Na-frame up sa UAE
Hello Ma`am/Sir, I'm Mrs. Cherrilyn Sison. Sumulat po ako sa inyo sapagkat nais ko po sanang i-share sa inyo ang aking naging karanasan sa UAE. Nagpunta po ako ng UAE year 2004, up to 2006 po ako doon. August 18 nang magpunta ako sa UAE, nakareceive po ako ng visa at agad akong nagpunta ng UAE. Nagtrabaho ako doon bilang domestic helper. Sa unang lingo ko po ay mabait ang amo ko subalit nang sumunod na araw, nagbago ang ugali ng amo ko. Lumabas ang tunay n'yang ugali. Napaka salbahe ng amo kong babae, lagi na lang akong umiiyak. Wala akong ginawa kundi magdasal at umiyak. Hanggang sa natuto akong lumaban sa pamamagitan ng pagsagot. Pagkaraan ng tatlong buwan, ibinigay sa akin ng amo ko ang sahod ko, subalit ito'y kulang kaya sinabi ko na kulang ang sahod ko, 'di ko matatangap, pero sinabi sa akin na wait after few days I give your exact salary. So sabi ko, okay madam. Nang mga sumunod na araw, bigla na lang nagagalit ang amo ko kahit wala akong ginagawang masama sa kanya. Then Eid magtatapos na ang RAMADAN, lahat kami nagbihis para pumunta sa Nanay ng amo kong babae, kasi kaugalian nila pag Eid nagtitipon-tipon sa bahay ng magulang nila para don kumain. Hindi ko alam that time ay pinagplanuhan na pala nila ako. Umuwi sila ng bahay at pagkaraan ng ilang oras bumalik sila sa bahay ng Nanay n'ya para sunduin ako at pauwiin. Pag-uwi namin ng bahay nangangamoy sunog ang bahay, 'di ko alam kung saan nagmula. Nag check ako sa lahat wala pero ang madam ko diretso sa kitchen at hinawakan n'ya ang gas range, nag-init iyon, doon galing ang amoy. Tinawag n'ya agad ako. Madam: Cherry come here Cherry: Why madam? Madam: The bad smell come from here, touch the oven hot. 'Yan ang pagkakasabi ng amo ko. 'Di ko hinawakan ang gas range, natakot ako kaya 'di ko hinawakan kasi baka pagnagkataon ipa-check n'ya sa police at makita ang finger print kaya 'di ko hinawakan talaga ang gas range. Cherry: Why should I touch if it is hot Then nagpunta na ako sa room ko para magbihis. After that nagpunta ako sa comfort room para mag-toothbrush at magbihis nga. Tinawag n'ya ulit ako, ba't daw binuksan ko ulit ang gas range. Sabi ko till now madam I did not enter kitchen, so how come I can open that gas range? Then niyaya n'ya ulit ako sa bahay ng nanay n'ya. Nagpunta kami doon, then nakipagkwentuhan ako sa mga kapwa ko Pinay. Umuwi kami 10pm na. Sabi n'ya magpahinga na daw ako, kaya umakyat ako sa room ko para magpahinga, subalit 12 midnight ginising ako ng amo ko, may pupuntahan daw kami, pero 'di na ako nagbihis. Nang nasa sasakyan na ako tahimik lang ako, habang nag-uusap ang amo kong babae at ang kapatid n'ya. Nakikiramdam lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na ang pinuntahan pala namin ay police station kaya easy pa rin ako at kalmado. 'Di pa rin ako pinababa, ang bumaba lang ay ang kapatid ng amo ko. Kaming dalawa ng amo ko nasa sasakyan lang. Nang bumalik ang kapatid ng amo ko, saka na ako pinababa. Dalawa kami ng amo kong babae. Nagsalita na ang amo kong babae sa mga pulis. Nagbigay na ng statement. Then nang paalis na sila, susunod sana ako sa kanila subalit pinigilan ako ng kapatid ng amo kong babae. Sabi sa akin, Cherry stay here, dont follow, okay? Sabi ko, okay, sir. Pagkaraan ng 30 minutes saka pa lang ako nagtanong sa pulis ba't andoon ako at till when I stay here, ask ko sa police. I don't know till when. 'yun lang ang sagot sa akin ng pulis. Ask ko why I'm here, then sabi ng pulis, your madam accuse you. You leave the gas open so you want to kill them, you want them to die, sabi ng pulis. Doon na unti-unting pumatak ang luha ko. Wala akong ginawang masama sabi ko sa pulis, but your madam said you leave the gas range open till it hot so there some bomb and explosion in your house, sabi ng pulis. Sabi ko why dont you try to go to their house and check if there are some explosion that happened. That time 'di na ako gaanong makapagpaliwanag dahil hilam na ang mata ko sa kaiiyak. After two hours kong pag-stay sa police station, dinala na ako sa kulungan. Para akong binuhusan ng mainit na tubig nang maramdaman kong nasa kulungan na ako. Nais kong i-share lahat ng aking naging masamang karanasan sa UAE pero mas mainam kung maikwento ko ng personal. Sa loob ng dalawang taon na pananatili ko sa UAE, halos taon-taon ay nakulong ako. Three times ako dumanas ng kulungan, every year lagi ako nasa kulungan pero heto pa rin ako matatag. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil kahit paano nakauwi pa rin akong buhay. God Bless to your show...! Respectfully yours, Cherry