Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Mark Herras


TUNAY NA BUHAY
MARK HERRAS
SEPTEMBER 29, 2021

 


Ang binansagang bad boy of the dance floor noon — good husband and father na ngayon!

Ang pagkapanalo niya bilang Ultimate Male Survivor sa reality artista search na StarStruck noong 2004 ang naging ticket niya para makapasok sa showbiz at magkaroon ng iba’t ibang leading lady. Pero sa tunay na buhay, ang nagpatibok ng kanyang puso, ang aktres na si Nicole Donesa. Katunayan, ikinasal na sila noong nakaraang buwan at mayroon na rin silang anak — ang kanilang bundle of joy na si baby Corky.

Pero gaya ng marami, naapektuhan din ng pandemya ang aktor at pumutok pa ang isyu ng panghihiram niya ng pera. Sa kabila nito, makikita ang kanyang pagiging positibo sa mga vlog na inu-upload niya sa kanyang YouTube channel.

Samahan si Pia Arcangel na kamustahin ang family life ng Kapusong si Mark Herras ngayong Miyerkules sa 'Tunay na Buhay', 11:30 PM sa GMA 7.