ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Malungkot, madilim, malamig na Pasko sa Italy


Napakalayo dito sa duyan ng Kristiyanismo. Ni walang maulinigan na himig ng Pasko dahil sa tinatawag na panahon ng Adbiyento. Ang awit ng Pasko ay nakalaan lang sa kaarawan ni Kristo-Jesus. Sa liturgikong pananaw, tama, pero sa isang banyaga na nawili sa bayang mahal, Setyembre pa lang hinahanap na ang himig ng Pasko. Napakalungkot, madilim ang paligid at malamig. Sa bawat Misa de Gallo, alalahanin ninyo kaming Pilipino sa iba't- ibang sulok ng mundo. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Joel sa Verona, Italy (mula sa New Manila, Quezon City, Phils) - GMANews.TV