ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

'Di bale mag-isa sa Pasko


Mula 2001 hanggang ngayon hindi ko naranasan ang masayang Pasko. 2001 nang una akong nag-abroad, sa Riyadh, Saudi Arabia, walang Christmas doon. Apat na taon na walang Christmas. Tapos dito uli sa Taiwan, two years at three months na ako dito. Malungkot na nag-iisa tuwing Pasko pero kailangang kumayod para makatulong sa mga kapatid at magulang. Alam ko na ang iba dito sa Taiwan masaya pag Christmas,.(I tell you my story, paki-usap lang na paki-protect ang real identity ko. I need to help my family pa, 'di pa tapos ang sister ko at kailangan pa ng parents ko ang tulong ko. 2005 August nang dumating ako dito. Akala ko swerte ko kasi sa una ang bait ng amo ko. Mali pala, lahat bawal, cellphone, pocketbooks, radio, off at makipagkaibigan sa kapwa. Iniinsulto ako ng amo ko pag nakiusap ako sa kanya. Ang baba ng tingin n'ya sa akin. I am sure hindi lang sa akin kundi sa lahat ng Filipino DH. Bawal din gumamit ng telepono sa bahay so that I can call my family. If she's around using her cellphone, may limit pa, 10 minutes, kung hindi ko makontak next time na lang. Reklamo pa kung bakit buwan-buwan ay nagpapadala ako ng pera. I am wasting their time daw, bakit 'di isahan na lang, Iniiwanan kami sa bahay sa 26th floor na walang susi, together with her two kids (2 years and 4 months old). She's working kasi. Uuwi nila 7pm na. Kung gusto nilang lumabas isasama din ako, mabilisan pa ihanda ang mga gamit ng mga bata, 'di pa tapos "lets go" na daw. I asked them na magpalit lang ako ng damit dahil naka pambahay lang ako at madumi na, no need na daw,no one knows me naman sa pupuntahan. Ayaw nilang maghintay sa akin kahit 5 seconds lang, maid lang kasi ako. Kung sa shopping mall naman pumunta bawal ang bumili, sabi kasi "we bring you here to take care of my kids, not to shop for yourself." Later na lang daw ako bumilik kung pauwi na ako. Sa pagkain pa, bilang n'ya ang laman ng ref. Pati itlog, every time she comes back home,check n'ya ang laman ng ref. She would ask me agad kung nagluto ako ng itlog kung kulang na, bakit daw. Kaunting bagay lang galit na, naninigaw pa, kahit sa first floor maririnig boses n'ya. Kaunting pula sa balat ng anak n'ya, tanga na daw ako. Binabayaran daw ako para mag-alaga ng anak n'ya, bakit nagkapula. Hirap intindihin..tiniis ko para lang makatulong sa pamilya ko. Kuya ko nakatapos na rin at nagtatrabaho na sa barko pero kulang pa rin kami, marami kasing utang bago nakatapos. Pangalawa ako, ang sumunod sa akin nag-asawa na, ikinasal nang nandito na ako. Ang pang-apat ko na kapatid tapos na rin at nakasakay din ng barko last year pero $200 lang ang sweldo. Ang kuya ko nag-asawa na last year at paminsan-minsan na lang nagbibigay sa mga magulang namin,farmer ang tatay namin,maliit lng sinasaka n'ya, kulang pa nga, pero kahit maliit lang 'yon napaaral n'ya kami Nakatapos kami ng kuya ko ng high school, si tatay lang lahat. After high school I went to Los Banos, Laguna to work sa isang kainan sa loob ng UP. I helped my father sa pagpaaral sa kuya ko, two years and half lang course ng kuya ko pero lubog kami sa utang kalabaw ni tatay na dalawa wala na, till ang-apply ang kuya ko sa Manila, he needed allowance. Ako lahat ang nagbibigay dahil kung galing pa sa amin, uutang uli tatay ko 10% ang tubo,kaya tiis kami ng kuya ko sa kapiranggot na alowance, utang bayad lang gawa ko para maka-training ng ayos si kuya,hanggang naka alis s'ya. After na nakasakay kuya ko sabi n'ya mag-aral ako uli ng college pero isang taon at kalahati lang kasi he went back home (kuya) and he need to go schooling uli. Wala uli kaming pera, balik ako ng Luzon para hanap uli ng pera, w/out them knowing na nag-apply ako ng Saudi as DH. How lucky I am dahil two months lang nagka-visa ako,help ko pa rin kuya ko at tatay ko sa pagpapaaaral sa mga kapatid ko. We're 6 in the family kasi, naging medyo nag-alwan ang buhay namin, kasi nakasakay uli kuya ko at nasa Saudi ako,kahit maliit sweldo doon kahit paano nakatulong naman, wala nga lang ipon. Mula lang ng may kinakasama kuya ko naging hirap uli sa amin ng tatay ko, madalang na lang ksi nagbibigay kuya ko, pero awa ni God nakatapos din at last year nga nagka-work na sister ko second year college pa lang, thanks to God). Back to my amo, tiniis ko ang pagkamasungit n'ya hangang one year and half, balde-balde na yata na luha ang nasayang ko. Naawa sa akin ibang Pinay kasi wala daw ako kaibigan...Nag Christmas ako sa kanila isang maliit na Kitkat chocolate ang binigay sa akin. Hindi ko natiis doon ang pang-iinsulto at higpit ng amo ko. Tumakas ako sa kanya sa tulong ng isang kabayan na TNT din. May amo kasi s'yang kakilala na naghahanap ng tagapag-alaga ng matanda. Nilakasan ko ang loob ko, salamat sa Diyos at mabait ang napuntahan ko, hanggang ngayon. Malungkot nga lang ang Pasko dahil hindi ko naibigay ang gusto kong eregalo sa tatay ko, matagal na n'yang gusto magkaron uli ng sariling kalabaw. Akala ko maibibigay ko ngayong Pasko, kaso napalpak pa dahil hindi nagbigay ang kuya ko ng pera sa kapatid ko na nag-aaral pa., Kahit hindi ko sana sila kapiling basta nabigyan ko lang sila nang pamasko lalo na tatay ko,...para kasing ang Pasko para lang sa mayaman at mga bata....kahit mahirap ang tago ng tago kakayanin ko na walang Pasko basta makatulong lang sa mahal ko sa buhay kahit sa edad na 32 ay wala pang matawag na sariling pamilya..(Asawa o anak). Salamat sa Web ng GMA7,...paki-protect lang ho ang pangalan ko,,,...salamat at MERRY CHRISTMAS TO ALL AND A HAPPY NEW YEAR. Nen GOD BLESS AND MORE POWER KAPUSO!!!! - GMANews.TV