Hinubog ng panahon at karanasan (2)
(Ang karugtong) September 9, 1985, mayroon pa akong bulutong, nilalagnat nang ako'y tumulak patungong Unyong Sobyet (USSR), na ngayon ay Russian Federation para mag-aral Labing-isa po kaming Pinoy na nasa edad 19-25 ang magkakasama sa unang batch na pumunta sa Moscow, USSR. Nakapasa kami bukod sa rekomendasyon ng mga matataas ang tungkulin sa Partido Komunista ng Pilipinas. Sa madaling sabi, isa ako sa pinalad na nabigyan ng Full Lenin Scholarship ng gobyerno ng dating komunistang bansa. Kaya noong Setyembre 1985, three days din akong nag-stay sa University hotel sa Moscow university sa Lomonosov. Ipinadala ako ng Moscow University sa Rostov sa katimugang bahagi ng Rusya. Isa ito sa karanasan ko sa buhay na kailanman âdi ko malilimutan. Habang ako'y nasa tren patungong Rostov inihatid ako ng tanaw ng ilang Pinoy na kasama ko sa isang hostel sa Moscow university. Napakalamig na, wala akong jacket o makapal na sweater. Ang mga kasama ko sa bagon ng train ay puro mga African, kasama ko sa kupei (room ito sa train sa Russian language) ay puro mga taga Equatorial Guinea, mga Portuguese speaking. Nasa itaas ako ng kupei at apat kami (tatlong African) at ako. Nag-iisa lang akong Pinoy sa batch na iyon. Bawat isa sa mga estudyante na papuntang Rostov On Don ay binigyan ng tig-5 roubles. Ang equivalent nito noon sa black market ay 20 roubles something into one US dollar. Pero officially kapag nagpalit ka sa foreign exchange sa Moscow, mas mataas ang roubles, meaning 60 kopeeks (ito yung cents), ay 1 US dollars. Samantalang sa black market noon ay 1 US dollar is equivalent of 20 Russian roubles. Nandoon na tayo, inabot ako ng gutom pagkagising. Siguro mga 2 oras ang biyahe. Bumaba ako sa higaan, tulog din itong mga guineas, lakad ako, naninibago sa amoy, sa lahat, wala akong naiintindihan kundi âda ili nyet," yes or no lang na natutunan ko nung nasa Manila pa ko. At saka ilang porusski na word gaya ng âpoidyom domoi" o âlet's go home." Nang ako'y bumabagtas sa bagon ng train wala man lang akong masalubong para matanong ko kung saan ba iyung canteen sa train. Hanggang napahinto ako sa isang kupei na may nag-i-englis. Kumatok ako at nagtanong, naninibago akong mag-englis kasi puro Tagalog naman talaga salita sa atin sa Pilipinas lalo na kung sa iskwater ka nakatira. âAnong englis-engles," sabi ko sa sarili ko. Ang sa akin kasi, yung mga nag-i-englis na paburges ang dating ay mayabang. Ewan ko, opinyon ko lang siguro iyon. Di ko alam na napakalaking halaga pala iyung kahit papaano'y tinuruan tayong mag-ingles sa elementarya at high school. Sa sitwasyong ito ay napakahalaga na magamit ang natutunan kahit kaunting teknik sa pakikipagkomunikasyon sa wikang banyaga kagaya ng englis. Nakilala ko ang isang Botswanian, si Gabete Gaborone, isang negro na African. May mabuting kalooban, kaagad niya akong inalalayan at tinanong nya ako kung may kasama akong Filipino. Sabi ko naiwan sila sa Moscow at sinamahan nya ko sa canteen ng train. Iyon ang simula ng aking masalimuot na paglalakbay hindi lang papuntang Rostov kundi in general. In short, nagpreparatory ako sa Rostov on Don Agricultural Machinery Institute sa Gagarin Square sa Rostov on Don. Dito ako nagsimulang mag-aral ng wikang Ruso, walang Filipino sa bahaging ito ng Russia. Ang mga naging kaklase ko ay Indian, Bangladesh at Nepali, kasi mga english speaking ang mga ito. Matatalino ang mga Indian lalo na sa Mathematics at Physics. Humanga ako sa kasipagan nila sa pag-aaral. Hindi nakapagtatakang number one sila lalong-lalo na sa larangan ng IT sa buong mundo. Subalit napapansin din ako noong ako'y nagwagi sa pagguhit sa larawan ni Vladimir Lenin at sa pagtula ng isa sa mga