Iba ang Pasko kung kasama ang pamilya
Ako po si Lancel G. Mendoza, 24 years old, nakatira sa Bolbok, Batangas City. Kasalukuyan akong nagtatrabaho dito sa Riyadh. Unang beses kong mapalayo sa pamilya ko sa kadahilanang makatulong at makaipon para sa pagpapagamot sa kapatid ko. Dahil sa unang beses ko lang nakarating sa lugar na ito, naging masaya ako, iba't-ibang lugar, kaibigan, pagkain at iba pa. Limang buwan pa lang ako dito pero nararamdaman ko na ang lungkot, marahil sa papalapit na ang Pasko. Malungkot po mag-isa lalo na't malayo sa pamilya. Papalapit ang Pasko, mas nararamdaman ko ang lungkot dahil alam ko na magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko. Kumpleto ang buong pamilya, nagsiuwian ang mga kamag-anak ko galing ibang bansa. Totong iba ang Pasko kapag kasama mo ang pamilya. Walang mahirap, mayamanâ¦.lahat pantay-pantay. Kanya-kanyang klase ng selebrasyon. Simbang Gabi ang pinakami-miss ko, nariyan ang puto-bumbong, bibingka at iba't-ibang klase ng kakanin. Masaya kung kasama ang buong pamilya pero dahil sa hirap ng buhay, kailangan nating isakripisyo ang lahat ng bagay alang-alang sa kanila at lumayo upang kumita ng pera. Ang Pasko ay pag ibig, magbunyi tayo at magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Kaya't sa darating na kapaskuhan na kanyang kaarawan, hangad ko ang kaligayahan ng lahat ng Filipino saan man sa mundo. Maligang Pasko po sa ating lahat!!! Thank you, Lancel G. Mendoza - GMANews.TV