ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Bataan and Mt. Cristobal Mysteries"


Episode on March 20, 2011 Sunday 9:30 AM
BATAAN: ANG KASAYSAYAN AT KABABALAGHAN bataan3 Totoo nga kaya na kung ang isang lugar ay makasaysayan…binabalutan din ito ng kababalaghan? bataan2 Gaya na lamang ng Bataan na kilala bilang bayan ng kagitingan dahil dito ipinakita ng mga sundalong Amerikano at Filipino ang lakas ng loob habang sila ay pinahihirapan ng mga sundalong Hapones noong panahong ng Death March. bataan4 Kasama si Patani, muling babalikan ng AHA! ang Bataan upang alamin kung totoo nga ang mga kuwento ng mga tao rito na may mga di matahimik na kaluluwa ang gumagala sa kanilang lugar. ANG HIWAGA NG MT. CRISTOBAL Kung ang Mt. Banahaw ay kilala bilang “Holy Mountain" ng mga deboto…taliwas naman nito ang Mt. Cristobal na sinasabing “Devil’s Mountain". banahaw2 Ayon sa mga kuwento, naninirahan sa bundok na ito ang iba’t-ibang uri ng elemental at di pangkaraniwang nilalang. Sinuman daw ang umakyat dito ay sinasabing nawawala at namamaligno? banahaw1 Iyan ang aalamin ng AHA team kasama ang ilang eksperto sa kanilang pag-akyat sa tinaguriang “bundok ng demonyo". Ang mga natuklasan ng grupo…AHAbangan ngayong Linggo! banahaw3
Tags: , bataan