Ipinanganak na mayaman, lumaki sa hirap
Good Day to All, Ako ay ipinanganak na mayaman pero lumaking mahirap. Ang tatay ko ay pure Chinese at ang nanay ko naman ay Cebuana. Malaki ang agwat ng edad ng aking ama sa aking ina, na halos anak na ng tatay ko ang aking ina. Lima kaming magkakapatid na magkakasunod at lumaking maluho sa pamumuhay dahil sa ang aking ama ay matagumpay na negosyante. Nagsimulang gumulo ang buhay namin nang namatay siya at ako na pangalawa sa panganay ay 12 taon lamang. Walang alam ang aking ina sa pagpapatakbo sa naiwang negosyo ng aking ama kaya âdi nagtagal ay naubos lahat ang kabuhayan namin hanggang âdi na kami halos mapag-aral ng aking ina. Sa dahilang ito ako ay naglayas sa murang edad at namasukan sa isang maliit na auto electrical shop sa kagustuhan kong matuto ng trabaho kahit walang sueldo. Kahit mahirap ang trabaho ay tiniis ko ito dahil determinado ako na matuto kesa naman maging houseboy lamang. âDi naman ako nabigo at ako ay natuto at sa edad na 16 ay namasukan na sa isang trucking company bilang electrician. Sa dahilang kumikita na ako ng pera, puro barkada ang inatupag ko dahil ang mga kapatid ko naman ay namasukang katulong sa mga kamag-anak naming Chinese. Hanggang sa nasaksak ako dahil na rin sa masamang barkada. Mabuti na lang at nailigtas ako ng nakababata kong kapatid na lalaki. Dito na ako nakaisip na ituwid ang landas ko at ako ay nag-aral ng high school sa gabi habang nagtratrabaho sa araw at sa awa naman ng Diyos ay naging scholar ako at libreng nakatapos. Natagpuan ko na rin ang aking butihing asawa na isang guro at siya ang nagtulak sa akin na mag-aral ng college. Kahit mahirap ay sinunod ko siya at ako ay nag-aral sa gabi at habang nagtratrabaho sa araw, at sa awa uli ng Diyos ay nakatapos ako bilang isang Electrical Engineer at nakapasa din sa Board. Nag-Saudi ako agad sa kagustuhang bumuti ang aming buhay at dahil may isa na kaming anak. âDi naman ako pinalad sa dahilang binawasan ang suweldo namin pagkatapos ng pitong buwan at ako ay bumalik sa Pilipinas at namasukan sa isang Architectural firm. After six years, ako ay ipinadala sa Guam at nakuha ko na rin ang pamilya ko after two years. Dito na kami nagkaroon ng green card at makalipas ang siyam na taon kami ay lumipat na dito sa California. Dito na nagtapos ang aking kaisa-isang anak na babae na Magna Cum Laude sa Cal State Los Angeles na lubos naming ipinagmamalaki ng aking asawa at âdi na kami nag-aalala sa kanyang kinabukasan na âdi niya daranasin ang pinagdaanan ko. Nakuha ko na rin ang nanay ko at biyenan na babae. Pareho pa rin kaming nagtratrabo ng misis ko sa ngayon at nag-iipon na lang para sa retirement namin at may bahay na din kami sa Batangas na ipinatayo last 2003. Sana maging gabay ito sa iba na ang edukasyon, determinasyon, sipag at tiyaga ang puhunan sa pag-unlad na isang tao at siyempre kasama ang dalangin sa Maykapal na siyang magtuturo sa atin sa tamang landas sa buhay. Kaya mga kababayan, huwag mawalan ng pag-asa. Maraming salamat kung bibigyan ninyo ng puwang ang munting kasaysayan ng aking buhay mula sa Pilipinas hanggang dito sa Amerika at maaaring balik-Pilipinas uli pagtanda namin ng aking maybahay. Gumagalang, Joseph Pradel Carson,California - GMANews.TV