ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pasko sa Thailand


Dear Editor, Good morning po. Attached is my contribution to Pinoy Abroad (Kwentong Pamasko) section. And I hope my article finds a space. I am presently working here in Thailand. I hail from the Bicol region. Merry Christmas po sa inyong lahat diyan. Wish ko po ngayong Pasko at sa darating na New Year na sana maging peaceful na po ang ating bansa dahil where there is peace, there is love and happiness. I never lose HOPE in our country. One of these days, uuwi na rin po ako. Best regards Paano ba ang Pasko sa isang Buddhist country? Magandang araw po sa inyong lahat diyan sa GMA7, sa lahat ng kapwa ko OFW saang sulok man ng mundo kayo naroroon at sa lahat ng PINOY, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa. Sana po ang Paskong ito at ang Bagong Taong darating ay maging masaya para sa ating lahat at sana’y maging mapayapa na po ang bansang Pilipinas. Narito po ang aking maiksing sanaysay tungkol sa pagdiriwang ng Pasko. Sa isang Buddhist country po ako nagtatrabaho. Hindi na po kailangang ipaliwanag kung bakit walang Pasko rito. Bagama’t ang mga tao rito ay nakikibagay sa lahat ng klaseng relihiyon, hindi nila naiintindihan ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ganoon pa man, dito, mas naglalakihang Christmas trees, naggagandahang Christmas decors, pagkarami-raming Christmas lights ang makikita mo sa lahat halos ng department stores at iba’t-ibang Christmas carols din ang iyong maririnig. “Weird" po ba? Anyway, malaking bagay na rin ito para sa aming mga Catholics dito since this kind of atmosphere helps us “feel" the yuletide season, despite being away from home. Marami na rin po ang Filipinos dito; mga dalaga’t binata, biyuda’t biyudo, hiwalay sa asawa, may mga pamilya, may mixed marriages, etc. etc. Nakakatuwang tingnan kapag nagtitipon-tipon sila sa isang lugar at masayang nagkukuwentuhan. Kapag may mga okasyon, sa simbahan o sa Philippine Embassy, marami rin ang pumupunta. Hindi man perpekto, malakas at matatag po ang samahan ng mga Pinoy dito. Masasabi ko pong isa ako sa mga mapapalad na Filipino Catholics dito dahil nakatagpo ako ng employers who are devout Catholics. (Siguro po sa grupong kinabibilangan ko rito, ako lang ang may Catholic bosses.) So, itinuturing ko pong isa sa mga blessings ko rito ang pagkakaroon ng ganitong klaseng mga employers. At dahil nga po magka-isa kami sa pananampalataya, malaya ko pong nagagampanan ang lahat ng aking activities sa parish church where I am a regular parishioner, especially during this time of the year. Tuwing may kailangan akong gawin sa simbahan, kahit regular days, nagagawa ko po ang mga iyon, basta’t magpapaalam lamang po ako sa kanila (sa aking mga bosses.) Napakalaking bagay po na naiintindihan nila ang aking spiritual needs. At ang higit na nakakatuwa is that I and my employers’ family go to Mass together. Halos every Sunday po and every 24th of December during the Great Mass, magkakasama po kaming nagsisimba. At ngayong Pasko, sigurado po ako na makakasama ko na naman silang lahat on the eve of 24th December and after the mass, am pretty sure my boss will take us to a fancy restaurant for a sumptuous treat. Malungkot po ang Pasko kung ikaw ay malayo sa iyong mga mahal sa buhay. Kahit ano’ng haba ng usapan ninyo sa telepono or through the Internet, iba pa rin kung magkakasama kayo sa loob ng inyong tahanan at salo-salo kayo sa kahit ano’ng nakayanang ihanda para sa Noche Buena at sa mismong araw ng Pasko. But in the midst of this loneliness, I believe that God makes a way for each one of us to be happy, to allow us to enjoy His very own birthday. Merry Christmas and Happy New Year po uli sa inyong lahat. May the reason for the season, who is our Lord Jesus Christ, be the center of all our celebrations and merry-making during these holidays. Gumagalang, Aling Otik Thailand - GMANews.TV