ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHA! Sees Dead Animals


Hanggang sa ngayon sa pag-uwi ni Ching sa kanyang bahay, sumasalubong pa rin sa kanya ang tila tuwang-tuwa na si Potpot. Setyembre pa nang namatay si Potpot—ang alaga niyang aso.  Dahil hindi raw niya kayang ‘di na ito makapiling, dinala niya si Potpot sa isang taxidermist na nagbigay rito ng ‘pangalawang buhay’.  May isang pet owner din na ginawang remote-controlled helicopter ang pumanaw niyang pusa!   Ang siyensya sa likod ng proseso ng taxidermy, aalamin na.   AHA-lam n’yo ba na may mga funeral service din na ginagawa para sa mga pumanaw na alagang hayop?  Mula sa burol, disenteng paglilibing sa sementeryo, at maging pagsunog ng katawan o cremation, maaari nang gawin para maging maayos ang huling pamamaalam sa mga alaga mong hayop.   Kung hindi naman kayo maka-get over sa pagkamatay ng inyong alaga, AHA-lam n’yo ba na bukod sa taxidermy may mga paraan pa para di n’yo siya masyadong ma-miss? Ang mga abo ng aso ay puwedeng maging isang diamante, o ‘di kaya’y maging parte ng isang painting na nakasabit sa dingding ng bahay mo!   AHA! Sees Dead Animals, ngayong Linggo na sa AHA!, 9:15 ng umaga sa GMA 7.

Tags: plug, animals