ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tuloy pa ba ang Pasko o magugunaw na ang mundo?
“TULOY PA BA ANG PASKO O GUNAW NA NG MUNDO?” Disyembre 02, 2012 / Linggo 8:15 ng umaga
Sa December 21, 2012 magtatapos ang 394-year cycle ng Mayan calendar. May mga naniniwalang ang petsang ito na raw ang kinatatakutang araw ng ‘gunaw’ ng mundo, ayon sa prediksyon ng mga Mayan. Kahit na ang karamihan ay hindi alintana ang prediksyong ito, posible nga bang magkatotoo ang gunaw ng mundo bago mag-Pasko? May basehan ba sa siyensiya para ito’y ating paniwalaan? Ang iba ay sa nasusulat sa Bibliya ukol sa ’Armageddon’ ang takbuhan at pinanghahawakan. Habang ang ilan naman ay naniniwala sa Pranses na manghuhula na si Nostradamus ukol sa katapusan ng mundo. Sunod-sunod na nga raw ang dumarating na mga senyales— lindol, matinding ulan, tsunami, pagsabog ng bulkan, sinkholes, solar flares, pag-ulan ng isda, at iba pang mga kagila-gilalas na pangyayari sa ating kapaligiran. Anu-ano pang signos sa kalikasan ang sinasabing magwawakas sa sanlibutan? Alamin ang sinasabi ng siyensya at ng mga eksperto ukol dito. Tumutok sa “AHA!” kasama si Drew Arellano sa mas maaga nitong oras na 8:15am ngayong Linggo, Disyembre 02, sa GMA 7.
Sa December 21, 2012 magtatapos ang 394-year cycle ng Mayan calendar. May mga naniniwalang ang petsang ito na raw ang kinatatakutang araw ng ‘gunaw’ ng mundo, ayon sa prediksyon ng mga Mayan. Kahit na ang karamihan ay hindi alintana ang prediksyong ito, posible nga bang magkatotoo ang gunaw ng mundo bago mag-Pasko? May basehan ba sa siyensiya para ito’y ating paniwalaan? Ang iba ay sa nasusulat sa Bibliya ukol sa ’Armageddon’ ang takbuhan at pinanghahawakan. Habang ang ilan naman ay naniniwala sa Pranses na manghuhula na si Nostradamus ukol sa katapusan ng mundo. Sunod-sunod na nga raw ang dumarating na mga senyales— lindol, matinding ulan, tsunami, pagsabog ng bulkan, sinkholes, solar flares, pag-ulan ng isda, at iba pang mga kagila-gilalas na pangyayari sa ating kapaligiran. Anu-ano pang signos sa kalikasan ang sinasabing magwawakas sa sanlibutan? Alamin ang sinasabi ng siyensya at ng mga eksperto ukol dito. Tumutok sa “AHA!” kasama si Drew Arellano sa mas maaga nitong oras na 8:15am ngayong Linggo, Disyembre 02, sa GMA 7. Tags: plug
More Videos
Most Popular