ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Nagtagumpay sa paglalabada


Salamat sa Tide at Naabot ko Ang Aking Pangarap ni Genaro R. Gojo Cruz Marami na akong narinig at nabasang kuwento ukol sa mga labandera. Napanood ko rin noong nasa kolehiyo ako ang pelikulang “Gloria Labandera." Malapit na malapit sa akin ang kwento ng mga labandera. Pangarap ko nga ring magnegosyo ng laundry shop balang araw. Basta ‘pag kwento tungkol sa paglalaba o sa mga labandera, talagang interesado ako. Ito ay dahil ako mismo ay naging isang labandero noong ako ay hayskul. Alam ko ang bigat at hirap ng pagiging isang labandera, 'di tulad ng mga babaeng nasa komersyal ng mga sabong-panlaba na laging nakangiti at tila 'di nabibigatan kahit sangkaterba ang kanilang dapat labhan. 'Di tulad ng mga kwentong aking narinig at napanood ukol sa mga labandera, wala akong pamilyang dapat suportahan, mga anak na dapat pakainin at buhayin, o sakit na kailangang pagalingin. Dagdag pa, madalas na laging babae ang pumapasok sa isipan kapag pag-uusapan ang paglalaba bilang isang hanapbuhay. Iba ang sitwasyon ko dahil isa akong lalaki at isang teenager pa lang noon. Ngunit tulad ng lahat ng labandera, taglay ko rin ang pag-asa at ang maganda’t makulay na pangarap. Gusto ko talagang makatapos ng hayskul. Sa isang pribadong paaralan ako nag-aaral, kaya kailangan kong makaipon para sa aking buwanang matrikula. Tanda ko, 100 piso ang bayad sa akin sa para isang sakong damit. Si Aling Aida ang nagpapalaba sa akin. Siya ay may isang maliit na karinderya sa aming lugar. Kasabay ng pagbibigay niya ng isang sakong labada ang pagbibigay ng isang baretang Tide at 3 pakete ng noon ay Tide Ultra. Bilang isang teenager, pagsasayang talaga ng oras para sa akin ang pagtambay, ang matagal na panonood ng tv at pakikinig ng music, ang pamimisikleta o paggala kung saan-saan. 'Di ko pinalilipas ang maghapong walang ginagawa. Inatupag ko ang pag-aaral at paglalabandero. Ang aking mga Sabado at Linggo ay nakalaan sa paglalaba ng damit nina Aling Aida. Naging kaulayaw ko noon ang malalaking batya, timba, palo-palo at poso, ang mabibigat na pantalon, kumot, kobre-kama at kung anu-ano pa. Nagkusot ako. Hinarap at binaka ang mga bula at problema. Nagtanggal na malulupit na libag at mababagsik na mantsa. Nagkula. Nagbanlaw. Nagbanlaw. At nagbanlaw. Nagsampay. Nakadama ng matinding pagod. Natututong maghintay. Nagdasal na sana’y 'di umulan at sumikat nang matindi ang araw. Nagtupi ng mga damit na parang dinaanan ng plantsa. Pagkatapos, ihahatid ko na ang mga nilabhan kong damit kay Aling Aida nang ayos na ayos, kipkip ang pag-asang makakamit ko rin ang aking pinakamimithing pangarap. Buti na lang at nagkakaroon lagi ako ng panibagong sigla at lakas. Talagang 'di ko naging problema ang pagbabayad sa aking matrikula. Kayang-kaya ko itong bayaran. 