ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Tula: Sino ang Pilipinong totoo?


Sino ang Pilipinong Totoo? Ni Bernardino Viray Sa buhay nating ito, minsan lang darating Ang pagkakataong dapat ay huwag nating sayangin.. Ipaglaban, ipakita ang tunay na hangaring walang malisya Pagmamahal sa bayan na 'di pampulitika. Pagmamahal na walang hinihintay Ni anumang kapalit, pagmamahal na bukal Sa puso ito ay nanggagaling, sa puso ito ay inihahatid Kaya, bawat Pilipino dapat ay magkaisa, sa iisang layuning marangal, makabayan at maka Diyos Baguhin ang sistema, mula puso bawat isa. Hindi lamang panglabas, ang kalooban ay mas mahalaga Ang sakit ng lipunan dapat ay supilin na Ang pagbabago sa akin, sa iyo at sa lahat dapat ngayon ay gawin na. 'Di lamang sa isang tao nakasalalay ang pagbabago ng ating bansa. 'Di lamang sa isang tao, lulubog at mawawala ang ating bansa. Magtulungan, magkaisa, panahon na Filipino, gumising ka! Bagong buhay, bagong pag-asa, ang mga mali ay gawing daan sa buhay na mas maganda. Sino ang Pilipino, sino ang sasagip sa bayang lugmok na sa katiwalian.. Kung hindi ako, kung hindi ikaw, sino na nga ba? Gumising at ipaglaban ang karapatan, ipakitang may nalalaman, Huwag magbulag-bulagan, kung hindi ngayon... Kailan pa? - GMANews.TV