ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

BAGUIO AHADVENTURE!!!


Episode on February 6, 2011 Sunday 9:15 AM
BAGUIO AHADVENTURE!!! Photobucket IBONG ADARNA…NASAAN KA? Photobucket Matindi ang paghahanap nina Drew, Puppet Andoi at Madame Bola sa Ibong Adarna! Katunayan maging sa Baguio ay napadpad ang tatlo para lang makita ang ibong ito na maaari raw mag-tranform kay puppet Andoi bilang isang tao??? Posible nga ba ito ayon sa kuwento ng sikat na korido? Photobucket ZIP…ZAP…ZOOM!!! Sa tindi ng kagustuhan nina Drew at Puppet makita ang mahiwagang ibon sila'y nagpadausdos, lumipad, nagpalambitin-bitin at halos magpatihulog! Iyan ay ginawa nila sa isang Zipline experience sa Baguio! Makita na kaya nila rito ang Ibong Adarna? Photobucket BRRRR EXPERIMENT Photobucket Ever wonder kung bakit nagye-yelo ngayon ang mga prutas at gulay sa Baguio? Ilang minuto kaya bago lumamig ang kape kung ito'y iinumin mo sa napakalamig na paligid ng Baguio? Posible nga kaya na mag-snow sa Baguio dahil sa napakalamig at mas lumalamig pa na temperature rito? AHAbangan ang kakatuwang experiment ni Kuya Drew sa City of Pines! BAGUIO MOOMOO??? Photobucket Masyadong naging maugong ang mga kuwentong kababalaghan sa Baguio. Marami na raw ang mga lugar na tila pinamamahayan ng mga di maipaliwanag. Isa na rito ang Diplomat Hotel. Ang dating gusali ng mga seminarista, na naging isang masiglang hotel noon, ngayo'y isang abandonadong gusali na. AHAlamin mismo ang kwento mula sa mga taong nakaranas ng kakaiba rito. Photobucket