ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

House Crawlies, tampok sa 'AHA!'


AHA! HOUSE CRAWLIES Nov. 25, 2012 / Sunday   9:50AM Pesteng ipis! Isa sa mga pinandidirihan natin na nakikitira sa ating mga bahay ay ang mga ipis.  Kakayanin mo bang maging up close and personal sa insektong ito?  Bago tumakbo, mamutla, at tumili sa pandidiri…kilalanin muna natin sila dito sa AHA!.   AHA-lam niyo ba na may iba’t ibang lahi at uri ang ipis?  Hindi rin daw lahat ay matatawag na peste. Katunayan, may mga tao na itinuturing ang ipis bilang pet.  Mayroon ding ipis na puwedeng kainin!  Pero parasa marami, nararapat lang na sila ay patayin.  Ilang tips ang ibibigay ni Drew Arellano kung paano pupuksain ang mga pesteng ito.    Abangan din ang AHA! encounter sa mga house spider.  Bakit nga ba paborito nilang pamahayan ang mga suluk-sulok ng ating bahay?  Makisilip din sa AHA-mazing architectural design ng spider web.  Paano ito ginagawa ng gagamba at gaano ito katibay?  Tsaka bakit nga ba hindi nabubuhol sa sarili niyang sapot ang gagamba?     Kilalanin din ang alupihan na makikita sa mga bakuran at maging sa mga CR sa loob ng bahay. May ilang uri nito ay nakamamatay ang kamandag ng kagat.    Harapin na ang mga ‘boarders’ sa inyong bahay sa AHA! ngayong Linggo, Nov. 25, 2012, 9:50AM.

Tags: plug