ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Usapang taglamig ngayong Linggo sa 'AHA!'
AHAaang Lamig! (December 16, 2012 / Linggo) 9:30 AM, Mega Manila 7:20 AM, Regional Mabagal man ngayon ang pagdating, pihadong ang simoy ng hangin ay lalamig pa rin! Tuwing panahon ng Pasko, kinasasabikan nating mga Pinoy ang malamig na panahon. Kaya ngayong Linggo, palalamigin pa lalo ni Drew Arellano ang ating umaga para mas ma-feel niyo ang nakaka-BRRR na Kapaskuhan! Dadalhin tayo ng AHA! sa panahon na ang malaking bahagi ng mundo ay nababalot ng yelo o ang tinatawag na Ice Age. Paano nga ba ang buhay noon at anu-anong mga hayop ang namumuhay sa ganoong panahon? Kung magkakaroon man uli ng Ice Age, kakakayanin ba natin ang sobrang lamig? Isang “Extra L-AHA-mig Challenge” ang ipakikita ni Drew para malaman kung sinu-sino ang mga puwedeng tumagal sa lamig.
AHA-lamin din natin kung bakit nga ba nakararanas ang ilang mga bansa ng taglamig o winter season habang tayo dito sa Pilipinas ay hindi. Gusto n’yo rin bang makaranas ng snow? Iyan ang gagawin nating eksperimento ngayong Linggo! Si Boobay naman, walang choice kundi umupo sa yelo! Alamin kung bakit. Samahan n’yo rin kami sa pagbusisi sa paggawa ng isang kakaibang ice cream.
O, mag-jacket na at walang kasing-cool ang ating Christmas AHA!dventure ngayong Linggo, 9:30 ng umaga sa GMA. Tags: plug
More Videos
Most Popular