ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Sa Singapore nakamit ang tagumpay


Hi everyone, I always find time to read all the OFW stories in this website. And it’s good to know that sometimes what other person experience is base on my own experience too. Sa mga kwento nyo ako pumupulot ng lakas ng loob. I want to share you my story...You may find it boring but then i hope somehow I can touch your life. I’m Angela, 22 years old....currently working here in Singapore as a Assistant Manager in one of the well known fast food restaurant all over the world. Singapore is the best place for me. Sobrang safe ng lugar na ‘to. And pantay-pantay ang opportunity para sa mga tao. Sa katotohanan ang mga Pinoy dito mas mataas pa posisyon kesa sa mga local. Sa Australia dapat ang destination ko actually. Doon ko sana tutuparin ang mga pangarap ko. Pangarap na makapagtrabaho sa isang sikat na hotel. Kaya lang naloko ako ng isang agent matapos akong magbayad ng kulang P200,000 nawala na parang bula. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa ng mga panahong ‘yon. Hindi birong halaga ang nawalang pera na hindi ko pinaghirapan - kundi ng Tatay ko na nagtrabho sa Saudi ng kung ilang taon - mabigyan lang ng katuparan ang pangarap ko na makapag-abroad. Walang araw na hindi ako umiyak at naghanap ng sagot sa Diyos kung bakit ito nangyari sa akin. Hindi ko alam kung papaano ako ulit magsisimula. Hanggang sa naisipan kong pumunta sa Manila upang maghanap ng trabaho. Sa kabutihan ng Diyos nakahanap kagad ako ng trabaho bilang Supervisor sa isang restaurant sa Cariedo. Doon ko nadama ang hirap. Nakatira sa boarding house na masikip at mainit. Kasama ng ibang tao na hindi ko kakilala at kung mamalasin pa - pinagkatiwalaan mo na, nanakawan ka pa. Wala akong magagawa kailangan ko makaipon para muling makapag apply sa ibang bansa. Araw-araw akong dumadaan sa Quaipo upang magdasal. Sabi ko sa Diyos hindi ko alam kung ano ang plano nya sa’kin. Lahat ng gustuhin ko ay hindi nagaganap. Sabi ko sa kanya siya na ang bahala. Dahil contractual lang ako. Kailangan ko na naman maghanap ng trabaho.Hanggang sa meron isang mabuting tao na nagmagandang loob na tulungan ako. Nagta-trabaho siya rito sa Singapore. Inimbitahan nya ko na pumunta rito at upang sa gayon ay makapaghanap ako ng trabaho. Hindi naging biro ang lahat para sa akin. 21 years old pa lang ako that time and wala pang 1 year na graduate ng college. Sinubukan ko na maghanap ng trabaho sa Hotel, restaurant o kahit clerk sa office, ilang interviews ang nasabakan ko, naghintay ng tawag ng mga employer hanggang sa naghintay lang ako sa wala. Pero hindi ako sumuko. Patuloy pa rin akong naghanap ng trabaho. Lahat ng hirap pinagdaanan ko, tinitiis ang paglalakad sa ilalim ng init ng araw o sa lakas ng ulan. Nagtiis ng gutom makatipid lang dahil wala akong sapat na pera ng mga panahong yun. Pagpunta ko rito sa Singapore, 1 month lang ang ibinigay sa akin na visa. Kaya kailangan ko na mag exit sa Malaysia para pagbalik ko rito makakapag-stay pa ko nang 14 days. Sa Malaysia puno rin ng pagsubok ang dinaanan ko, na-hold ako ng immigration. Napagkamalan ako na nagbebenta ng aliw (madami kasi sa mga Pinay dito ang ganun). Mabuti na lang after 30 minutes na pag stay ko sa immigration office pinalabas na rin ako. Nag-stay ako ng 3 days sa isang mumurahing hotel sa Malaysia. Hindi ako lumalabas ng kwarto. Damang dama ko ang takot. Every minute nagdadasal ako ng rosary at salmo 91. Yun ang naging panlaban ko sa takot at gutom. After 3 days, bumalik ako ng Singapore at binigyan nga ako ng 14 days. Pagbalik ko sa bahay ng kaibigan ko, iyak lang ang sinalubong ko sa kanya - luha ng takot at kalungkutan. Hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga panahon na yun. Gusto kong pigilan ang araw at oras dahil ayaw ko umuwi ng Pinas at wala pa kong nakukuhang trabaho. Hangang dumating na ang araw na nawalan na ko ng lakas ng loob mag-apply. Nasa loob lang ako ng kwarto at umiiyak hanggang sa my nadinig ako na katok sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto may inabot sa akin na Flyers na hiring ang (Fast Food Restaurant) yung kasamahan namin sa bahay. Mag-apply daw ako. Dahil sa likod lang naman ng block namin ang branch ng store na yun nagpunta ko. Laking gulat ko nang pagpasa ko ng resume ko sa Restaurant Manager ang sabi nya hindi ka pwede as a Crew dapat sa’yo Managerial Position. Napatigil ako, sabi ko sa isip ko, manager ako..? (isang malaking ????) Yun na lang apply ko doon ang inaasahan ko. Araw-araw ko pinupuntahan ang manager sa store para i-follow up ang application ko. Malupit pa rin ang tadhana. Dumating na ang araw na kailangan ko umuwi ng Pinas. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot sa Tatay ko, hiya sa mga taong nakakaalam na kaya ako nagpunta sa Singapore ay para maghanap ng trabaho. Pag-uwi ko ng Pinas ni-isa sa kapamilya ko walang sumundo sa akin sa airport. Naglalakad ako mag-isa sa kalsada, hila-hila ang bag ko. Ang gulo ng isip ko ng mga panahon na yun. Pagdating ko sa bahay namin sermon ang inabot ko sa tatay ko. Nag-aksaya lang daw ako pera at panahon sa Singapore. Doon ko nakilala ang mga tunay kong kaibigan. Pinagtawanan lang ako ng mga inaakala kong kaibigan ko. "Sabi nila, lumayo ka pa kasi hanggang dito ka na lang." Ang daming masasakit na salita ang inabot ko. Sa mga panahon na yun, ang Diyos ang naging kasama ko. Palihim akong umiiyak dahil ayaw ko na makita ako ng mga kapamilya ko na nalulungkot. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na'to. Hanggang sa isang araw nakatanggap ako ng overseas call (tawag mula sa Manager ng fast food resto na inaplayan ko) pinababalik ako for the interview. Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ko. Ayaw akong payagan ng tatay ko na bumalik. Mag-aaksaya lang daw ako ng pera. Pero buong tapang kong sinabi na babalik ako dahil alam ko na meron akong babalikan. Bumalik ako ng Singapore baon ang lakas ng loob at kaunting pera na natitira sa ipon ko. Pinaubaya ko na sa Diyos ang lahat. Dahil sa lakas ng loob at pananalig sa Diyos, 3 days palang naayos na ang Employment Pass ko at nakapagsimula nang magtrabaho. Ganyan ang buhay, may mga bagay na dumadating na hindi natin inaasahan. Kung minsan may mga bagay na gustuhin man natin hindi mapapasa-atin dahil alam ng Diyos kung ano ang nararapat para sa atin. Laking pasasalamat ko na sa bansa na ito ako napunta. Malapit sa Pinas, kahit na anong oras makakauwi ka dahil mura ng pamasahe. At dahil PR na ko rito, dito ko na gustong bumuo ng pamilya. Salamat sa pagbibigay ng panahon sa pagbasa. More power Kapuso! Best Regards, ANGELA-Singapore