ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"AHAhaaaay!!! Ito na nga ba ang…DELUBYO???"


Episode on April 3, 2011 Sunday 9:30 AM AHAhaaaay!!! Ito na nga ba ang…DELUBYO??? Photobucket SIGNS OF THE TIMES Photobucket Dahil sa dami ng mga nagaganap na kalamidad: matitinding bagyo, pagbaha, malalakas na lindol at maging ang tsunami na sanhi nito, marami tuloy ang nagtatanong…ito na nga ba ang mga senyales na nalalapit na ang katapusan ng mundo? Iyan ang sisiyasatin ni DREW ARELLANO kasama ang “Liga ng Kaalaman" Ang mga propesiya ni Nostradamus, ang mga Mayan Civilization na nagsasabing katapusan na ng mundo sa December 12, 2012, at ang kahulugan ng mga natural disaster at phenomena…lahat ng iyan ay hihimayin ng programa at ng siyensya. Huwag mag-panic! AHA-lamin ang katotohan ngayong Linggo. SAAN KA LIGTAS? Photobucket Sa mga nagaganap ngayon na matitinding kalamidad, saan kaya tayo magiging ligtas? Sigurado ka ba na matibay ang lupa na iyong kinatatayuan? Alam mo ba na may mga batong subok na matibay at meron ding madaling matunaw? Alamin din kung anu-ano pa ang mga lugar sa bansa na sinasabing ligtas at kailangan ng pag-iingat. Nagtataka ka ba kung bakit may mga gusaling di agad gumuguho at tila sumayaw lamang ang mga ito habang lumilindol? Iyan ay dahil sa earthquake rolls! Kung paano sila gumagana…AHA-lamin! SURVIVAL EXPERIMENTS Photobucket Habang di pa dumarating sa atin ngayon ang matinding kalamidad…kailangan na nating maging handa! Hayaan n’yong magbahagi si “Macdrewber", si Drew at ang kanyang mga kaibigang science experts ng ilang survival experiments na kayang-kaya ninyong gamitin at gawin sa panahon ng pangangailan.