kilalang tula tungkol kay Lenin noong November 1985. Dito ako napukaw sa buhay ng isang sosyalistang bansa. Hindi pa pala umabot sa 100 % na communist system ang Russia kagaya ng mga nasasaad sa istorya ng mga kanluraning bansa. Sa sistemang komunismo kasi, aalisin ang salitang pera kundi man ang pera mismo. Lahat ay kontrolado ng gubyerno, siya ang magtatakda kung saan ka magtatrabaho pagkatapos mong mag-aral. Pati kung saan ka ipapadala para manirahan at magsilbi ng ilang taon sa gobyerno kapalit ng pag-aaral nang libre sa kursong kinuha mo. Mayroon kasing scholarship stipend (sweldo ang tawag dito nang mga Pinoy) na halagang 70 roubles noong 1985 sa loob ng isang buwan. Kasama rito ang libreng winter coats, libreng hotel, may ka-room mate ka nga lang maximum of four na bawat isang room, may isang Rusong starosta (o sa wikang tagalog ay siya ang boss ng bawat room ng mga foreign students). Dito ko naranasan kung paanong maglinis nang 6 stories na hotel. Dalawa lang kami ng russian kong room mate na ang bawat floor ay may mahigit limampung rooms, pahaba ang koridor, pati ang hagdanan ay kasamang lilinisin. Ganito ang sistema sa communist country kagaya ng dating Unyong Sobyet. Habang sa canteen, sa oras ng pahinga may tali akong pula sa kaliwang braso na nakalagay ay DEZHURNIY, meaning ako ang may authority sa araw na ito. Nakabantay ako na parang isang guardiya at lahat ay kailangang sumunod sa maaaring labagin nila. Halimbawa, pagkakain nila, sila mismo ang magliligpit ng kinainan nila. Pupunasan ang lamesa, iaabot iyung pinagkainan sa isang parang maliit na butas na may umaabot na kamay ng Russian na nakaduty sa kusina. Malalakas magsalita ang mga Russian, walang pakiyeme-kiyeme, straight to the point 'ika nga, walang pa cute. Sa loob ng tatlong buwan from zero knowledge ng Russian ay naging matatas ako sa conversation. Although gramatically, I needed to struggle a lot. Sa panahong inilagi ko sa Rostov, sumusulat pa ang nanay ko sa Karuhatan, Valenzuela noon. August 15, 1985, tumulak naman ako patungong Minsk, Byelorussia malapit sa Poland at former Baltic States ng Soviet Union, ang Estonia, Lithuania at Latvia. Ipinadala ako sa Minsk Architectural Institute ng Rostov Higher Education. Sa Minsk, na-meet ko ang ilang Pinoy na ka-batch ko last September, 1985. Kaya birthday ko nung August 16, 1986, I was then 21 years old. Nasa bahay ako ng dating Pinoy na nag-aral sa Byelorussian State University - si Ka Herman Bognot, na ngayon ay propesor sa UP Diliman. Ako naman ay sa isang hiwalay na lugar sa Minsk din tumira katabi ng iskul ko. Sa Byaduli street 9, tandang-tanda ko kasi siyempre sumusulat ako sa nanay ko at mga kapatid. Memorized ko iyun by heart. Iyung panahon na around January 1987, napansin kong hindi na sumusulat nanay ko, o kaya di sinasagot ang aking mga liham. Wala pang internet o emial nung mga panahong ito. Kaya hayun, stamp, dinidilaan para dumikit, lalagyan pa ng smile before you open, baduy! Kakatawa pag naaalala ko, wala lang. Napapangiti ang puso ko âpag naaalala ko itong mga naranasan kong hirap sa dating unyong sobyet. Sometimes in January 1987, nasa train ako papuntang Moscow upang magpalit ng course, kasi medyo nawala na ako sa track. Naiwan ako ng mga kaklase kong Russian kaya ang mangyayari mae-expelled ako. Taong 1987 ang pinakamadugong parte ng aking buhay. Napanaginipan ko ang aking tatay na nakatayo sa harap ko at nakasuot ng barong, pormal na pormal. Tapos tinanong ko siya sa aking panaginip, "Tay, bakit puro dugo yang paa mo? bakit nakaapak ka? Wala kang sapatos?" Ang panaginip kong ito ang siyang pahiwatig sa nangyari pala sa aking pamilya sa Karuhatan, Valenzuela. (Itutuloy) - GMANews.TV Manolito Sharjah, UAE