Pagpapakumbaba
Para sa lahat, pinakamahabang tula Kahalagahan ng kababaan ng kalooban ay patungo sa kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng ating bansa. Kung tayo man ay may kasalanan, hingiin natin ang kapatawaran Huwag natin tingnan ang ibang pagkukulang Upang 'di madagdagan ang ating mga kamalian Ating pagnilayan, ano ang dahilan Upang hindi humantong sa kaguluhan ng pamahalaan, tahanan at mamamayan. Hanapin natin ang kapayapaan na iniwan ng ating Diyos at Panginoon Sumainyo ang kapayapaan. 'Yan ang salitang iniwn at binitawan Ng ating Diyos bago lumisan dito sa sanlibutan. Ngayon, nasaan, bakit kaguluan kahit saan ang ating napapakinggan Sa pamunuan, mamamayan, tahanan at samahan ang kaguluhan Ang kaguluan ay naririyan, mga kaibigan, kababayan, kapananampalataya sa ating Diyos na buhay Iiisa ang dahilan. Kaguluhan ng buong sanlibutan, hindi malunasan ng marurunong kahit anong gawing demonstrasyon Magkaroon ng kapayapaan sa buong sanlibutan. Dahil ba sa paraan na ginagamit ang karunungan ng sanlibutan Galing sa paaralan, matatalino, nasobrahan na ng kaalaman kaya hindi malunasan kahit anong paraan, lalo lang nagrarambulan, kabila, kanan Tinuruan ang aking isipan kung inyong pakikinggan, hindi ito sariling kaalaman Tama o hindi huwag muna ako husgahan Mayroong isang dahilan lamang kung ako ay inyong uuyunan Unang dahilan ng hidwaan walang kapayapaan sa mundo, sa pamahalaan, mamamayan, tahanan at samahan. Ang ating pride, walang nagpapakumbaba Dahil lahat may pinag-aralan Mas higit sa isa't-isa dito sa lupa o kaya marunong kaysa iba Hindi magpapa-under, lalo na mayroong ibubuga Walang pakialam humantong sa kaguluhan 'Yan ang isa sa dahilan, ayaw masaktan ang pride, hindi matanggap magpakumbaba. Ang Kristyano si Kristo ang totoo nating modelo Siya ang dapat gayahin, ipinako sa krus hindi nangatwiran Nawala siyang kasalanan, hindi niya tayo hinatulan at sinumbatan Ipinakita niya hindi lang sa pangaral kanyang isinagawa Wala siyang salitang binitiwan upang tayo ay masaktan at husgahan. Mahilig tayo manghusga sa kapwa. Hindi natin alam 'yan ang isang dahilan at sa mga salita na hindi dapat bitiwan Nasaktan ang damdamin, ipinaglalaban ang karapatan Kahit humahantong sa malaking kaguluhan Hindi na pinag-iisipan maraming naapektuhan Nakalimutan na ang ating modelong si Kristo dahil nasaktan ang ego. nawa'y mag-unawaan tayo, huwag padalos-dalos Kanya-kanya tayo magnilay sa sarili Tama ba o mali ang ating ginagawa Sino tayo, sino ako. Pare-pareho tayo sa mata ng Diyos May pinag-aralan o wala, mahirap man o mayaman, pareho tayong nakatala sa aklat ng buhay Lahat mamamatay. Ako walang pinag-aralan. sunud-sunuran lamang sa luma at bagong tipan Hindi ko kinaliligtaan, pagnilayan ang Salita ng Diyos Dapat hindi lang pakinggan o ipangaral Makita sa ating buhay nawa'y sikaping isabuhay upang tayo ay mamuhay ng payapa. Ang gamot ng kapayapaan ang kababaan ng kalooban Kahit sino ka man, wala tayong karapatang magmalaki sa harapan ng ating Diyos Mahiya tayo tumawag sa kanya Ginagawa naman natin taliwas sa aral niya Lahat tayo mag-sorry sa isa't-isa Mayroon ba tayong nagawang mali sa kapwa Sa ating mga pananalita dapat tayo mag-unawaan 'Yan ang may kababaan ng kalooban. Kung nagkamali, magpatawaran, magmahalan Tapusin na, limutin na ang nakaraan Kababaan ng kalooban, sino ka man, taga saan ka man Huwag kang masasaktn kung ikaw mayroong pride chicken pa Itapon na, huwag na kumain kahit masarap Nakakasama naman sa kaluluwa Dapat iwasan na, mga kapatid sino ang dapat nagpapakumbaba ay itinataas Sino ang nagmamataas ay ibinabana 'Yan ang