Pakikipagsapalaran sa Dubai (2)
Ilang minuto lang pagbaba ng airport sa Dubai nakalabas din kaagad ako, sandali lang pala. Bitbit ang xerox copy ng Visit Visa tuloy-tuloy lang sa ako sa visa section at dun mo makukuha ang original copy. Kabaligtaran ng sinasabi ng mga Immigration Officer dyan sa ating sariling BAYAN na kailangan dala mo ay original. Ito ang ginagamit nilang paraan para mapilitan ang ilan nating mga kababayan na MAGLAGAY o yung tinatawag na SUHOL. Ilang pila ang dinaanan ko bago nakalabas ng immigration natin. Napakaraming simpleng tanong na masagot mo man ng simple at tama DENIED ka pa rin. At sasabihin âdi ka pwedeng umalis. Sa ano kayang dahilan? Sintido kumon, napipilitan ang mga kababayan nating mag Visit Visa sa ibang bansa upang humanap ng TRABAHO. Huling subok sa pila sa pinakadulo sa bandang kaliwa, hindi pa rin daw ako pwede umalis, sabi ng babaeng immigration officer. Kung gusto ko raw tatawagin nya nya ang kasama nya at kausapin ko na lang daw paglapit sa counter. âMagkano ang ibibigay mo para matatakan na ang passport," sabi ng lalaki na medyo malaking katawan. Nakakahiyang bumalik ng probinsya....kailangang ISAKRIPISYO ang baon kong pera na dalawang libong piso lang. Todas ang P1,500 napasakamay ng mga WALANG KUNSENSYA at WALANG AWA sa kapwa Filipino. Dinala ako sa shop na pagtatrabahuhan ko. Ibang lahi ang mga makakasama ko dun. Matapos kulang-kulang 1 oras, bitbit ang maliit na maleta tuloy na sa magiging accommodation. Maliit ang kwarto at 6 kami. Ok lang, sanay tayo sa ganitong buhay at sitwasyon. Ilang araw din bago ako nakapag-adjust sa pagkain. Kulang nga ang baon kong pera para makabili ng nakasanayan kong pagkain dyan sa Pilipinas. Inabot lang ng 57 dirhamo ang kapalit ng natira kong 500 pesos. Salamat sa isang kabayan natin dahil pinalitan nya yong 500 pesos ko. Ilang araw pa lang unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ng pagkatao ng aking amo. Mabagsik at âdi maka-tao kung ituring ang kanyang empleyado. Panay ang sigaw, parang hayop kung mag-utos. Ayaw nyang makikita na nakaupo ka kahit wala kang gagawin. Dose-oras nakatayo, mitig ang paa dahil laging nakasapatos. âHindi ko yata kaya," ang sabi ko sa misis ko nang tawagan nya ko minsan para kumustahin. Narinig ko boses ng panganay ko at doon ay tuluyang napaiyak. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko rin na sila ay mag-alala. Nababaguhan lang siguro ako ang sambit ko sa misis ko. Umuwi na lang daw ako at bahala na. âKaya ko naman at kailangang magtiis," ang sagot ko. âAndito na eh." Dumating ang araw ng unang sweldo. Malayo sa napag-usapan namin at pangako ng recruiter kuno nating kababayan. âPano kaya eto.. Isang libo lang dirhamo ang pinapirmahan saâkin na sweldo. Paano ko mababayaran ang interest ng nahiram ko?" Hindi ka ko pwede ito. Wala ni isa sa napag-usapan sa Pilipinas ang natupad. Binalak ko magpaalam pero ang hirap. Wala ako mapupuntahan.Wala rin ang passport dahil pagkalabas ng airport kinuha na ng employer. Hindi ko alam na kapag visit visa pala, dapat hawak mo ang passport. Ilang buwan pa ang lumipas at tuluyan ko nang nalaman na naloko pala talaga ako ng kababayan natin. Hindi aabot ng mahigit 100,000.00 pesos ang gagastusin mo kapag nagvisit ka sa Dubai. Sa halagang mahigit P40-50,000.00 may visa kana at ticket. Naka-tatlong beses ako nag-exit sa OMAN bago nagkaron ng employment visa. Dito na rin sa dati kung trabaho, wala na talagang magawa. Kung magre-resign pala nang âdi pa tapos ang kontrata, magbabayad ka sa visa o di kaya naman iba-ban ka pa. Kulang talaga ang sinasahod ko sa pambayad pa lang ng interest dun sa hiram kong pera. Hanggang ngayon tiis pa rin ang ginagawa ko. Kung uuwi ako kaagad âdi ko mababalik yun nahiram ko. Salamat at kahit papano minsan nakaka-pag-part time ako. Ito na lang ang tanging napadala at nasusuporta sa pamilya ko. Konting halaga, pero sa mapang-unawang katulad ng asawa ko tuloy at âdi ako nawawalan ng pag-asa. Bawi na lang daw ako sa ibang panahon at pagkakakataon. Tama siya. Ilang panahon na lang naman at mababawi ko na rin yun ginastos namin sa awa ni LORD. Ganito talaga ang buhay...Pero sabi nga "In three words you can sum up what LIFE is meant" ...IT GOES ON.. Babala ko lang sa mga kabayan natin , mag-ingat dito sa pekeng recruiter na nagpa-panggap na marami siya kilala na employer dito sa Dubai. Huling balita nandito raw ang babaeng HUNYANGO sa Dubai. Galing daw ito dati ng Lulu. Marami siya ipapangako na puro kasinungalingan. Pagpalain sana ng DIYOS ang mangilan-ngilang kababayan nating naliligaw dâyan sa Immigration at dumating ang panahon na sila ay umakto at magserbisyo ng MARANGAL, may TAKOT SA DIYOS, MAKATAO at may MALASAKIT SA KAPWA. Panahon na po para kayo naman ang magsakripisyo ng pansarili ninyong interes. Serbisyong totoo ang kailangan ng mga tinatawag na bayaning âOFW." Diyan sana sa inyong departamento ay mag-umpisa at makitaan ng KATAPATAN at MALASAKIT sa mga tulad naming uhaw sa PAMILYA. Sa pinoyabroad@gmanews.tv, maraming salamat po. Nakatutulong po ang inyong column sa marami nating mga kababayan. More power po sa inyong lahat lalo na sa GMA (TV channel poâ¦..) Alyas Suv Mga Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka dâyan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa PinoyAbroad ng www.gmanews.tv. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda âyon? âYan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po mga Kapuso!