaan ang iyong pusoât damadamin. Mga kapatid sa pananampalataya, mga kaibigan, mga kapwa OFW, pag-isipan po nating mabuti bago tayo gagawa ng maling hakbang dahil tayo ang humuhubog ng kinabukasan ng ating pamilya. Kahihiyan ng isa, kahihiyan ng buong pamilya. 'Ika nga, sakit ng kalingkingan ay damay ang buong katawan. Aaminin natin na tayoây nagkakamali at ang pagkakamali na ito ang siyang daan upang maitama ang maling gawa at higit sa lahat huwag nang balikan ang nakakalasong kahihiyan. Kung may takot ka sa Diyos, gawin mo ang nararapat para sa iyong pamilya. Mag -isip ka, kabayan. Kung natatamaan man kita, huwag kang magalit sa akin. Hindi kita kilala. Ang sa akin pinaalalahan lang kita, malay mo kung mabasa mo ito, maumpog ka at matauhan. Iisipin mo lagi mahal ka ng iyong mga anak (nakikiusap na huwag mo silang iiwan), Mahal ka ng iyong asawa (karamay mo sa pagbubuo ng pamilya, hinihintay ang iyong pagbabalik na walang kahati). At higit sa lahat, mahal na mahal ka ng Diyos at kailanman hindi ka iiwan. God bless us all. Thank you, Ramon Aure Jr. Admin Asst/A&F Dept. KBR, Inc. C-5 Taji, Iraq
More Videos
Most Popular