nakasulat sa bana na kasulatan. Bilang mga Kristiyano, aktibo sa pananampalataya, tayo na sama-sama Hindi mahirap gawin patungo sa pagkakaisa Alisin ang pride pagmamataas 'yong (pride chiocken), lahat tayo maligaya. Mahirap gamin, madaling sabihin, 'yan ay katwiran ng may alam. Salita ng Diyos pinakikinggan lamang at nakakalimutan agad dahil hindi isinasabuhay at ginagawa Panahon na mga kapatid kay Kristo, huwag natin sayangin ang pagod natin Punta dito, punta doon, simba dito, simba doon Lahat ay walang kabuluhan, nagsayang, nagpagod tayo ng panahon Hindi natin mararating ang kaharian ng ating Diyos Sabi ng kalaban welcome to my land Dagat-dagatan ng apoy impiyerno Ang pupuntahan kapag hindi natin ayusin ang ating buhay Ngayon magnilay tayong lahat, magmahalan at magpatawaran galing sa puso, hindi lamang sa nguso. Tagumpay ang pamahalaan at mamamayan kung magtutulungan Lahat magpakumbabaan, pananampalataya, walang mabuting gawa bale-wala Isipan ko tinuruan lamang ako'y sumulat ng tula Kung susundin natin tiyak ating makakamtan ang ating kahilingan Ang kapayapaan ating makakamtan Kapag si Kristo ang tingnan, hindi ang kayamanan at pinag-aralan. Malabo magkaroon ng kapayapaan kung sarili ang pahahalagahan Sikapin nating lahat suriin ang sarili natin Manalamin, may dumi sa mukha punasin Kung hindi nakita ang sarili, kapatid nakikita mo Ikaw wala ng dumi sa mukha, at nakikita mo sa kapwa ang dumi sa mukha Punasin mo dahan-dahan ng pagmamahal upang hindi sya masaktan Bagkos kalooban niya masisiyahan Mago magwalis sa ibang bakuran, unahin muna ang sariling tahanan. Para naman sa katahimikan, kapayapaan ng bayan Kung namumuno sa pamahalaan ay may kinalaman sa katiwalian Ayaw na sa iyo ng bayan, dahan-dahan mo pag-isipan Bilang Kristiyanong naturingan, mahalin ang kapwa Ikaw ay inayawan, iyong pagbigyan ang kahilingan ng karamihan Bitiwan mo ang posisyon na hawak mo Magpakumbaba, upang ikaw ay itaas ng Diyos Taong bayan ay matutuwa at makikitang tunay kang maka-Diyos Hindi lang sa salita, bagkos iyong isinasagawa Mabuhay ka sa gitna ng madla. Ako'y pagpasensyahan ninyo, Tagalog ko ay Bisaya Nawa'y maintindihan ng karamihan Salamat sa Diyos sa regalong karunungan Hindi ako nahihiya baluktot man ang Tagalog ko, naipaabot ko sa inyo Galing sa kaibuturan ng aking puso mapagpalang oras sa inyong lahat Ang inyong maliit na kaibigan at kapatid Kababayan kay Kristo, kasama ko kayo sa panalanging ito Na ang simula magmahalan at magpatawaran Upang kamtan ang kapayapaan at kaligayahan Bago dumating ang pangalawang pagbabaliok ng ating Panginoong Hesus. P.S. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng makakabasa nitong tula. Kung hindi man ninyo magustuhan ang nakasulat, patawarin ninyo ako. Sorry! Ang sino mang agree, umaayon, ikaw, hundred folds na biyaya ang darating galing sa ating Ama. God bless us all! Always watch and pray, our kalaban ay hindi natutulog, day and night. Hindi ayon sa kabutihan. 'yan ang kalaban ng sanlibutan. Kasabihan pa, peace, love not war. Mahal na araw, ngyon simula, tuluy-tuloy ang biyaya ng Diyos. Magmahalan at magkaisa upang bansa natin mahango na sa kahihiyan. Kawawa naman, puro na lang bad, wala ng good na balita nakikita sa TV at mababasa sa pahayagan. Talunin natin ang masama ng mabuti. Tayo'y magkaisa ayon sa kalooban nd Diyos, siya ang mangunguna sa atin. Thank you sa GMANews.TV. Mabuhay kayo. Pagpapalain kayong lahat ng Diyos. Pasensya na po kayo, ang haba ng aking tula. Nawa'y hindi kayo magsawa. Sa susunod, gagawa ako ng maikli na lamang. Salamat muli GMA NEWS.TV. Gina Wyss, AARGAU, Switzerland - GMANews.TV