ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Panawagan mula sa Iraq


Sir/Madam, Please hear us. Kami ang mga OFW umalis sa atin noong 2004 papunta dito sa IRAQ. Nakaalis na walang binayaran kahit isang sentemo sa ANGLO pinagkakautangan namin ng loob. Alam ba ninyo kung pinayagan lang ng pamahalaan natin makapunta ang mga kababayan natin dito laking dolyar ang maiipapasok ng legal at ‘di sa bulsa ng walang kabusugan matatalinong buwaya diyan sa atin. Ang masakit pa dito ang PPI ay hindi mo masising magalit sa pamahalaan at kasama na din kaming mga worker nilang natitira na lang dito,dahil pag nahuhuli nila ang mga papunta dito ginawa na nilang gatasan ang company ng PPI saan napunta ang pera sa kaban ba ng bayan hindi. Sayang ang mga taon diyan dito kikita ka ng $700 sa Iraq at ang trabaho di tulad ng mga katulong sa ibang lugar na para kang kalabaw maalwan ang work dito at di ka pa maaabuso ng amo o ma-rape. Ang PPI lang ang company na kahit matanda kana ay pwede ka pang mag-trabaho ang edad 48 may 50 sa mga babae. Ang datos ng mga pinoy dito konte na lang mas marami ngayon Nepal at Indian. Maraming company ngayon ang nagsulputan na dito dina PPI na lang may AIMS ,DYNA CORP,FLOR at AFFES,sana kung ma-legal ito kaming mga 4yrs na sa company ay mataasan ang sahod man lang at masama kami sa policy as a worker. Ang hirap umunawa ng pamahalaan natin ukol sa mga OFW diyan naman wala silang maibigay na trabaho dito sa IRAQ kahit papaano sa PPI nakaipon kami may naipundar kahit konte yun nga lang tiis kang di umuwi ng bansa dahil sa takot na dina makabalik sa work. Malaking opportunity ang mag-work sa loob ng base ng mga sundalo dika pagod bukod doon bilang housekeeping noon 2004, nabigyan ang ibang maging skilled 2007 work ako bilang Administrative Asst sa HQ sa KBR diba sayang diyan sa atin kung dika tapos dika makahawak ng computer.Dito tiyaga lang at talo ka pag nalungkot ka kaya pasalamat ako sa Anglo at sa PPI dahil sa kanila may magandang kinabukasan ang mga anak ko. Ang mga kababayan nating gusto din makalabas at makapunta dito nawalan na sila ng pag-asa dahil ang PPI mas gusto na nilang kunin ang Nepal at Indian ilang libo na sila dito at kaming mga natitira ay nasa 300 hundred na lang ata na PPI konting tiis ika nga hanggat kaya pa ang lungkot. Wala sa ayos ang POEA mas gusto nilang ang mga OFW ay mapunta sa bansang inaabuso sila mga asa death row ngayon kung dito sila mas maganda ang kikitain nila kumpara sa katulong . Nais ko lang maibahagi sa inyo ito at nawalan na din kami ng pag-asang mawala ang BAN dito sa Iraq apat na taon (4yrs) at mabasa ito ng mga nakaupo diyan sa POEA. Galing din ako sa Singapore 1990 katulong noon doon pero mas maganda ang naging kapalaran ko dito sa Iraq work sa KBR.Di ako natakot sa mga mortar na dumarating dito mas natakot akong mamatay sa gutom diyan sa ating bansa. Sana mapansin itong sulat ko at mapaabot sa gumagawa ng nga batas diyan ukol sa mga OFW maging makatao, wala silang karapatan pumigil sa karapatan ng mga mamayan kung saan nila gustong pumunta. Best Regards, Teresa Regis IRAQ: Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka d’yan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa Pinoy Abroad. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda ‘yon? ‘Yan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming Salamat Po Mga Kapuso!