What is backdoor exit?
I just want to say my piece on the issue of "legal deportation process" that Consul General Ezzedin Tago in Jeddah pushed as a way of repatriating 100 runaway Filipinos who have been stranded for months in Jeddah. (Source: GMANews.TV) Reaction : Allow me first to explain to you the process of this so called backdoor deportation. What is backdoor deportation? Backdoor deportation is the illegal means of deporting OFWs from KSA. Ang sistema dito ay magpapalit ng pangalan ang OFW na gustong magpa-deport from Christian name to a Muslim name. Palalabasin na ang OFW ay galing sa Hajj at Umrah at nag-overstay. Take note na may yearly repatriation (amnesty) sa overstayers ng Umrah at Hajj at ito ang tine-take advantage ng backdoor deportees. Who patronizes backdoor deportation? - 'yung may mga kaso na at temporary na nakalaya dahil may guarantor. - 'yung mga takas sa kanilang mga amo sa iba't-ibang kadahilanan. - 'yung may mga kasalanan sa batas, katulad ng nabuntis ng hindi n'ya asawa. - at mga may iba pang kaso katulad ng murder, paggawa ng alak, pagbebenta ng droga at iba pa. - hindi rin natin maipagkakaila na may mga totoong distressed at abused na OFWs na nagpa-patronize ng backdoor, pero natatagalan sa proseso ng kaso dahil walang ginagawa ang ating embahada or konsulada. Meron ding mga kaso na taga-embahada din mismo ang nag-advise sa OFW na papasok na lang sa backdoor. Paano ito ginagawa? Sasakay ng trailer truck papunta sa Jeddah, at pagdating sa Jeddah ay maghihintay ng deportaion bus sa Al Khandara bridge. Kadalasan bago pumunta sa Al Khandara bridge ay ilalagay muna ito sa bahay. Marami sa mga kababaihan ang naabuso minsan kahit sa trailer pa lang. At dahil takas or may kasalanan sa baas, ay pwede na lang tatakutin at biktimahin. Paano ito malalapitan ang mga gumagawa ng backdoor deportation? Sa mga lugar kung saan maraming Filipino katulad ng Batha at minsan sa labas ng embassy. Minsan mga grupo na ginagamit ang pangalan ng embassy para makakuha ng pasahero. Magkano naman ang hininging kabayaran sa bawat OFW na gustong pumunta ng backdoor? Hndi bababa sa 1500SR (P16, 500). Kailan ito natiktikan ng authorities ng Saudi Arabia? Natiktikan ito ng government noong may isang Filipina na may asawang Saudi at umalis ng KSA kasama 'yong tatlong anak nila. Walang trace. Ano ang naging resulta ? Marami ang mga stranded last May 2007. CMA, OFW-SOS and our media friends ang nakatutok sa repatration na 'yon. Medyo nagtagal na sila sa tulay at umabot ng 110, which prompted us to advise them to proceed to the consulate. At dahil sa media friends in Jeddah, napilitan silang i-accommodate ng consulate. Thanks to Ka Bong, Ka Romy and Ka Charles. At noong inilabas ng media na na-accommodate, dumagsa ang maraming stranded na galing din mostly sa backdoor at sila ay umabot sa mahigit isang libo. (This event also happened noong nag-issue ang Saudi government ng amnesty for the overstayers na galing sa Hajj at Umrah). Pagkatapos ng unang repatriation ng stranded Filipinos, patuloy pa ba ang backdoor? Patuloy pa rin 'yong truck drivers at 'yong mga Filipino runaways na mag-gamble sa ganito na sistema. Sa halagang 1800 (roughly P20,000) ay ganun pa rin ang proseso ng mga Filipinong ito. Pero ang problema, the Saudi immigration authorities ay hindi na pwede. alam na nila kung totoong Muslim na nag-Umrah or Hajj or nagmu. Muslim-Musliman lang. Ang nangyari ay itong legal process. Kung sakali ang runaway ay galing sa Riyadh, he has to stay in Jeddah deportation area para i-check if wala ba s'yang maling records doon then sa Riyadh. If ever absconder at ipina-blotter ng amo ay malamang magkakaproblema ang OFW. Do we have a case na ganito? Yes, please check Marcus Serrano case. Nasa probationary period pa, which means if naireklamo kaagad ay pwede pang mapauwi ng agency dahil may violation ang kanyang amo, like pinagmaneho ng sasakyan na walang lisensya pero sa halip na lalapit sa POLO, naunahan ng mga taga-engganyo para sa backdoor deportation, at tumakas. Ipina-blotter siya ng amo. Pagdating sa Jeddah ay nahuli ng deportation police ng Jeddah. Nag-stay muna siya doon para i-check kung may records ba, then inilipat sa Riyadh at nag-check din kung may records ba, then balik sa Dammam. Kung sana ay na-educate lang ng maayos si OFW Marcus Serrano tungkol sa kaniyang karapatan ay malamang hindi ito nangyari sa kanya. We are waiting for our government, embassies and consulates to expose this modus operandi dahil mapapahamak lang ang ating kababayan and yet wala pa rin silang ginawa. Until dumating na naman ang next na Hajj. Akala siguro may amnesty na naman kaya dumami na naman ang nagsipunta sa Jeddah Al Khandara bridge. At heto na ang panibagong problema. Hindi ito matitigil kung walang gagawin ang ating gobyerno. After the last mass repatriation may backdoor pa rin ba ? Yes, just last week may trailer truck driver na pinatay daw ng kapwa trailer truck driver dahil sa agawan ng pasahero para sa papunta sa backdoor. Suggestions : 1. Educate and empower our OFWs tungkol sa mga procesong ito sa PDOS )pre-departure orientation seminars) or sa tri-media, para mawala na 'yong ignorance and stupidity. Educate them sa kanilang karapatan, sa mga batas, sa tradisyon, kultura at relihiyon. 2. Install responsible government officials para 'yong iba ay hindi na tatangkilik ng backdoor dahil tinutukan na ng embahada at consulate at hindi lalala ang problema. 3. Tanggalan ng lisensya ang irresponsible recruitment agencies. 4. Dapat our government, the embassy and consulate must expose this backdoor modus operandi para matigil na ang mga ito. Henry Migrants' rights advocate Saudi Arabia - GMANews.TV