'Di ko kinaawaan ang aking sarili at lalong-lalo 'di ako nakadama ng pagkainggit sa aking mga kaklase na noo’y nahuhumaling sa pakikinig sa Eraserheads at Rivermaya, sa paglalaro ng kanilang Tamagochi, pagpindot sa noo’y usong-uso at makukulay na pager at iba pa. Nagtatapos din pala ang lahat ng hirap! Nakatapos ako ng aking pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Ngayon, hawak ko na ang aking pangarap. Kay sarap nitong hawakan at damhin lalo na’t tunay na pinaghirapan at pinagsumikapan. Walang pangarap na ibinibigay nang libre. Natutunan ko talagang walang shortcut sa pagkakamit ng pangarap. Lahat ng pangarap ay pinaghihirapan. Tuwing babalikan ko ang aking pagiging labandero, nangingiti ako. Kung 'di ko siguro pinagbuti ang aking paglalaba, tiyak na 'di magpapalaba sa akin si Aling Aida at lalong 'di ko makakamit ang maayos na buhat at panatag na kalooban. Salamat sa sangkaterbang labada na tumulong sa akin upang maging matatag. Salamat sa bawat pagsikat ng araw na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Salamat kay Aling Aida na 'di nagdalawang-isip na ako’y kunin upang ako’y kanyang maging labandero. Salamat sa kahirapan dahil nasukat ko ang aking kakayahan. At salamat sa Tide na aking naging katuwang sa mga panahong tila kay layo ng aking mga pangarap. Salamat nang walang hanggan at di mo ako iniwan. Ito ang aking totoong kuwento, ang kuwento ng aking tagumpay! Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro sa Philippine Normal University at De La Salle University-Manila. Premyadong makata at manunulat ng mga kuwentong pambata. Nagtamo ng mga gantimpala tulad ng Palanca, Gawad Ka Amado, Gawad Collantes sa Pagsulat ng Sanaysay, PBBY-Salanga Writers’ Prize at dalawang ulit na naging Makata ng Taon, 2004 at 2007. Awtor ng mga aklat-pambata, tulad ng Ang Lumang Aparador ni Lola, Si Nanay Mining at Ang Tatlong Kuting, Bahaghari, Mga Laruang Papel, Ang Aking Pamilya, Ang Aking Paboritong Meryenda at Ang Sulatan. Siya pa rin ang naglalaba ng kanyang mga damit dahil sa paglalaba niya nabubuo ang mahahalagang plano sa kanyang buhay. Maaari siyang sulatan sa: bayanghikahos@gmail.com -- GMANews.TV Salamat sa Tide at Naabot ko Ang Aking Pangarap ni Genaro R. Gojo Cruz Marami na akong narinig at nabasang kuwento ukol sa mga labandera. Napanood ko rin noong nasa kolehiyo ako ang pelikulang “Gloria Labandera". Malapit na malapit sa akin ang kuwento ng mga labandera. Pangarap ko nga ring magnegosyo ng laundry shop balang araw. Basta ‘pag kuwento tungkol sa paglalaba o sa mga labandera, talagang interesado ako. Ito ay dahil ako mismo ay naging isang labandero noong ako ay hayskul. Alam ko ang bigat at hirap ng pagiging isang labandera, di tulad ng mga babaeng nasa komersyal ng mga sabong-panlaba na laging nakangiti at tila di nabibigatan kahit sangkaterba ang kanilang dapat labhan. Di tulad ng mga kuwentong aking narinig at napanood ukol sa mga labandera, wala akong pamilyang dapat suportahan, mga anak na dapat pakainin at buhayin, o sakit na kailangang pagalingin. Dagdag pa, madalas na laging babae ang pumapasok sa isipan kapag pag-uusapan ang paglalaba bilang isang hanapbuhay. Iba ang sitwasyon ko dahil isa akong lalake at isang teenager pa lang noon. Ngunit tulad ng lahat ng labandera, taglay ko rin ang pag-asa at ang maganda’t makulay na pangarap. Gusto ko talagang makatapos ng hayskul. Sa isang pribadong paaralan ako nag-aaral, kaya kailangan kong makaipon para sa aking buwanang matrikula. Tanda ko, 100 piso ang bayad sa akin sa para isang sakong damit. Si Aling Aida ang nagpapalaba sa akin. Siya ay may isang maliit na karinderya sa aming lugar. Kasabay ng pagbibigay niya ng isang sakong labada ang pagbibigay ng isang baretang Tide at 3 pakete ng noon ay Tide