ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Malungkot ang Pasko ng Pinoy sa Germany


Dear Kapuso, Ako po si Liza B. Taga-Matalom, Leyte ako, isang Bisaya. Nakatira ngayon sa Schliengen, Germany. Isang taon pa lang ako dito mahigit. Maganda ang lugar, malapit na sa boundary na kami halos ng Switzerland at France. Dati akong teacher ng Southern Leyte, pero ang kapalaran ng tao 'di mo talaga alam kung ano ang darating. Iba ang Pasko dito. Marami ka ngang regalo, boung pamilya may matatanggap. Ang kainan sa hapunan lang, pero kahit sa amin noon mahirap pero napakasaya. Marami ka nang mabibiling Pinoy na pagkain. Punta lang kami sa Switzerland, makakakain na ako ng matamis na mangga. Pagdating ng Noche Buena, napakalungkot, open na ng regalo pero may kulang talaga. Napakalungkot ang Pasko, iba talaga sa atin kahit mahirap masaya. Wala pa nga akong naririnig na kantang Pamasko. Last year namangha ako kasi nakikinig kami ng FM statin dito, nagulat ako dahil narinig ko ang kantang anak. Napaluha na lang ako. Ngayon Pasko na naman. Sure ako malungkot uli ang Pasko ko. Kahit buo ang family ko dito, may baby na ako six months old pero iba talaga kung makapiling mo ang pamilya. Dito walang Pinoy movie maliban lang kung may computer, kaya malungkot. Kung may reporter kayo na gustong pumunta dito welcome kayo sa maliit na bahay namin. Salamat! Mabuhay po kayo. God bless! Nagmamahal na Kapuso. Liza - GMANews.TV