Bandang Pinoy, sikat sa China
Magandang araw po sa mga bumubuo ng programa n'yo. Ako po si Ronnie Castillo. Isa po akong musikero na nagtatrabaho dito sa Yanji City, Jilin, China, kasama ang aking banda. Lahat po kami ay nagtitiis na mapalayo sa aming mga pamilya para magtrabaho dito sa malayong lugar. Tumutugtog po kami dito sa isang bar sa Yanji. Pito po kaming lahat sa banda, limang lalaki at dalawang babae. Nung nung isang taon pa kami dito na nagtitiis sa malamig na lugar. Ang hiling ko po ay para sa mga kasamahan ko at sa akin na din po na maibahagi namin sa mga Filipino ang maliit naming kontribusyon sa karangalan ng ating bansang Pilipinas. Kami po ay napili ng isang istasyon ng TV dito sa Yanji, ang Yanbian TV Channel 1 para i-represent ang Pilipinas sa kanilang palabas sa Feb. 7, 'yung araw ng Spring Festival ng mga Intsik o sa atin ay Chinese New Year. Ang palabas nila ay tungkol sa mga taong nagtatrabaho na malayo sa kanilang lugar, para pong homecoming ng mga Koreano...makakasama namin 'yung ilang mga sikat na mang-aawit ng China at Korea at kami man po ay kakanta at tutugtog. Pagkatapos ay may konting interview tungkol sa Pilipinas at makakabati din daw kami dahil ito daw ay ipapalabas sa cable, anila. Sana po ay mapansin ang aking mallit na kahilingan. God bless all of you. Ronnie Castillo Yanji, Jilin, China - GMANews.TV