ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

OFW tambayan sa Hong Kong, anong say mo?


Ano ang tingin ng OFWs sa 'tambayan' ni PGMA sa Hong Kong? Noong nakaraang pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Hong Kong, pinasalamatan niya ang overseas Filipino workers at sinabing dahil sa pagtulong nila sa kanilang pamilya ay tinutulungan na rin nila ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil na rin dito, ang 2007 “ang pinakamagandang taon para sa ekonomiya ng Pilipinas sa mahigit tatlumpung taon," ang sabi niya. Sanhi na rin nito ang paglakas ng piso, at ang paghina naman ng dolyar na kinikita ng OFWs. Para tulungan ang OFWs ay inatasan ni Arroyo ang mga institusyong pinansiyal sa kanyang gobyerno upang gumawa ng mga paraan upang lubos na mapakinabangan ng OFWs ang kanilang kinikita. Matapos din makipagkita ang Pangulo sa iilang OFWs sa Hong Kong ay pumayag itong magtayo ng OFW desk sa mga local government units kung saan maraming umaalis upang mag-OFW at magkaroon ng OFW ward sa mga government hospitals. Bukod pa dito ay inatasan din niya ang OWWA sa pamamahala ni Marianito Roque na magtayo ng 'Tambayan' na gagawin na ring OWWA Center na maaaring gamitin ng OFWs upang paglipasan ng oras. Sa oras na lumabas ito sa mga pahina ng mga dyaryo sa Pilipinas ay mabilis ang mga naging reaksyon ng mga OFW sa Hong Kong. Ito ang sinabi ng ilan sa OFWs na nakausap nina Tessie A. Agsipo at Gina N. Ordona. Medie Borlaza, presidente ng DOMO-HK at Luzon Federation Hindi ako pabor dito. Kung gagastos lang din naman, bakit hindi na lamang kumuha ng mga abogado para ipaglaban ang mga nakakulong para makauwi na sa atin kasi pera din naman ng OFWs ang gagamitin para itayo ang tambayan. Marami pang bagay na mas importante at dapat pag-ukulan ng pansin. Instead na tambayan, bakit hindi abogado o doktor ang ipadala nila? Bakit hindi magpadala ng mga doktor tulad ng OB Gyne para i-monitor ang kalusugan ng mga kababayan, o pyschologists na magbibigay ng counseling to avoid depression and anxiety among OFWs. Noon bakit may mga doktor? Ngayon, nasaan na sila? Pero, kung magkakaroon man ng tambayan at kung hindi lang din ito sa Central area ay para saan pa daw ito dahil mapapalayo rin ang OFWs. Ngayon pa nga lang daw ay marami na ang nalalayuan sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town. Glo Telan, president eng Balikatan sa Kaunlaran na may 15 affiliated associations sa HK Pabor ako sa tambayan kung makakakuha ng magandang pwesto na all in one. Pero, kung hindi naman accessible sa lahat, hindi rin ako pabor. Mabuti iyong ganoon, makakatambay doon iyong mga kababayang nasa Central na nakaupo lang doon, iyong iba na gumagawa ng nakakasira sa tingin ng ibang lahi tulad ng pagsusugal sa isang sulok. Kung pupunta sila sa tambayan, baka mapasali pa sila sa grupo na may ginagawang productive. Lorna Pagaduan, presidente ng Filipino Nurses Association Ang tanong, maa-accommodate ba ang lahat ng nakaupo sa Central mula sa Chater hanggang bus 13 or baka naka-specify na naman ulit kung sino lang ang makakapunta sa tambayan na tulad noong nangyari na kakaunti lamang ang dumalo sa meeting with the President? Maganda iyong pakay kasi totoo namang nakaka-degrade iyong minsang nakaupo doon tapos pinapaalis so kung magkakaroon ng one-stop shop, at least mabibigyan ng isang araw sa isang linggo na maging comfortable ang OFWs. Pangalawa, sino ang magbabayad nito? Kung gobyerno ng Pilipinas, ikakaltas na naman iyon sa pamamagitan ng buwis. Bakit hindi na lamang makipag-coordinate sa HK government kung ano ang mas magandang gawin at hindi