Paano nga ba maging bayani?
Silipin natin ang naging buhay ni Ninoy Aquino mula pagkabata hanggang sa kanyang pagiging lingkod ng bayan sa murang edad. Sa tulong ng siyensya, mas maiintindihan natin ang sakripisyong dinanas ni Ninoy sa loob ng matagal na pagkakakulong noong rehimeng Marcos. Ano nga ba ang epekto sa katawan at isipan ng solitary confinement at ng halos di kumain sa loob ng mahigit isang buwan? At ano nga ang kahulugan ng pagkamatay ni Ninoy? Sa napakaraming teorya at haka-haka, sa pamamagitan ng forensics science, mabibigyang liwanag kung paano nga ba binaril si Ninoy. Kasama ang mga eksperto, hihimayin ni Drew Arellano ang bawat teoriya ukol sa kanyang pagkakapaslang ayon sa mga nakalap na ebidensya at mga saksi. Ipagdiwang natin ang demokrasya. Ipagdiwang natin ang buhay ni Ninoy ngayong Linggo sa AHA!