GMA TV hinahanap-hanap sa Korea
Hi there kabayan, Wala lang po.. naiinis na kasi ako minsan pag pinapanood ko ang ABS-CBN dito sa Korea.. kasi no choice kami eh.. walang free ang GMA na balita or any movies na pwedeng mapanuudan ng libre. Alam n'yo naman ang Pinoy mahilig sa libre.. and indeed halos lahat kami dito nanunuod sa ABS-CBN for free.. kasi nga kung alam n'yo na 'yung telebisyon. Spreebb free access ang video dun.. ganoon din sa GMA kaso lang pagdating sa GMA 'di updated so mas maraming nanunuod sa ABS-CBN. Bakit 'di kayo mag hire ng programmer n'yo para updated lagi ang mga balita at mga palabas sa GMA kasi sa totoo lang, Kapuso talaga ako. Please lang share n'yo mga news and other GMA shows sa telebisyon. spreebb.co,.. Alam ko bawal 'yun kasi 'di nabebenta ang mga prepaid cards n'yo. And speaking of prepaid card.. naiinis ako as ABS-CBN.. kasi ginamit lang nila kami dito, kaming mga OFWs pagkatapos ng survey nila about sa TFC nila (The Filipino Channel) before wala pa 'yan eh.. so nag-survey muna sila dito sa amin. Ang daming tanong.. actually tinawagan pa nga ako sa cellphone ko almost two hours... kung anu-ano itinatanong... magkano sahod mo, ilan kayo kayo nanunuod ng ABS-CBN, anong oras ka madalas manuod, willing ka ba manuod ng TFC or mag-subscribe.. so sa madaling sabi.. nakakuha sila ng information about us, 'di ba? Dahil sa amin, ngayon meron na silang TFC dito sa Korea at mabenta din naman.. so natatandaan ko nag-promise sila na bibigyan kami ng free prepaid card kapalit ng pagsagot namin sa interview.. until now wala pa rin. 'Di naman ako umaasa.. kaso lang parang ginawa kaming mga tanga dito na parang ginamit nila as a medium for their achievements tapos kahit konting thank you wala man lang.. compliments or what so ever.. pero it's ok, 'di ko naman kailangan 'yun.. kaso lang nakakahiya naman sila. Sana kung nag-promise sila.. tuparin nila... laki na ng kinita nila sa TFC nila kahit announce lang kami sa TV wala.. hehehe kakatawa. Anyway.. please sana bigyan n'yo itong ng importansya. Gawa kayo ng channel n'yo naman.. for free.. or kahit di prepaid card din.. kasi ang mga videos from GMA is ang liit ng resolution at tapos ang daming window.. so lam n'yo naman mga tamad na din mga OFWs na magtatayo tayo pag nakahiga na eh... hehehe ok. Make something beautiful for us. Pangako susuportahan ko GMA. Mas marami manunuod sa inyo kung pipilitin n'yo lang po na pagandahin ang site n'yo. Ok.... good luck and more power to GMA. God bless E.M. Santiago - GMANews.TV