iyong maglalabas na naman ng pera ang Philippine government para d'yan. Cora Bobadilla, presidente ng Asian Sports Entrepreneurship Culture Association Hindi ako pabor sa tambayan kasi marami naman diyan. Kung magtatayo nga sila ng tambayan, dapat iyong maa-accomodate lahat ng OFWs. Kaya ba nila iyon? Kung iilang tao rin naman, para saan pa na nagpatayo ng tambayan? Kung nagpatayo din sila at nalaman ng HK, baka pagbawalan na rin ang mga tumatambay sa kung saan saan dahil may tambayan na naman sila. Dapat ang pag-ukulan ng pansin ay iyong pagbaba ng bilihin sa Pilipinas nang sa ganoon ay magkaroon ng halaga ang sinusweldo ng OFWs o hindi kaya ay magpadala ng doctor o health assistance. Aura Ablin ng Mindanao Federation Given the population of OFWs in HK, you cannot put them all in one place. Hindi ako pabor. Baka in the end, ang magbe-benefit ay one or two persons lang. Bakit hindi na lamang gamitin ang pondo at ilaan sa mga pamilya ng OFWs na nadisgrasya, o bigyan ng scholarship ang mga bata. Kasi iyong mga nakaupo sa daan sa Central ay normal na. Kung ang HK government nga, accepted na nila iyong nakikita nila so kung mayroon mang magbibigay ng tambayan, it’s the HK government siguro kung makakasira sa tourism nila. We are just passers by in HK. In time, uuwi din so aanhin iyong tambayan? Adelaida Mogol, presidente ng Marinduque Migrant Workers Association Hindi ako pabor sa tambayan dahil mas marami namang dapat na talakayin na issues. Marami naman kasing mapagtatambayan. Siguro, mas nakakabuti na pagtuunan ay iyong mga magagandang proyekto na pangkabuhayan na concerned sa lahat ng OFWs at ng kanilang pamilya. Mayroon namang Bayanihan Centre na tambayan, ok na iyon. Ang mga issue na dapat pagtuunan ay iyong magpupuno sa pangangailangan ng OFWs tulad ng salary increase. Dapat din ay mabigyan ng pagkakataon ang matatagal na dito na magkaroon ng right of abode. Iyong two-week rule ay dapat maalis para mabigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga nate-terminate kasi nakakaawa naman sila lalo na kung may mga anak silang pinag-aaral. Dapat bigyan tayo ng doktor o social worker para may mag monitor sa atin. Ibalik din ang leaders’ forum para magkaroon ng ugnayan ang komunidad sa konsulado at para malaman kaagad ang issues na dapat talakayin. Gusto lang niyang mag-react on stock exchange and reception: Si Maritess Elvinia, ang external coordinator ng St. Ann Stanley Church, ay parehong dumalo sa seminar at sa reception with PGMA. Aniya, nandoon daw siya hindi dahil sinusuportahan niya ang Pangulo nguni’t para pakinggan ang kanyang sasabihin at bilang respeto na rin sa Konsulado na nagbigay ng imbitasyon sa kanya. “It’s a pleasure na isa ako sa naimbitahan, pero hindi ako satisfied." Hindi ako satisfied. Hindi ko ine-expect na ganoon (investments, business initiatives) ang sasabihin ni PGMA. Marami na rin siyang pangako na hindi natutupad. Parang hindi iyon iyong appropriate venue to discuss about business. Sa stocks naman, kailangan nito ng monitoring. Paano naman namin mamo-monitor iyon? Kung nagpapa-seminar sila ng ganoon dapat hindi gahol sa oras o nagmamadali. Dapat ginawa nila ito sa Bayanihan Centre para maimbitahan lahat. Sasabihin nilang para sa OFWs, pero karamihan naman ng nandoon ay mga residente. Sana iyong mga invitation ay para sa OFWs. Kung gusto ng Pangulo na mapakinggan ang OFWs. Iilang tao lang ang kailangan diyan: mga kinatawan ng Migrante, church, civic organizations, media at si Cora Carsola bilang ina ng OFWs. Dapat kumuha sila mula sa iba’t ibang grupo. Hindi lang naman GMPA ang grupo dito. -- Daisy CL Mandap