May pag-asa pa ba ang Pilipinas?
Magandang araw po sa lahat. Araw-araw po akong nagbabasa ng balita dito sa web ng GMA 7. Araw-araw ding masama ang loob dahil sa nangyayari sa bansa natin. Taas nang taas ang langis pati mga bilihin, bumababa naman ang dolyar. Kahit menor de edad gusto nang makipagsapalaran sa ibang bansa para lang makatulong sa mahal sa buhay. Kahit na hindi nila alam kung ano ang madadatnan at kahahantungan ng kanilang pag-a-abroad lalo na âpag sa Middle East ka mapunta. Wala na po bang pag-asa na umunlad pa ang ating bansa? Puro na lang ba bulsa ng mga nakaupo ang uunlad? Paano na lang po kaming mamamayan? Nasaan na ho ang mga pangako nâyo? Nakakahiya na po na ang bansa natin magulo at naghihirap. Ang employer ko nagtatanong bakit ganoon? Dito sa amin ganito, ganon pwede rin namang gawin yan sa inyo âdi ho ba nakakahiya? Kaya ho ang baba ng tingin ng ibang lahi sa ating mga Pilipino eh lalo na sa aming mga OFW na nagtatrabaho sa bahay. âDi pa rin ho ba natin nakikita ang ibang OFW na umuwing luhaan at talunan? Sino ho ba ang dapat gumawa ng hakbang para umunlad ang bansang Pilipinas? Sino ho ba ang dapat singilin? Bakit po dumadami ang patayan, nakawan, holdapan at rape sa ating bansa? âYan ho ba ang magandang ipamana sa mga kabataan? Wala na ho bang pag-asa na umunlad at magkaroon ng kapayapaan ang ating bansa? Sa mga namumuno ng ating bansang Pilipinas, magkaisa na po kayo at lutasin ang problema ng ating bansa. Maawa ho kayo sa mga mamamayang Filipino. Wala hong imposible basta tulong-tulong at may panalig sa Panginoon. Salamat po. More power to GMA 7. Nenen of Taiwan Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka dâyan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa PinoyAbroad ng www.gmanews.tv. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda âyon? âYan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming Salamat PO Mga Kapuso!