Ultra. Bilang isang teenager, pagsasayang talaga ng oras para sa akin ang pagtambay, ang matagal na panonood ng tv at pakikinig ng music, ang pamimisikleta o paggala kung saan-saan. Di ko pinalilipas ang maghapong walang ginagawa. Inatupag ko ang pag-aaral at paglalabandero. Ang aking mga Sabado at Linggo ay nakalaan sa paglalaba ng damit nina Aling Aida. Naging kaulayaw ko noon ang malalaking batya, timba, palo-palo at poso, ang mabibigat na pantalon, kumot, kobre-kama at kung anu-ano pa. Nagkusot ako. Hinarap at binaka ang mga bula at problema. Nagtanggal na malulupit na libag at mababagsik na mantsa. Nagkula. Nagbanlaw. Nagbanlaw. At nagbanlaw. Nagsampay. Nakadama ng matinding pagod. Natututong maghintay. Nagdasal na sana’y di umulan at sumikat nang matindi ang araw. Nagtupi ng mga damit na parang dinaanan ng plantsa. Pagkatapos, ihahatid ko na ang mga nilabhan kong damit kay Aling Aida nang ayos na ayos, kipkip ang pag-asang makakamit ko rin ang aking pinakamimithing pangarap. Buti na lang at nagkakaroon lagi ako ng panibagong sigla at lakas. Talagang di ko naging problema ang pagbabayad sa aking matrikula. Kayang-kaya ko itong bayaran. Di ko kinaawaan ang aking sarili at lalong-lalo di ako nakadama ng pagkainggit sa aking mga kaklase na noo’y nahuhumaling sa pakikinig sa Eraserheads at Rivermaya, sa paglalaro ng kanilang Tamagochi, pagpindot sa noo’y usong-uso at makukulay na pager at iba pa. Nagtatapos din pala ang lahat ng hirap! Nakatapos ako ng aking pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Ngayon, hawak ko na ang aking pangarap. Kay sarap nitong hawakan at damhin lalo na’t tunay na pinaghirapan at pinagsumikapan. Walang pangarap na ibinibigay nang libre. Natutunan ko talagang walang shortcut sa pagkakamit ng pangarap. Lahat ng pangarap ay pinaghihirapan. Tuwing babalikan ko ang aking pagiging labandero, nangingiti ako. Kung di ko siguro pinagbuti ang aking paglalaba, tiyak na di magpapalaba sa akin si Aling Aida at lalong di ko makakamit ang maayos na buhat at panatag na kalooban. Salamat sa sangkaterbang labada na tumulong sa akin upang maging matatag. Salamat sa bawat pagsikat ng araw na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Salamat kay Aling Aida na di nagdalawang-isip na ako’y kunin upang ako’y kanyang maging labandero. Salamat sa kahirapan dahil nasukat ko ang aking kakayahan. At salamat sa Tide na aking naging katuwang sa mga panahong tila kay layo ng aking mga pangarap. Salamat nang walang hanggan at di mo ako iniwan. Ito ang aking totoong kuwento, ang kuwento ng aking tagumpay! Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro sa Philippine Normal University at De La Salle University-Manila. Premyadong makata at manunulat ng mga kuwentong pambata. Nagtamo ng mga gantimpala tulad ng Palanca, Gawad Ka Amado, Gawad Collantes sa Pagsulat ng Sanaysay, PBBY-Salanga Writers’ Prize at dalawang ulit na naging Makata ng Taon, 2004 at 2007. Awtor ng mga aklat-pambata, tulad ng Ang Lumang Aparador ni Lola, Si Nanay Mining at Ang Tatlong Kuting, Bahaghari, Mga Laruang Papel, Ang Aking Pamilya, Ang Aking Paboritong Meryenda at Ang Sulatan. Siya pa rin ang naglalaba ng kanyang mga damit dahil sa paglalaba niya nabubuo ang mahahalagang plano sa kanyang buhay. Maaari siyang sulatan sa: bayanghikahos@gmail.com